"You are not qualified to be a group leader." Komento ni Cally. Bahagya siyang napatigil sa sinabi at ginawa nito dahil bahagyang nakuryente ang braso niya sa pagdikit ng balat nila ng binata.
Ilang saglit lang, nakabawi rin naman siya "everyone is qualified!" inis na sabi niya dito.
"Do you think we will vote for you?" seryoso na tanong nito.
Lahat ng parte ng mukha ng lalaki ay seryoso at hindi nagbibiro na para bang kinukutya siya nito. Pero iba ang totoong saloobin ni Cally. Dapat may patunayan muna si Prin bago ang lahat.
Pinagmasdan ni Prin ang mga kasama niya sa grupo na lahat ay nakatingin sa kanilang dalawa. Malakas kasi ang pagboluntaryo niya sa sarili. Napahinto na naman siya dahil halos lahat ng kasama nila ay tulad ni Cally, mukhang ayaw ng mga ito sa kanya.
Binulungan siya ni Cally. "Remember na saling pusa ka lang dito. You have to show your ability in order to gain our trust." paliwanag ni Cally.
Natahimik si Prin kahit pa naiinis siya. Pero may punto si Cally.
"You are so cute to be our leader." nakangisi at komento ng isa.
"Yeah." sang-ayon ng isa pa.
Agad naman na kinalimutan siya ng mga ito at bumalik ang grupo sa usapan sa kung sino ang mamumuno sa kanila.
"I would like to nominate MB5, Kai." komento agad ni Cally. Normal sa tao na kapag ganoong seryoso ang usapan, mababaling sa taong iyon ang atensyon ng makakarinig at iyon ang gusto ni Cally.
Simula nang makilala niya ang mga trainees doon ng nagdaang gabi, nagawa niya nang pag-aralan ang mga kasama niya.
Kakaiba ang awra na binibigay sa kanya ni Kai. Alam niya na mapagkakatiwalaan ang lalaki. At iyon ang hanap ni Cally. Hindi basta magaling lang, kung hindi marunong sa estratehiya at mapagkakatiwalaan ng buong team.
Halatang nabigla ito sa pagboto niya. Sinang-ayunan naman ng ibang kasama niya ang nais ni Cally.
Pero tulad ng normal na botohan, hindi lahat ay sang-ayon.
"I also wanted to be a leader." sabi ni Levan Hung na may code na MB16. Matikas ang katawan nito at masasabi na hasa rin sa pisikal na aktibidad. Pero may problema dito si Cally, sa palagay niya kasi gagamitin ng lalaki ang posisyon nito para makapam-bully ng miyembro.
Hindi mahahalata sa mukha ni Cally na hindi niya magugustuhan kung ito ang mamumuno sa Blade Team pero nanatili lang siyang tahimik.
"Let's vote." sabi ng isang kasama nila.
Sinimulan nila ang pagboto base sa pagkakasunud-sunod ng code name nila.
Hindi na nagsalita pa si Cally bilang siya ang nag-nominate kay Kai. Si Prin ang sunod na pipili dahil parehas silang 8.
"I really wanted to nominate myself." nagtawanan ang mga kasama niya. Sumimangot si Prin.
"But then, it's obvious that you don't like me, so I choose Kai." sabi niya sa mga kasama. Medyo naiinis pa rin si Prin lalo na kay Cally na feeling pogi.
Pinili niya si Kai na maging lider dahil ayaw niya kay Levan. Isa pa, kahit naiinis siya kay Cally naimpluwensyahan siya nito sa pagdedesisyon.
Matapos makaboto ng lahat, nagwagi rin naman si Kai na mamuno sa team nila.
Lumingon sa kanya si Cally. "Bakit si Kai ang binoto mo?" tanong nito sa kanya.
"I like him better than you. He is good-looking, hindi tulad ng iba diyan" sagot niya.
"Pinariringgan mo ako?" tanong ni Cally. Hindi sarkastiko ang pagtatanong ni Cally. Normal na tanong lang sa kanya na walang bahid ng pagkainis o pagyayabang.
'Like seriously this guy. Are you a human?'
Noon lang napansin ni Prin na simula nang magkakilala sila nito, walang ibang emosyon na ibinigay sa kanya ang lalaki na para bang kinulam ito ng bata pa ito o kaya napaglaruan ng duwende kaya lahat ng muscle sa mukha ay nakatigil sa kung nasaan ang mga iyon.
'Hmp baka nanuno dahil sa sobrang sungit'
"You are choosing a leader because he is good-looking?" hindi pa rin makapaniwala na reaksyon ni Cally.
Napakamot na lang sa ulo si Prin.
Napapa-iling na lang si Cally. Tama ang hula niya dito sa babaeng ito. Clumsy talaga at walang decision making.
=====
Makalipas nga ang dalawang oras, binalikan sila ni Rob sa kasama ang iba pang guro. Ipinaliwanag nito ang training na gagawin nila. Ang una ay kailangan na 'Fit' sila bilang Dark Guards.
Kailangan nilang i-maintain ang sariling sukat at timbang, kokontrolin din sila sa lahat ng pagkain at tubig na kakainin.
Umpisa pa lang ang sinabi ni Rob pero alam ng mga trainees na hindi birong diet ang ipagagawa nito sa kanila.