Chapter 57 - Blindfold

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Nang binuksan ni Prin ang pintuan, bumungad si Ate na receptionist. 

"Y-yung pagkain niyo po Mam. S-sorry po kung naistorbo ko kayo ni Sir." Hiyang hiya si Ate dahil kakaiba ang hitsura ni Prin.

Lukot-lukot kasi ang bestida niya. Gulo-gulo ang buhok. Hindi maiwasan na mag-isip ito ng masama sa kanila ni Cally pero walang ideya si Prin.

'Hindi na sila nakapaghintay' isip-isip nito.

Kinuha lang ni Prin ang tray at nagpasalamat. Namumula ang mukha niya at hindi makatingin kay Cally. 

"L-let's eat!" Nilapag niya ang tray ng pagkain sa mesita. Nakatingin lang sa kanya si Cally at pinagmamasdan siya.

Prin looks cute habang hindi mapakali sa pagkilos, sa mata ni Cally. Tumayo na siya at umupo sa coffee table. 

Gutom na si Prin kaya kain siya ng kain. Parang nilipad din agad ng hangin ang hiya niya kay Cally. Pinanonood lang siya nito ng tahimik habang kumakain siya. 

Masasarap din naman kasi ang hinanda sa kanila ng hotel. Mainit na sabaw at saka chicken barbeque ang hinanda nito bagay sa malamig na panahon. Napansin niya na parang hindi kumakain si Cally. 

"Is there… something wrong? Bakit hindi ka kumakain?" Tanong ni Prin.

Nilagpasan nito ang mesita at inilapit ang mukha sa kanya. Dinilaan nito ang gilid ng labi niya na may naiwan na butil ng kanin. Namula na naman ang pisngi ni Prin. 

"May mumu ka, masarap pala kapag galing sa iyo... Saka, parang kulang pa kasi sa iyo ang pagkain natin." Puna ni Cally dahil halos mauubos na niya ang lahat.

"Nagutom kasi ako." Katwiran niya.

"Tingin ko din. Pero sana pakainin mo din ako. Lapit ka dito pakakainin mo ako bilang bayad sa pagiging makasarili mo..." 

Tiningnan niya ito ng masama. Sumunod din naman siya kay Cally. Nilapit niya ang silya, tinabihan ito at sinimulan na subuan ang kanyang prinsipe. 

Cally is enjoying na sinusubuan ni Prin. He is enjoying his life with her, hindi lang sa oras na iyon at sana ay habang-buhay sila na ganoon.

Kumidlat sa labas kaya napatili si Prin at nabitawan ang kutsara na may pagkain, kumalat iyon sa bestida niya.

Napakapit siya kay Cally. 

"Husbie…" natatakot na usal ni Prin.

Maya-maya pa ay nawalan ng kuryente ang buong hotel. Cally is cursing. 

"Isoli natin ang pinagkainan at tanungin na rin sila kung bakit walang kuryente." Mungkahi ni Cally. Napansin niya na nakapikit pa rin si Prin at mahigpit ang kapit sa braso niya.

"Prin? Are you okay?"

"Ta-takot ako sa kidlat" sabi nito.

Patuloy nga ang pagkidlat sa labas. Naaliw naman si Cally dahil hindi niya akalain na may kinatatakutan din pala ang asawa niya. Hindi ito takot sa masasamang loob na kriminal kun'di sa kidlat?

"Doon ka lang muna sa kama. Ako na muna ang lalabas para magtanong sa kanila okay? Saka kukuha ako ng pamalit sa likod ng sasakyan." Sabi sa kanya ni Cally pero hindi bumibitaw si Prin sa braso nito.

"Saglit lang ako, promise" binuhat siya ni Cally hanggang kama at maingat siyang nilapag doon.

"3 minutes lang." Sabi nito saka lumabas ng kwarto.

Nakapikit pa rin si Prin. Patuloy ang pagkidlat sa labas. Ilang saglit lang, nakabalik na si Cally nang may bitbit na bag.

"Mukhang natamaan daw ang kable ng kuryente. Malabo rin na makakauwi tayo agad dahil sa mga daan." Sabi sa kanya ni Cally. 

"Take a shower" sabi ni Cally. Biglang nagdilat ang mata ni Prin. 

"Shower?" Tanong niya at nakatingin sa malaking bathtub doon na nasa loob ng kwarto.

Mukhang nabasa naman ni Cally ang iniisip niya. Kahit papaano ay nakaramdam din ng hiya sa kanya si Cally lalo at hindi pa ito nakakakita ng babaeng naliligo.

"Ahm… pipikit na lang ako. Isa pa madilim naman" Suhestyon nito. Hindi satisfied si Prin sa sagot nito.

"Magtatakip ako ng mata." Nilabas nila ang mga laman ng bag. Kinuha ni Prin ang isang panyo nito at nga mga susuotin niya. Maswerte na rin at naghanda sa kanya ng gamit si Cally. What a perfect husband?!

Siya ang naglagay ng panyo dito. 

"Bawal makulit ha." sabi niya kay Cally.

Nagsimulang maghubad si Prin habang nakasilip kay Cally. Kahit pala nakapiring ito, iba pa rin ang pakiramdam kapag naghuhubad habang nakatingin kay Cally. Namumula ang pisngi ni Prin.

Rinig ng tubig at mga pagkilos ng asawa ang nadidinig naman ni Cally habang naka-piring. 

Hindi niya akalain na mas doble pala ang parusa kapag ganoon. Sana pala ay nagmungakahi na lang siya na lumabas. O kaya nagmungkahi siya na siya na ang magpaligo kay Prin.

'D*mn it!'

Maya-maya pa, kumidlat muli. "Ahhhh---!" Takot na tili ni Prin.

Unang gumana ang utak ni Cally na baka may nangyari na masama sa asawa kaya tinanggal niya ang piring.

Kapwa sila nanlaki ang mata. 

"Y-y-you! Hooligan!!" Nanlalaki ang mata ni Prin habang takip ng magkabilang braso ang magkabilang dibdib niya.