Chapter 2 - Obligations

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Bumalikwas ng bangon si Cally dahil napanaginipan niya si Prin. Tumayo siya mula sa kama at tumuloy sa kusina para kumuha ng tubig. 

Matapos diretsong inumin ang tubig mula sa fridge, isinandal muna niya ang magkabilang kamay sa magkabilang gilid ng ref. 

Sinilip niya ang relo na nasa pader. Alas tres ng madaling araw. 

Wala na siya sa mood na matulog kaya nagpalit siya ng running clothes saka lumabas ng bahay. Nag-iisa siya sa bahay na nabili niya nang nakaraang taon nang mapagdesisyunan niyang manatili sa Maynila para tumulong sa Daddy niya sa business. 

Naisip niyang tumakbo na lang sa buong village. 

Habang tumatakbo ay naisip niya si Prin, ang namatay niyang asawa. 

Bumilis ang takbo ni Cally nang maalala ang babae. 

*****

"Hindi ko na kaya Cally" umiiyak na sabi nito habang nakahawak ang kamay sa makapal na tali. Nasa bangin ito dahil tinulak ng isang White Guard mabuti na lang at naihagis niya kaagad ang tali para mahawakan nito matapos niyang baliin ang leeg ng White guard na iyon. 

May pilay sa kamay si Cally na nakadagdag sa pressure kaya hindi niya mai-angat ang katawan ng babae kaagad. 

"Honey, please.. Please.. Hold on." sabi niya habang ginagamit ang buong lakas para maiangat ito papunta doon sa itaas. 

"Ahh!!!" hiyaw ni Cally. Dahil biglang may sumaksak sa braso niya. 

Lalong lumakas ang iyak ni Prin dahil nakita nito ang nagaganap sa itaas. 

Naramdaman nalang ni Cally na gumaan ang hawak niya dahil bumitaw na ang babae. 

"Noooooo!!!!" 

*****

*huff* *huff*

Hinihingal si Cally sa pagtakbo nang makabalik sa bahay. Nakayuko niyang hinawakan ang tuhod. Hanggang sa mga oras na iyon, naaalala niya ang babae. 

Tumuloy siya sa bahay. Uminom muna muli ng tubig at dumeretso sa mini Gym niya. Meron siyang boxing punching bag, bike at kakaunting weights. 

Sinimulan niyang suntukin ang punching bag para mailabas ang galit niya sa dibdib. 

Naaalala niya ang nakangiting mukha ng babae habang sumusuntok sa punching bag. 

Ilang suntok pa, umalingawngaw ang tunog ng telepono sa buong bahay kaya nalipat ang atensyon niya. 

"Yes?" sagot niya. Hindi siya sanay na sumagot ng "Hello" sa telepono dahil iilan lang ang nakakalam sa numero ng landline na iyon. 

Isa pa, tanging tauhan at mga kapatid niya ang nakakaalam ng numero na iyon. 

"Master, pinatatawag ka ni Madam Lira. Kailangan niyong bumalik sa UK." sagot ng nasa kabilang linya. 

Binaba niya agad ang tawag. Kung ano ang responsibilidad ni Cally sa kompanya ng MGM ay mas mabigat ang responsibilidad na meron siya sa samahan ng Dark Lords. 

At hindi siya basta-basta papupuntahin doon ng Lola niya na si Madam Lira nang walang dahilan. 

Agad niyang inayos ang gamit. Tinawagan ang piloto ng personal niyang eroplano para abisuhan ito. 

Habang nasa sasakyan papunta sa airport, tinawagan niya ang Daddy niya na si Cloud Han para ipaalam dito na mawawala siya ng ilang araw. 

"Dad, I'm going to UK."

Matagal na tahimik ang Daddy niya sa kabilang linya. 

"I have never said I'm sorry in the past, I'm sorry if you became my son that you were able to do this hard things." sabi nito sa kabilang linya. 

Nalungkot siya sa sinabi nito. He will never questioned himself or his family being a Kent or Han because he love all of them. 

Pero naiintindihan niya na lihim na nalulungkot ang pamilya niya dahil kung hindi rin dahil sa responsibilidad na meron siya ay buhay pa sana si Prin. 

"Dad, I like what I am doing. you don't have to say sorry." 

Tahimik muli ito. "are you now ready to be the Headmaster of the Dark Lords?" tanong nito sa kanya. 

"Yes"