Chapter 6 - First Day of Training

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Nilipat lang ni Cally ang paningin niya sa babaeng mukhang uhugin na nakakandong pa sa kanyang Uncle Rob. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito pero hindi mahahalata sa mukha niya. 

Nanatiling seryoso ang tingin niya sa mga ito. Ganoon din naman ang mga ito sa kanya. 

Hindi rin siya sumagot para ibigay ang opinyon. Hindi rin naman kasi talaga isang trainee si Cally bilang Dark Guards, naroon lang siya para magsanay kasama ng mga iyon. At malaking pasalamat niya kay Rob.

Nagliwanag naman ang mukha ni Prin. Kahit pa pabantayan siya sa lalaki ay okay lang. Ang mahalaga ay napayagan siya sa wakas. 

Isa pa, may plano si Prin na makaganti rito sa lalaki. 

"You can go ahead. Training will start at ten. Pwede ka nang magpalit ng damit." sabi ni Rob sa anak. 

"Yes! Thank you Dad, I love you so much!" 

Lalong hindi nagustuhan ni Cally ang ginawa nito. Isang uhugin na bata talaga ang tingin niya dito parang ang kapatid niyang kambal. 

"He is Cally. Ito naman ang anak ko na si Prin." pakilala ni Rob sa kanila. 

Lumabas si Cally nang walang reaksyon at sumunod naman sa kanya si Prin. Isa lang naman ang mahihiling niya, huwag sanang gumawa ng hindi niya magugustuhan ang babae. 

"Hey, you!" sabi nito sa likod. Kinalabit siya nito. Lalo namang nakadagdag sa pagkairita ni Cally ang sinabi at ginawa ng babae.

Nilingon ni Cally ang babae. "Marami pa akong plano na gagawin. Pero dahil pinabantayan ka sa akin ni Uncle Rob, wala rin akong magagawa kundi ang sundin siya. kaya naman isa lang ang mahihiling ko, 'wag ka sana maging pabigat." 

Hindi makahanap si Prin ng isasagot dito. Mukha ba siyang pabigat?  Sumimangot siya. Hahanap talaga siya ng paraan para makaganti dito sa lalaki. 

Nagpunta sila sa training area. Unang beses ni Prin na makita ang mga trainees. 

Karamihan sa kanila ay nag-eensayo na. Ang iba ay nagk-kwentuhan. 

"Hello, Cally! Who is this little girl?" tanong ng isang babae na may kasama na matangkad din na lalake. 

"Prin." simpleng sagot ni Cally. Tumuloy lang sila sa paglakad hanggang sa makarating sa shower area. Kumuha si Cally ng damit sa mga nakasalansan sa isang kabinet. 

"Choose your size here. Then, magbihis ka na. Malapit na magsimula ang training." utos ni Cally. 

Pare-parehas kasi ang suot ng lahat ng trainees. Isang activewear na pinasadya para makakilos sila pare-parehas ng maayos. 

"I know what to do! Hmp!" ismid ni Prin. Pumili ng damit saka tumuloy sa ladies area para magpalit. 

Doon lang napansin ni Cally na nakasunod pala ang dalawang kaibigan. Si Donna at si Lorenz. 

Si Donna ay kaklase niya. Si Lorenz ay masasabi na ampon nila sa bahay sa loob ng ilang taon. 

"Who is that girl?" Tanong ni Donna. 

"Prin Matsui. But don't tell anyone. Huwag mo rin sabihin sa kanya ang apelyido ko." Naniniwala kasi si Cally, na baka ang anak ni Rob pa ang maging dahilan ng ikapa-pahamak niya doon sa training. 

Bukod kasi sa uhugin, clumsy ang tingin niya dito. 

Tahimik naman si Lorenz.

Lumabas si Prin mula sa loob ng ladies room ng bagong bihis. Hindi ito sinilip ni Cally, basta sa isip niya ay nakabihis na ang babae at sapat na iyon. 

Humalo sila sa ibang trainees na nasa isang hall. Nag-indian sit lang si Cally sa isang gilid saka pumikit. 

Nagsimula naman na mag-ensayo si Donna at Lorenz. Nanatili si Prin na nagmamasid at hindi alam ang gagawin. Sa hindi niya malaman na dahilan. Bigla siyang nagmukhang tanga sa lugar. 

"Hey! Anong gagawin ko?" kalabit niya kay Cally pero hindi siya nito pinansin.