Walang nagawa si Baba kung hindi ang patuluyin si Lorenz sa loob at pakainin ito ng agahan. Kasalanan ito ng kumag na si Prince Hanz, ang nasa isip niya.
Kung hindi lang sana ito nagpakita kay Lorenz nang kumatok ito sa apartment niya, malamang na umalis na lang ito at kumain mag-isa sa labas.
Nasa bilog na mesa silang apat. Si Kaitlin ay patuloy lang sa pagkain ng agahan, si Prince Hanz ay ganoon din. Humihigop ito ng kape at nagbabasa ng diyaryo na bitbit din nito. Samantalang si Lorenz ay nakahalukipkip at hindi gumagalaw ng kahit na anong pagkain na hinanda niya dito. Siya naman ay nag-iisip habang paunti-unti ang pagsubo ng pagkain.
Nakayuko lang siya at halos ayaw niyang salubungin ang mata ng shogun. Seryoso kasi ito at naguguluhan kung bakit naroon si Prince Hanz.
Tila may nakapagitan sa kanilang anghel.
Nagsalin si Baba ng orange juice sa isang baso saka in-inom iyon. Na-stress talaga siya sa biglaang pagdating ng Shogun.
"Prince Hanz, can you tell me what you are doing here?" hindi na nakatiis na tanong ng Shogun sa prinsipe.
"I'm here to visit my wife and my kid." Sagot naman ng prinsipe na parang normal lang ang sinabi nito. Patuloy lang sa pagbasa ng dyaryo.
*cough cough* sobrang nasamid talaga si Baba mula sa iniinom niyang juice.
Umawang ang labi ni Shogun. Saka nito nilipat ang tingin kay Prince Hanz at kay Kaitlin. Nanlaki ang mata ni Shogun.
"You... you mean?" Turo nito ng palipat-lipat ang dalawang nilalang.
Inapakan ni Baba ang paa ni Prince Hanz ng madiin sa ilalim ng lamesa.
"Aw!!!" Bigla itong napatayo.
"Anong wife and kid pinagsasasabi mo dyan?!" Galit na angil niya kay Prince Hanz.
"Yeah, uncle Lorenz, finally I met my Dad." agad na pagsang-ayon ni Kaitlin.
"Baby, don't trust this man! Manloloko siya at paasa! Ilang taon na ba nang magsimula niya akong utuin? Aahh… tama! almost 20 years na pala. Ilang beses akong pinaasa ng kumag na ito. So, don't trust him!" Nabigla rin siya sa sinabi niya.
Nakatingin sa kanya ang lahat kahit ang dalawang bodyguard.
Kinuha muli niya ang baso ng juice na nasa bungad ng mesa saka ininom iyon.
"I-I'm full!"
Sa sobrang pagkapahiya, nagpaalam na siya sa mesa at mabilis na nagtago sa kwarto.
Nakangiwi si Baba matapos niyang isara ang pintuan. Sa bigla niya, kung anu-ano na ang nasabi niya na parang inamin na rin niya na may nakaraan sila ng prinsipe.
Bigla siyang humiga sa kama. Sakop nito ang mula puwitan niya hanggang ulo at pinanatili ang mga paa na nakatapak sa sahig.
'Naloko na. Naloko na talaga!'
Samantala, sa dining... natigilan hindi lang ang prinsipe kung hindi pati si Lorenz at Kaitlin.
"What did you do in the past?" Tanong ni Kaitlin sa prinsipe matapos madinig ang hinaing ng Mama niya.
"It's my fault. I hope you forgive me." The prince extended his arms to brush Kaitlin's head.
"So, it's true?" Sabad ni Shogun. Halatang nabigla talaga ito sa nalaman na may nakaraan si Prince Hanz at ang ate Baba nila.
Nilingon ni Prince Hanz ang pintuan ng kwarto na pinasukan ni Baba.
Sumeryoso ang Shogun.
"Can we talk outside?" Tanong ni Lorenz. Tinuro nito ang terasa.
Tumango lang ang prinsipe saka tinungo ang pintuan palabas ng terasa.
"I don't know what happened between the two of you, but why did you leave her?" Sinabi agad ni Lorenz ang rason kung bakit gusto niyang makausap ang prinsipe.
Pinatong ni Prince Hanz ang mga kamay niya sa railings para kumuha ng suporta saka inilala ang mga naganap sa nakalipas.
"Captain H." Simula ni Prince Hanz.
Tiningnan niya ang paligid ng siyudad. Nasa ikatlong floor ang apartment ni Baba sa building na iyon sa siyudad ng Paris. Maaliwalas ang panahon na parang nakakagaan sa pakiramdam ng prinsipe. Her apartment's view was so nice as if he was looking at a painting.
"...If you remember what happened in the Northern Europe war ten years ago, that is my reason… It's a long story between me and Penelope. Hindi ko alam na nagkaroon siya ng anak, kami ng anak na babae." Saka niya nilingon si Lorenz.
Nagulat na lang siya nang isang suntok ang sumalubong sa mukha niya mula kay Lorenz. Napakapit na lang siya sa railings dahil kung hindi ay baka nahulog na siya mula sa 3rd floor.
Isang vase ang hindi maiwasan na masagi ng paa ng prinsipe at diretso iyon na bumagsak sa sahig sa ibaba.
Dahil sa komosyon, mabilis na lumabas ang dalawang bodyguard ng prinsipe sa terasa.
"It's okay..." sabi ng prinsipe na pinigilan ang tangka na paghawak ng dalawa sa braso ng shogun.
Wala namang plano si Lorenz na suntukin muli ang prinsipe pero pinakalma nito ang sarili. Alam niya noon pa na hindi anak ni Dylan si Kaitlin dahil sa caucasian look ng huli, idagdag pa ang berdeng mata nito, pero hindi niya akalain na si Prince Hanz ang tatay ng anak ng Ate Baba nila.
Paanong nangyari?
"You're an asshole! Wala akong pakialam kahit na pinsan ka pa ng asawa ko. Prince Hanz, your status is not simple! I thought you are a great man. Paanong nangyari na hindi mo alam?"
Huminga ng malalim si Prince Hanz.
"I know, I'm an asshole…"
"Haaa!!!! Ang halaman ko!" Nanlaki ang mata ni Baba na hindi na makita ang vase na naroon sa terasa ng apartment niya. Narinig niya na may nabasag na paso at kaluskos sa terasa habang nasa kwarto at dali-dali siyang lumabas.
Sinilip niya ang railings at nakita na nalaglag nga ang halaman niya sa ibaba.
Hinarap niya ang dalawang lalaki.
"Can you guys stop?! Mas mabuti pa na umuwi na kayong dalawa. Dito niyo pa talaga napili na mag-away sa apartment ko." Reklamo niya.
Sumunod naman ang Shogun. Lumabas na ito nang walang makitang emosyon dito.
"Penelope..." tawag ni Prince Hanz sa pangalan niya.
"Tsupi! Uwi na!"
Bagsak ang mga balikat na sumunod na lang din si Prince Hanz.