Chapter 91 - Winner

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Hindi mapakali si Bella sa silya niya. Wala sa klase ang buong kaisipan niya dahil na kay Prin at Kai ang lahat ng brain cells niya. 

Wala siyang maintindihan sa klase. Nasa online forum na naman kasi ang dalawa at nasabihan na rin siya na pinatawag nga daw si Prin, Kai kasama si Sean ng Dean. Napaaway kasi ang dalawa sa huli. 

Pasunod na sana siya sa mga ito nang dumating ang instructor nila sa klase, kaya wala siyang choice kung hindi ang tapusin at manatili sa klase. 

Ilang oras ang lumipas, humugot siya ng malalim na hininga nang sa wakas ay matapos ang klase, inayos niya agad ang mga gamit saka lumabas. Hinihiling niya na sana ay magkita-kita silang tatlo sa susunod na klase niya. 

"Guys, have you heard? Si Prin at Kai. Kailangan na sumali sa Volleyball league bilang parusa mula kay Dean." narinig niyang sabi ng isang estudyante. 

"Woah! Talaga? Exciting ito" 

"Basketball at Volleyball to be exact at magsisimula sa weekend. Kung saan kalaban ang kabilang school. And guys I am talking about beach Volleyball. Ngayon pa lang ay naglalaway na ko kay Papa Kai"

Nakahinga ng maluwag si Bella. Mabuti at maliit na parusa lang ang natanggap ng dalawa. 

"Pst!" tawag ng isa pa sa dalawang tsismosa. 

"Andiyan ang girlfriend, huwag kayong makulit." sita nito. 

"Nakita niyo na ba? 12 thousand na yata yung 'Follower' ni Kai pero iisa lang ang

'Following' niya at 'yun ay walang iba kun'di si Bella na girlfriend." bulong nito. 

Nakaramdam naman ng panghihinayang at selos ang dalawa pa. 

Curious si Bella kung totoo ang narinig niya kaya binuksan niya ang app ng Twit Twit. Nabigla siya sa nakita na siya nga lang talaga ang sinusundan ng lalaki. It was as if he created the account for her. 

Namumula ang mukha ni Bella dahil sa kilig. Tumuloy lang siya sa paglakad hanggang sa makarating ng second floor. 

Natagpuan niya si Kai na nakasandal sa pader sa labas ng kwarto ng sunod nilang klase at halatang naghihintay. May mga babae pa sa paligid na kilig na kilig habang nakatingin lang sa lalaki. Nilapitan niya ito. 

"Ahmm… bakit nandito ka sa labas? Baka mag-init na naman ang ulo mo. Nasa'n si Prin?" 

"She has to go to MGM Office. May nangyari kasi kay Shi Cally." sabi ni Kai habang nakatitig sa mga mata ni Bella.

It made her conscious. Lalo na at may mga tao sa paligid nila. 

"I was waiting for you para magpaalam. Susunod ako kay Prin to check the situation and I will be busy for a couple of days" sabi nito. 

Hindi naman maintindihan ni Bella kung bakit kailangan pa siya nitong hintayin at magpa-alam, e hindi naman siya nito girlfriend sa totoong buhay. Parang hinaplos tuloy nito ang kaloob-looban ng damdamin niya. It was like a small gesture with a big impact in her whole being. 

"Ano ba guys, masyado kayong pa-sweet sa hallway. Magkiss na kaya kayo kaysa iniinggit niyo kami." sabi ng estudyante na mukhang kanina pa nanonood sa kanila. 

Namula ang pisngi nila parehas. 

"Hindi kita mahahatid papauwi but I will try my best to fetch you. Message me whenever you need help okay" tila nagdadalawang-isip si Kai kung aalis na ba sa harapan niya o hindi. 

"Have to go!" ang huling sabi saka nagmadaling lumakad papalayo. 

"Haaay Kai, kapag ganyan ka ng ganyan mahuhulog ako lalo sa iyo" bulong niya sa sarili. 

Ngumiti siya ng mapait. Alam ni Bella na wala lang ang lahat ng iyon kay Kai. Sinabihan lang din siguro siya nito tungkol sa paghatid at pagsundo dahil may mga nanonood sa paligid. 

O kaya naman inutusan lang ito ni Prin na magpaalam sa kanya.  Nalungkot si Bella. 

Tumunog bigla ang cellphone niya habang nasa malalim na kaisipan. May notification siyang natanggap. 

Ang nakaka-aliw, hindi lang ang cellphone niya ang tumunog, kun'di halos karamihan ng nasa paligid niya. Para bang galing ang mensahe sa NDRRMC at may mangyayaring sakuna sa sunud-sunod na beep mula kung kani-kaninong cellphone. Sinilip niya ang cellphone. 

[Your friend KaiJeonJang recently posted a status] 

Kinakabahan na pinindot niya iyon at tila dinala siya sa kalangitan sa nabasa. 

[KaiJeonJang :Wait for me, My Angel…]

Kung gaano siya kasaya, ganoon naman kalungkot ang mga tao sa paligid habang nakatingin sa kanya at binabasa ang post ni Kai. Halata ang inggit sa mga ito at parang pinagsakluban ng langit kung saan dinala si Bella.

"Wala na, may nanalo na!" usal ng isa habang iiling-iling