Chapter 156 - He will do anything for her

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Buhat ni Kai si Bella na sumakay ng elevator paakyat sa palapag kung saan naroon ang condo unit nilang dalawa. Awang-awa siya sa nobya. Alam niya na napagod na ang nobya niya matapos ang dalawang araw nito na walang pahinga. 

Pumasok sa isip niya ang lalaking nakaputi. Kapag naglaban sila, hindi niya bibigyan ng pagkakataon ang taong iyon na manatiling huminga kahit isang segundo.

Binuksan niya ang pintuan ng unit nito saka maingat na nilapag sa couch si Bella. Hindi pa rin kumakalma ang sama ng loob niya sa mga nangyari. 

"Gusto kong maligo…" hiling ni Bella. 

Hindi nagsalita si Kai at nagkusa siya na pasukin ang shower room ng tahanan ni Bella. 

Unang beses niya na makapasok doon. May mga shower gel, shampoo, sabon at kung anu-anong gamit sa pagligo ang nasa isang kabinet. May salamin sa isang gilid. May citronella na scented candle na nakapatong sa lavatory. 

Nilagyan niya ng tubig ang bath tub at sinukat ang tamang init nito. Sinindihan niya ang scented candle. 

"Kaya mo na bang tumayo?" 

Tumango si Bella saka tumayo. "Babe, gusto ko ng Ramen" 

Noon lang napagtanto ni Kai na hindi pa nga pala kumakain ang dalaga. "Take a shower, ibibili kita sa labas. Ahm.. sigurado ka ba na kaya mo nang kumilos mag-isa?" 

Tumango si Bella. 

Hinalikan niya sa noo ang nobya saka ito inakay na magpunta sa bath tub. Namumula ang pisngi ni Kai na tinulungan si Bella na tanggalin ang coat na pinasuot niya sa dalaga kaya lumitaw ang katawan nito na naka-underwear.

Napalunok siya. 

"I-I'm going." paalam niya kay Bella. Nilagay ni Kai ang bluetooth na headset sa tenga nito. 

He then connected the lines between their phones. "Talk to me okay. Bawal matulog sa tub."

Saka siya nagpaalam dito para hanapan ng ramen ang Angel niya. Dis-oras na ng gabi kaya nahirapan siyang maghanap ng bukas na Japanese house. Para siyang naghahanap ng pagkain ng buntis niyang misis. 

Nag-uusap sila sa telepono habang nagmamaneho siya para maghanap ng pagkain ng nobya. 

"Nahirapan ka ba na maghanap ng pagkain?" tanong nito sa kabilang linya.

"Hmmm…" 

"Ibili mo na lang ako ng instant ramen noodles sa 7-eleven." hiling ni Bella. Ayaw naman niya na mahirapan si Kai lalo at alam niyang dis-oras na ng gabi.

"Okay." sabi ni Kai. dumaan siya sa palengke at bumili ng prutas. Hindi kasi maganda na mag-instant noodles lang ang nobya niya. Patuloy lang sila na nag-usap para hindi mainip ang nobya niya sa bahay nito. 

Kung anu-ano lang ang mga pinag-usapan nila sa linya. 

She asked kung maaliwalas ba ang ulap. He described it to her. 

She asked kung maluwag ang daan. She sang at kung anu-ano pa. Matiyaga siyang nakikinig sa dalaga hanggang sa makarating siya sa tirahan nito. Siguro kung malalaman ng mga trainees ng Dark Guards ang mga ginawa niya para kay Bella ay baka mawala ang respeto sa kanya ng mga ito.

Kilala siya bilang seryoso at mahigpit sa mga trainees kahit sa grupo nila Prin. Pero kaya niyang magpaalipin sa iisang babae. 

Madami na ang nagtataas ng kilay sa relasyon niya sa dalaga. Unang una na nga ang nanay niya pero wala siyang pakialam. 

For the longest time, ngayon lang niya naranasan ang kakaibang saya. Bigla niyang napatunayan na tao rin siya at tumitibok ang puso niya sa isang babae. 

Makagraduate lang talaga sila ni Bella ay baka ayain niya na agad ito na magpakasal. Hindi niya alam kung ano talaga ang pinakain nito sa kanya. O baka naman nilawayan siya nito ng lihim. 

Nakapagpalit na ng pajama si Bella nang makabalik siya doon. Pinagluto niya pa ito ng noodles. Nakapangalumbaba na pinagmasdan ang dalaga habang kumakain ito sa harap ng mesa. 

Nagsimulang ma-conscious ang dalaga. 

"Why?" takang tanong nito.

"Nothing... Gusto kong mag-sorry dahil hindi ko nasagot ang tawag mo nang nakaraan. Saka, sa ginawa sa iyo ng Mommy ko" malungkot na sabi niya. Halata ang pagsisisi sa tono ng boses ni Kai.

Marami siyang gusto na ihingi ng tawad sa babae. 

Natahimik si Bella. Ang totoo masama ang loob niya sa Mommy ni Kai pero ano ang magagawa niya? Alam niya na gusto lang nito na protektahan ang anak. 

Matagal silang natahimik hanggang sa putulin iyon ni Bella. 

"Kai… gusto ko sanang mag-train bilang Dark Guard" 

Napakunot ang noo ni Kai sa bagong hiling ni Bella.