Nabigla talaga si Lorenz nang makita ang ginawa ni Prince Hanz at ni Baba. Kitang-kita ng mga mata niya kung paano maglandian ang dalawa na hindi niya talaga inaasahan.
He's here dahil napag-utusan siya ng pamilya mula sa Pilipinas.
Naisip ni Shogun na halatang may malalim na ugnayan ang ate niya at prinsipe.
Naisip niya na mukhang mabilis na napatawad ng ate Baba nila ang lalaki. Well, wala naman siyang magagawa doon dahil personal na kagustuhan na iyon ng ate Baba nila. Hindi lang talaga siya natutuwa na pinabayaan ng prinsipe ang ate Baba nila at si Kaitlin.
Nang malaman niya ang istorya ng dalawa mula kay Prince Hanz, hindi niya alam ang sasabihin. Masyado rin naging malihim ang babae sa nakaraan nito.
"Looks like you win." Makahulugan na sinabi ni Kaitlin kay Prince Hanz.
Isang linggo kasi ang usapan ni Prince Hanz at Kaitlin ngunit hindi pa lumilipas ang isang araw ay mukhang nagwagi na ang una.
Tumayo si Lorenz mula sa kinauupuan nito at hinarap si Baba. "I came here to check on you. Inutusan ako ni Uncle Kyle dahil hindi mo raw sinasagot ang mga tawag nila. Shi Cally asked me to come here."
"Don't worry Mom, I called them a while ago." saad ni Kaitlin tapos ay hinarap nito si Prince Hanz. "They wanted to see you."
Mukhang handa naman ang prinsipe. Nagkakilala naman na ito at si Kyle nang mga nakaraang taon.
"O, siya! Bukas ng umaga ay uuwi na ako sa asawa ko. Mukhang busy ka kaya hindi na kita tatanungin kung gusto mong sumabay sa akin." Saad ni Lorenz kay Prince Hanz.
Halata pa rin ang disgusto sa Shogun at hindi naman ito masisisi ni Baba at Prince Hanz.
"Please call Shi Cally." Huling habilin ng shogun kay Baba.
Tinungo na nito ang pintuan at umalis na.
"I'm happy for the two of you. At last, hindi ko na kayo nakikitang nag-aaway."
"Well I'm charming. Hindi ako matitiis ng Mama mo."
Nag-isip ito saka sumang-ayon. "I agree."
Kinuha ni Baba ang cellphone niya at binuksan iyon. Pinatay niya kasi iyon nang makarating sa hotel para makahinga saglit.
Sunod-sunod ang mga mensahe na pumasok sa cellphone niya nang makasagap ng signal. Kung sino-sino ang mga nagpadala ng mensahe at karamihan ay katanungan.
"Excuse lang muna ako." Bumalik muna si Baba sa loob ng kwarto.
Una niyang tinawagan si Cally tulad ng habilin ng shogun. Tutal naman ay natawagan na ni Kaitlin ang pamilya niya.
Matagal-tagal din bago nito sinagot ang tawag niya.
"Hmm?"
"Gusto kitang pagalitan. I know may alam ka." Bungad niya kay Cally.
Imposible na walang alam si Cally sa nakalipas. Siguradong alam nito na si Prince Hanz ang lalaki nang gabing iyon. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit inilihim nito ang bagay na ayon sa kanya.
She knew Cally. He doesn't like bullshits. Kapag inintriga ito ay sasabihin nito agad ang kung ano ang alam nito.
"Yeah, I know. Matthew and I know." Pagtatapat nito.
"Pati si Matthew?" Gulat na tanong niya. Hindi niya akalain na pati ang kumag na si Matthew ay itinago sa kanya ang bagay na iyon.
"Why did you keep it?" Napaupo si Baba sa malambot at malaking king size bed na kama.
"Because I don't want you to suffer. Nang panahon na nalaman namin ni Matthew na kay Prince Hanz nakapangalan ang hotel suite, alam ko na simula pa lang doon na siya na ang lalaki ng gabing iyon. But unfortunately, there is war in his country. He kept you para itago ka sa kalaban at sinunod ko lang ang nais niya."
"When you said you were pregnant, hindi pa tapos ang laban sa kanila. Malalagay sa alanganin ang buhay mo at ang pinagbubuntis mo pa lang na si Kaitlin. We don't want that. Lalo na at hindi ako ganoon kalakas ng mga panahon na iyon. I lost my wife for the first time. I can't promise that I would be able to protect you."
"Nang mga panahon naman na natapos na ang giyera sa kanila. It looks like you moved on."
"Ate Baba, I'm sorry." Ramdam niya ang sinseridad mula kay Cally.
"Honestly, matagal na akong naka move on but I felt lonely." Saad ni Baba.
"I understand how you felt. Ganyan talaga kapag totoong nagmahal." Makahulugan na saad nito.
Napapa-iling si Baba. Hindi niya akalain na may kadramahan din sa buhay ang master ng Dark Lords. "Ikamusta mo ako kay Prin. Nakauwi na ba kayo sa Pilipinas?"
"Yes. I'll be busy dahil isang buwan din akong nagstay sa Korea dahil sa sobrang pagka-clingy ng asawa ko. Tapos kung saan-saan pa nagpupunta ang anak namin. Hindi ko alam kung ganito ako kakulit noon."
"Hey! Why are you talking bad behind our back?!" Narinig ni Baba na reklamo mula kay Prin sa kabilang linya.
Natatawa na lang siya sa pamilya ni Cally minsan. Kung gaano ito kaseryoso sa trabaho at sa iba pang bagay, sweet ito sa pamilya.
He doted on Prin like a precious flower.
"See you soon." Paalam niya na dito.
****
Hello mga Beshy,
pa like ng Page na FEIBULOUS sa facebook for more updates. Baka sa May or June 2020 mag gift ako ng book. Mag-iisip ako ng mechanics. Hindi muna sa ngayon dahil alam niyo na ang buhay natin, bawal lumabas ng bahay.
Thanks much everyone!