Nilapit ni Prin ang mukha niya sa tenga ni Cally at saka nagsalita.
"Hey! Anong gagawin ko?!"
Dumaloy ang mainit na hininga ni Prin sa pagkatao ni Cally. Para siyang nakuryente sa ginawa nito. Halata ang pagkainis niya. Lumayo siya agad sa babae.
"I am starting to meditate. Pero sinira mo agad ang mood ko!" inis na sabi niya dito.
"Why do you have to do that?!" hindi maintindihan na tanong nito sa kung bakit siya naka-indian sit.
Hindi sumagot si Cally "Just sit here!" pinagpag ni Cally ang katabing pwesto.
"I don't like it! We have to practice before the training!" galit rin na sabi ni Prin.
Lalong nainis si Cally sa aksyon nito. Pumikit muli siya at hinayaan ang babae sa gusto nito.
Hindi naman talaga siya nagme-meditate na tulad ng sabi niya dito. He is just trying to sleep and to clear his mind. Ganoon ang gawain niya tuwing magpapalit ng gawain. Katulad na lang sa araw na iyon.
Isang madugong aralin ang kailangan niyang review-hin tapos ay sasabak siya sa training na pisikal. Kailangan niyang iwaksi sa isip ang ginawa ng umaga para makapag-ensayo ng mabuti.
Lumapit si Prin kay Cally at humarap sa lalaki. Nakapangalumbaba pa siya habang sinusuri mabuti ang mukha ng lalaki.
"Go away." mahinang sabi ni Cally kahit nakapikit.
"Hmp! Can you please at least be kind to me? I am still a girl." Reklamo niya.
Nagdilat ng mata si Cally. "Am I not kind? Binitin ba kita patiwarik? Pina-squat? Did I asked you to eat a c.o.c.kroach?"
Napaatras naman siya sa mga sinabi nito sa kanya. Napalunok siya. Gusto niyang itanong kung napagawa na ba nito ang ganon. Pero hindi pa man siya nagsasalita, sinagot na nito ang tanong niya.
"Don't ever question kung nagawa ko na, dahil yes. I did all of them to teach someone a lesson. So behave yourself!" inis na sabi nito sa kanya.
Sa buong buhay ni Cally, ngayon lang may nangungulit sa kanya bukod kay Christen. Ang pagkakaiba nga lang bukod sa wala siyang choice dahil kapatid niya si Christen, bata pa ito ng ginawa nito ang ganoon sa kanya. Hindi tulad ng babaeng kaharap niya ngayon.
Humalukipkip lang si Prin. Makakahanap din siya ng ibang paraan para makaganti dito sa lalaki.
Ilang minuto pa, pumasok si Rob na may bitbit na box at may kasamang tatlo pang guro na pare-parehas expert sa magkakaibang field. Umayos naman ang mga trainees.
"Sa box na ito, nilalaman ang magiging code ninyo. Everyone of you ay magkakaroon ng code. MB for boys GW for girls. Bukod pa doon, mahahati rin kayo sa apat na grupo."
"Lahat ng bilang ng trainees ay isang daan at dalawa. Dalawang grupo ay mabubuo ng twenty five trainees at ang dalawang grupo pa ay mabubuo ng twenty six trainees."
"You have to stick with your group kahit anong mangyari dahil kailangan niyong magtulungan. Naiintindihan ba?" mahabang paliwanag ni Rob.
"Yes!" sabi ng sabay-sabay.
"Group names are.. Arcadia, Blade, Cobra and Dragoon. We have chosen your group according to your assessment..."
"Remember, you have to stay in your group and help your team."
"You will stay in your group until your next assessment. Bawal ang magreklamo! Naiintindihan ba?" paliwanag muli ni Rob.
"Yes!" sagot ng trainees.
Tinawag isa-isa ang mga pangalan ng trainees. Sa Blade Group napunta si Cally, MB8 ang code niya at siyempre bilang 'tagapag-alaga' ni Prin, napunta rin ang babae sa Blade Group at may code siya na GW8.
Si Donna at Lorenz ay parehas na napunta sa Cobra group.
"Next, is Choose your Group leader! We will meet again after two hours to start the actual training" Sabi ni Rob saka lumabas ng malawak na hall.
Nagmamasid lang si Cally. Lihim niyang pinupuna ang bawat kasama base sa ekspresyon at personalidad ng mga ito para maging lider ng Blade.
"Who wants to be a group leader?" tanong ng isang kasama nila.
"Me! Me! I want to be a group leader!" boluntaryo ni Prin sa sarili. Ibinaba ni Cally ang kamay niya.
Para naman siyang nakuryente sa paghawak ni Cally sa braso niya.
"You are not qualified to be a group leader." sabi ni Cally. Sa pagka-clumsy lang ng babae, hindi na ito papasa na group leader.