Chapter 94 - Feed me...

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Alas otso na ng gabi nang makalabas si Kai ng opisina ng MGM. Ang bwisit na si Prin at Cally parang pinaglaruan siya ng mga ito sa opisina. 

Tumatak sa isip niya ang sinabi ni Prin na pupunta si Ken sa bahay ni Bella kaya lalo siyang nagmadali na makauwi ng condo. 

Matapos mag-park ng sasakyan, nag-iisip siya ng dahilan para kumatok sa pintuan ng unit ni Bella. Mag-aalas nueve na kasi ng mga oras na iyon. 

Seryoso lang siya na nag-iisip kahit na nang huminto ang elevator at makasakay siya sa maliit na box na iyon. Pinindot niya ang floor kung nasaan ang unit nila ni Bella. 

**ding!

Lumabas si Kai at naglakad patungo sa tinitirhan. Sinilip niya pa ang pintuan ng unit ni Bella. Tahimik ang kwarto nito kaya inisip niya na baka tulog na ang babae kahit mag-a-alas nuwebe pa lang. Tumigil muna siya sa pagkilos at saka nakikiramdam at nag-iisip ng idadahilan para katukin ang babae. 

'Ayain ko kaya siyang kumain' humakbang siya para kumatok. Kikilos na sana ang kamao niya para katukin ito nang bigla siyang nakaramdam ng kahihiyan. 

'F*ck!' humugot siya ng malalim na hininga. Saka bumalik sa pintuan ng unit niya. Nanatili siya doon at hindi alam ang gagawin. 

Maya-maya, nakarinig siya ng nagtatawanan sa pasilyo. Rinig niya ang papalapit na tawa ni Bella at tulad ng sabi ni Prin mukhang si Ken ang kasama nito. 

Sinusian niya na ang pinto. Malamig ang mata ni Kai na binuksan ang pintuan saka malakas na sinara iyon matapos niyang makapasok sa loob. 

Sa kabilang banda, alam ni Bella na nagsara ang pintuan ng unit ni Kai. Mukhang nakauwi na ang binata. 

Sakto sa pagsara ng pintuan nito ang pagliko nila ni Ken sa pasilyo. Natigil siya sa pagtawa. 

"Do you think he's back?" tanong niya sa kaibigan habang bitbit ang take-out ng pagkain. Huminto sila sa tapat ng unit niya. 

"I think so… o siya aalis na ko. siguro naman ay safe ka na dito." 

"Bye! Sabihan mo na lang ako kung kailan ang alis mo, okay." pabalik na kasi ng abroad si Ken. 

"Yep! Bye bye sugar!" hinalikan siya nito sa pisngi saka tuluyang umalis. 

Biglang naging tahimik ang maingay na mundo ni Bella kanina. Binuksan niya na ang pintuan pero nakatingin lang siya sa hawak na take-out na pagkain at hindi tumutuloy sa pagpasok. 

Nagpasama siya kay Ken na bumili ng pagkain sa labas dahil alam niyang nasa paligid pa rin ang ex niya. 

Huminga si Bella ng malalim. Saka tumapat sa pintuan ng unit ni Kai. Kinatok niya ang pintuan nito. 

Rinig niya ang papalapit na yabag bago nagbukas iyon. Nagtama ang mata nilang dalawa ng binata kahit pa malamig ang mata nito habang nakatingin sa kanya. 

"Ahmm… may dala akong pagkain. Gusto mong sumabay na kumain?" sabi niya at inangat pa ang supot ng take-out. 

Doon niya lang napansin ang mga tulo ng dugo mula sa kanang kamay nito. 

"Oh my god! What happened?" bigla niyang ibinaba ang supot at kinuha ang kamay nito. Sinuri iyon. May mga naiwan na kakaunting bubog sa kamay ni Kai. Hindi niya alam kung ano ang nangyari. 

"Do you have a first aid kit?" tanong niya. 

"Yes" 

"ahmm, halika na gamutin natin yan." sabi niya na kusang pumasok sa unit ng tinitirhan nito. Nahimasmasan din naman siya agad nang makahakbang papasok sa loob ng unit ni Kai. 

"Ahhm.. Sorry I forgot to ask you kung… okay lang na pumasok ako."

"no Problem" sabi nito. 

Kinuha ni Bella ang pagkain at nilagay sa table na naroon. Hindi tulad ng ibang kalalakihan, maayos ang unit ng tirahan ni Kai. Walang kalat o bahid ng alikabok. Very musculine ang awra ng paligid. May purifier pa sa gilid at lavander ang amoy. Hindi maiwasan na mainggit siya sa unit nito. 

Pinaupo siya ni Kai sa sofa na nandoon saka umalis saglit para kunin ang medicine kit. 

Nakita ni Bella ang nabasag na baso sa gilid pati na ang wine bottle na nasa mesa. Sa palagay niya umiinom si Kai bago siya kumatok. Ano naman kaya ang dahilan kung bakit umiinom ang binata? 

Natigil lang siya sa naiisip nang iabot sa kanya ni Kai ang medicine Kit. 

Kinuha niya ang braso nito na nasugatan at saka niya sinimulan na linisin. May maliliit na bubog pa sa kamay nito. 

"Ano bang nangyari dito? Why are you so clumsy? Iinom ka na ng lang hindi ka pa nag-iingat." 

Nakatitig lang si Kai sa nakayuko niyang mukha. Kita pa nito ang mahahaba niyang pilik-mata habang seryosong inaalis at nililinis ang mga sugat sa kamay. 

Pinakikiramdaman lang siya ni Kai. Normal naman kay Bella na tahimik ang lalaki o kaya masungit. 

"Do you want to eat? " tanong ni Bella para makaiwas. 

Tumango lang si Kai. Nagugutom na rin naman talaga siya. Nakaramdam lang siya ng sakit sa dibdib nang marinig na nakikipagtawanan si Bella sa ibang lalaki kaya napainom tuloy siya. 

Inabot ni Bella ang binili niyang pagkain kay Kai. Tig-isa sila saka siya nagsimulang sumubo. Nakakalahati na siya nang mapansin na hindi pa kumikilos si Kai at nakatingin lang sa bibig niya na puno ng pagkain. 

"Y-you don't like my food?" 

"I don't know how to use my left hand. Subuan mo ko." hiling nito.