Chapter 34 - Reward a Kiss

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Nakasalubong ni Prin ang anim na kidnappers na nagmamadaling tumakbo palabas ng bahay nila. 

Kasunod ng mga ito si Bantay na ilang dipa ang layo sa kanya.

Sinalubong nito ang tingin niya. Tulad ng dati ay matalim ang tingin ng berdeng mga mata nito na tila ba ano mang oras ay lalapain nito ang kasalukuyang biktima. 

Ilang sandali lang, tumakbo patungo sa kanya ang leopard saka siya sinunggaban. Napaupo si Prin dahil sa bigat ng mabangis na hayop. 

Inamoy amoy siya nito.  

"Ah.. hahaha!!! Stop it!!!" nakikiliti si Prin sa paraan kung paano siya nito inaamoy. 

Tinitigan ni Prin ang leopard. "you are so clingy!" hinawakan niya ito sa pisngi at hinimas ang leeg nito. 

Dinilaan nito ang ilong niya.

Kapapanganak pa lang ng leopard na iyon nang una silang magkita ni Prin. May anim na taon na rin itong nasa pangangalaga ni Master Cloud. Regalo iyon sa biyenan niya ng isang Presidente mula sa Africa.

Mas matalino ang leopard na iyon kumpara sa ibang hayop. Hindi pa ito kumain o kahit kumagat ng tao pero ganoon pa man nakakatakot ang tingin nito kaya hindi niya masisisi ang mga kidnappers na nakasalubong niya na matakot habang tumatakbo palayo.

Hindi niya napapansin na nasa gilid lang si Cally at nakamasid sa kanya. 

"You are so careless. Madumi na ang pantalon mo"

Napangiti lang si Prin sa pagsusungit na naman nito sa kanya.

"Let's go home. Bye bye Bantay."  

Umungol lang ito at parang ayaw na umalis siya. Tinawag ito sa loob ni Master Cloud kaya nawala ang atensyon nito sa kanya.

Sumakay siya sa pulang kotse. "Sakay ka na, Husbie"

Tinapik tapik niya pa ang upuan sa tabi. 

"Ikaw ang magd-drive?" tanong ni Cally. 

"Malamang. Ano pa at binigyan mo ako ng sasakyan?" 

Nakatitig lang sa kanya si Cally saka umupo sa tabi ni Prin. "I will give you rules, bawal gamitin ang sasakyan sa kung saan-saan."

"Bawal magsakay ng lalaki."

"Bawal ang hindi sumunod sa batas-trapiko"

"Bawal gamitin sa oras ng klase."

"At bawal…  makipag-race" 

Sumimangot si Prin. "what is the use of having a sports car, then?" tanong niya.

"To satisfy your needs. Didn't you ask for it?" 

She was speechless. Inikutan na lang niya ito ng mata. 

Sa palagay ni Prin, si Cally ay isang boring na kwarenta anyos na nasa anyo ng isang bente tres anyos na katawan ng lalaki.

"Syanga pala, gusto kong magpasalamat sa pagtulong mo sa akin na mailigtas ang kapatid ko kanina." sabi nito habang daan.

Nilingon niya si Cally. "There is no need to say thank you, We are family"

"Hindi na kita nasamahan na mamili ng gamit."  medyo nanghinayang si Cally dahil hindi niya nasamahan si Prin.

"we can do that tomorrow" 

He can't explain why his heart is full of excitement whenever he was with her. Whenever she was alone with him in his office. 

She is simply too beautiful in his eyes whenever she gave him an annoyed look while answering his exam sheet. Or whenever she called him 'Husbie'. Or whenever she is spouting nonsense.

Her scent is also different from other girls and he likes it so much. 

She looked good in her pants, gorgeous in a dress and s.e.xy in her lacey underwear. 

Dahil hasa si Prin sa aktibidad, nasa tamang lugar ang mga dapat kalagyan ng mga laman nito. Walang sinabi ang angels ng Victoria's Secret sa mata ni Cally. Ipinilig niya ang ulo at baka sa iba pa mapunta ang iniisip niya.

Nilingon niya si Prin sa tabi.

He looked at her lips while she is driving carefully. He wants to kiss her more. Gusto niyang maulit ang napagsaluhan nila na halik ni Prin. 

Para iyong droga na hinahanap-hanap niya. 

Nagising lang siya sa katotohanan nang huminto ang sinasakyan sa tapat ng bahay nila. 

Hinarap siya ni Prin.

"So, how's my driving?" Nakangiti at excited na tanong nito. 

Nilapit lang niya ang mukha niya dito because he really misses her kisses. He gave her a smack on her lips na ikinagulat ni Prin.

"Not bad. That is your reward."

Namula ang pisngi ni Prin dahil sa pagkabigla.

"Sigurado ka ba na ganito din ang pagmamaneho na ginawa mo sa kambal kanina? Baka naman iningatan mo lang ngayon kasi alam mong minamarkahan ko ang pagmamaneho mo." Tudyo ni Cally.

"Of course not! Why would I care about you?" Alma ni Prin

"Para pasakayin ako ulit. Siguro, gusto mo na ipagmaneho mo ako araw-araw kaya iningatan mo talaga ngayon para pumayag ako. Don't worry I can give you extra kiss kapag naihatid mo ko sa opisina ng maayos."

"Who wants to do that? Alam mo Cally, kumakapal na ang balat mo" namumula ang pisngi niya sa pagkahiya. 

Kahit pa sabihin na ganoon nga ang hiling niya, hindi niya iyon aaminin. she was still a girl.

"Bakit naman? May mali ba akong nasabi? Hindi ba at ikaw ang humiling na magkaroon ng kotse dahil sabi mo ay gusto mo na magmaneho? Ibinigay ko naman sa iyo. Malay ko ba kung isang parte sa hiling mo ang ihatid talaga ako sa opisina tapos ay may kiss na reward."

"Shut it!" nahihiya na sabi niya saka lumabas na ng sasakyan.