Chapter 5 - I want be part of it

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Nahahati sa pitong Lider ang Dark Lords. Ang Kent ang pinakamataas kung saan nabibilang si Cally. 

Pamilya ng Jackson, Smith, Peters, Byrne, Park at ang huli ang Matsui. Bawat pamilya ay may kanya-kanyang responsibilidad na kailangang gampanan at namumuno sa magkakaibang syudad. 

=====

Naiinis si Prin nang makabalik sa kwarto niya. Gusto niyang sipain sa mukha ang lalaki na nakita niya sa training area sa kabilang wing ng mansyon. 

Sigurado si Prin na hindi isang simple lang ang taong iyon. Naalala niya kung paano kumilos ang lalaki. Kung paano nito suriin ang katana. Para bang aral ang kilos at galaw nito. 

'Hmp, feeling pogi'

Pinilit niyang pumikit at matulog. Dahil sa pagod sa pag-ensayo, nakatulog naman kaagad si Prin.

Kinabukasan napag-alaman niya na may mag-eensayo sa mansion. Isang daan katao na nagmula pa sa iba't-ibang bansa. 

Pili ang lahat ng trainees, ang iba ay nag-iisa na lang sa buhay. Ang iba ay kusang nag-rehistro para sa binubuo ni Rob na Dark Guards. Literal na guards ang mga magt-training pero susweldo ng isang daan libo kada buwan matapos ang isang taon at madadagdagan iyon muli ng singkwenta mil makaraan muli ng kada-isang taon kaya naman marami ang nagrehistro.

Gayunpaman, hindi biro ang training dahil si Rob ang mamumuno. Hindi niya pipigilan ang sino man sa trainee na sumuko dahil ibig sabihin lang din noon ay hindi karapat-dapat na maging dark guard ang aalis. 

Sa loob ng tatlong taon magkakaroon ng assessment, pero sisiguraduhin ni Rob na makakapasa ang lahat sa training na gagawin nya.

=====

Hinanap ni Prin ang Daddy niya dahil gusto niyang magtrain. Natagpuan niya ito sa opisina. 

"Dad, gusto ko magtrain sa Dark Guards." sabi niya dito. May mga babae rin kasi na nagrehistro kaya alam niya na pwede siyang sumali dito.

Ibinaba ni Rob ang dyaryong binabasa. "Hindi pwede."

"Bakit?" malungkot na tanong niya. 

"Prin, delikado ang training na ibibigay ko sa trainees bilang Dark Guards. Isa pa, siguradong magagalit sa akin ang Mommy mo at ang lola mo kapag nalaman nila na sasali ka sa Training." paliwanag nito. 

Napayuko si Prin.

"Gusto ko sumali at mag-training. Dad, payagan mo na ako." parang nawawalan na siya ng pag-asa.

Nalungkot si Rob. Sa palagay niya, namana ni Prin ang pagkahilig nito sa mundo niya ay dahil din sa kanya. Pero katorse pa lang si Prin at sigurado na hindi pa talaga nito alam ang gusto nitong gawin.

"Come here." tawag ni Rob sa anak niya. Lumapit si Prin, kumadong at niyakap niya ang Daddy niya.

"Dad… gusto ko talaga na sumali sa training. Hindi ako mahilig sa manika, sa mga bag na maraming burloloy at kung anu-ano pa. Noon pa man, gusto ko na ang ginagawa mo." 

Humugot ng malalim na hininga si Rob, mukhang malaki ang impluwensya na naibigay niya sa anak. "kung ganoon pababantayan kita. Hindi pwedeng magreklamo."

Nasa ganoong posisyon sila nang magbukas ang sliding door na gawa sa kahoy at bumungad si Cally. 

"Uncle, Tapos na ko sa online course." kumukuha kasi si Cally ng online course sa International University. Kailangan mataas ang marka bago payagan na 'no-show' sa aktwal na klase. 

Kahit tuwing exam lang siya pwedeng pumunta. Tulad ng Mommy niya na si Ginny Lopez, lahat silang magkakapatid ay pare parehas na matatalino kaya siya ang nakakuha ng pinakamataas na grado at score sa exam. 

Nakakita naman ng liwanag si Rob. "Cally, may misyon ako na ipagagawa sa iyo sa loob ng ilang  buwan."

Hindi sumagot si Cally at hinintay lang ang sasabihin ni Rob.

"Tutulungan mo si Prin at kailangan na masiguro na ligtas siya sa training."