Chapter 4 - Not a lady

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Kaunting-kaunti na lang mapuputol na ang paa niya ng katana nang mahulog iyon. Napalingon siya sa binata na sa palagay niya ay iilang taon lang ang tanda sa kanya. 

Mestiso ang lalaki, baby face at matikas ang katawan. nakasando lang kasi ito kaya kita niya ang hubog at mga laman sa katawan ng lalaki. Idagdag pa doon na makinis ang pisngi at balat nito, kaya bigla siyang nakaramdam ng hiya. 

Never in her entire life na ma-conscious sa itsura niya. Nagkataon lang siguro na para itong anak ng diyos na hinulog mula sa langit.  

"S-sino ka?" tanong niya dito. Kilala niya kasi ang mga bantay sa buong mansyon at alam niyang hindi ito basta guards lang.

Hindi siya nito sinagot.  

Lumapit ang lalaki at dinampot ang katana at sinuring mabuti. "I'm a trainee. I was here almost every year. Pero hindi kita nakikita. I think, ikaw ang anak ni Uncle Rob." Sabi nito sa kanya. 

"This Katana was nice. But as a lady, you should be using a bokken (wooden sword) instead."

Humalukipkip si Prin "I'm not a lady anyway!" ayos 'tong lalaking ito para manduhan siya. 

Seryoso lang ang mukha ng binatilyo  na tiningnan siya mula ulo hanggang paa at ibinalik muli nito ang tingin sa inosente niyang mukha. 

"Yeah, you are right. Why and what are you doing here?" tanong nito.

"Where am I supposed to be?" Balik na tanong niya. Nainis siya dito lalo na nang kumpirmahin nito na hindi nga siya mukhang babae. 

"In your room." simple lang na sabi nito habang sinusuri pa rin ang katana. 

"Well, this entire mansion is my home. Kahit saan pa ko magpunta is none of your business. Ikaw nga diyan ang pakalat-kalat dito sa bahay namin."  

"If this is your home, let's call a guard and let's see kung sino sa atin ang pababalikin sa kwarto." sabi nito ng seryoso.

Iba naman ang dating nito sa kanya. Nayayabangan siya sa awra at sinabi nito. 

"I'll count in to three. They will be here for sure once I called them." 

Naiinis si Prin. Sigurado kasi na pagagalitan siya ng Daddy niya kapag nalaman nito na kinuha niya sa nakasalansan na mga matatalim na armas ang isang mabigat at nakakasugat na katana. Hindi lang iyon, lihim siya na nag-eensayo. 

At sa palagay niya, alam ng lalaki na pinagbabawalan siya doon. 

Madalas kasi na nandoon siya sa kabilang wing kung saan lang siya pwede. Hindi siya pwede sa training area.

"Makakaganti rin ako sa iyo!" sabi niya saka naiinis na umalis.

Naiwan si Cally na tinitingnan pa rin ang katana. May simbolo kasi ang hawak niya at sa palagay niya ay hindi lang iyon basta-basta katana. Nagsimula pa iyon sa Heian Period. 

Hindi niya akalain na may ganoon doon sa panahon nila. Ilang daan taon na ang katana na iyon at pinaglalaruan lang ng babae. Tsk! 

Kaga-graduate lang niya ng high school at hiniling niya agad sa magulang niya na magpunta doon at sumabak sa unang batch na binubuo ni Rob na Dark Guards. 

Kailangan niyang mag-training muna sa Dark Guards sa loob ng isang taon. Isang sikreto rin na anak siya ni Cloud Han para ma-protektahan ang sarili dahil maraming nagmamasid sa kanya. 

Nasabi na sa kanya ng Pamilya niya na nagsisimula na ang politikahan sa Samahan ng Dark Lords. Nangyari ang lahat nang may ipapatay ang daddy niya at naging hudyat ang pagkamatay ng mabagsik na si Master Kent.