Inabangan ni Prin ang asawa niyang si Cally na pumasok sa loob ng opisina nito. Nakahanda na ang napakatamis niyang ngiti ngunit lumipas na ang ilang minuto ay hindi pa rin pumapasok ang asawa niya sa loob.
Pinakiramdaman niya ang mga kilos sa pagitan ng pintuan. Wala na siyang naririnig na kahit na anong kaluskos.
Sa kainipan, binuksan niya na ang pintuan at saka lumabas. Tulad ng inaasahan, wala na ang maingay na mga tao na nanggaling sa loob ng conference.
Kunot ang noo na sinilip niya ang conference room sa katabing kwarto at natagpuan si Xander na nag-iisa.
May inaayos ito na kung ano. Nananatili ito na nagtitipa sa laptop.
Nagulat ito na makita na naroon siya sa opisina. "M-Miss Prin?" mabilis na sinara nito ang laptop nito.
"Nasaan si Cally?"
"Naku Miss Prin. B-bakit kayo nandito?" Hindi nito nasagot ang tanong niya at mabilis na inayos ang mga gamit sa table.
Sinara nito ang laptop. Tinanggal ang mga kable nito at mahigpit na hinawakan iyon.
"Bakit? Nasaan ba ako dapat?" Tanong niya.
Mukhang nahimasmasan si Xander. Pinakalma nito ang sarili.
"Sorry, hindi po iyon ang ibig kong sabihin. Bakit hindi niyo po sinabi na pupunta po kayo dito?"
"Gusto kong sopresahin si Cally. Kanina pa nga ako sa opisina niya. Where is my husband?"
"Ah.. e.." kumamot ito sa ulo.
Humalukipkip siya at nilapitan si Xander. Nakita niya na napalunok ito. Naniningkit ang mata na sinuri niya ang assistant ni Cally.
"Are you hiding something?" tanong niya dito nang makalapit.
"No no, Miss Prin. Nasa meeting po kasi siya. Ta-tatawagan ko na po si Shi Cally." Dinampot nito ang cellphone na nakalapag sa mahabang mesa at biglang nag-excuse na lalabas.
Halata ang pagdududa sa mukha ni Prin. Pero sigurado na naroon lang ang asawa niya sa gusali dahil naroon pa si Xander sa lugar. Bumalik na muna siya sa opisina nito.
Hinawi niya ang blinds dahil madilim sa opisina ni Cally at para magkaroon ito ng liwanag mula sa labas.
Agad na kumalat ang liwanag sa pwesto ng kwarto kung saan niya hinawi ang blinds. Nakagagaan sa pakiramdam ang katanghaliang tapat sa labas ng gusali.
Habang pinagmamasdan ang kapaligiran. Nag-beep ang message alarm tone ng cellphone niya. Galing kay Cally ang mensahe.
[I'm still in a meeting. Wait for me for 20 minutes.]
Umupo muna si Prin ng pahalang sa malapad at malambot na couch sa kwarto saka nagbasa-basa sa social media.
Kinamusta niya si Bella. She asked kung saan mag-aaral si Angel.
[I think she'll stay here. Mapapalayo kami kay Kai kapag umuwi kami sa Pilipinas.]
[Okay.]
Akala niya ay mapipilit niya ang matalik na kaibigan na ipasok si Angel sa school ni Khalid sa susunod na buwan. But she understands if they wanted to stay in Korea.
Wala kasi siyang maisip na paraan para mapilit si Khalid na pumasok sa school. Masyadong advance ang utak ni Khalid at ayaw niya ng mga batang pasaway.
Ilang saglit pa ay hinila siya ng antok.
=====
Matapos ang bente minutos sa huling meeting ni Cally, nagtungo siya agad sa opisina para kamustahin si Prin.
Nabigla talaga siya nang malaman na nasa opisina ito.
Sigurado na hindi ito napakali dahil dalawang linggo rin sila na hindi nagkakwentuhan ng personal.
Matapos buksan ang pintuan, bumungad agad sa mga mata niya ang nakakasilaw na liwanag mula sa labas. Katanghalian kasi ang oras at tirik ang araw.
Bahagya niyang sinara muli ang blinds, sakto lang na hindi madilim at hindi rin masyadong maliwanag.
Napansin niya ang maliit na box sa ibabaw ng table. Napamura siya sa isip.
He forgot about it. He has been clumsy. He asked himself if Prin saw it.
Kinuha niya iyon saka itinago sa loob ng drawer.
Mula sa kinatatayuan, kitang-kita niya ang payapang mukha ni Prin. Tila ito isang anghel na ibinaba mula sa langit.
He could tell that she spent some time for herself before coming to that office.
Gumaan ang pakiramdam niya na makita muli ang misis niya. God knows how much he missed her. Kung hindi lang naipon ang trabaho niya, malamang na araw-araw sila na nakakapamasyal.
Nilapitan niya ito. Hinubad niya ang itim at makintab niyang sapatos saka ito tinabihan ng higa. Siniksik niya ang sarili sa makipot na couch. Kasya naman silang dalawa, iyon nga lang kailangan na dikit na dikit sila sa isa't-isa.
Sobrang sarap sa ilong ng amoy ni Prin ngayon. She smells like a creamy milk with a scent of pink roses.
Ibinaba niya ang pang-amoy sa leeg ni Prin. He can't help but to lick her neck. Matapos iyon, nag-iwan siya ng mumunting mga halik sa leeg nito.
Nang mag-angat siya ng tingin, bahagya siyang nabigla na nagising ito dahil sa ginawa niya.
"I miss you, Husbie." kusang humalik si Prin sa labi ni Cally.
She sucked his lips allowing her tongue to enter. He couldn't help but to lift her dress and squeezed her butt.
"I can tell." mayabang na sagot ni Cally.
Umikot si Prin at pumaibabaw sa kanya.
"Won't you miss me?" tanong ni Prin habang nag-iiwan ng mumunting halik sa gilid ng labi niya.
"Do I have a choice?"
"Yes, yes, you don't have a choice." tapos ay naramdaman ni Prin na bahagya nang kumulo ang tiyan niya. "I'm hungry."
"Then, I am allowing you to eat me."
She was hesitant but she honestly wants it. "we are here in the office." katwiran niya.
"It doesn't matter, you can eat me anywhere. Be my mistress now, go on." inunan ni Cally ang mga braso niya allowing Prin to do anything to him.