Malaki rin ang responsibilidad ng leader, dahil kailangan na parusahan nito ang gagawa ng kasalanan at hindi pwedeng magreklamo ang trainee.
Ang pinaka-mahalaga sa training nila ay hindi ang pisikal na lakas, kung hindi ang matibay na pag-sunod sa master. At magsisimula ang pagsunod nila sa napili nilang leader.
Sa loob ng anim na buwan sasamahan ni Cally ang lahat ng trainees doon bago siya magpunta sa UK para magpatuloy muli ng pag-aaral.
Walang nakakaalam sa mga trainee doon na siya ang magiging master ng mga ito pagdating ng araw.
Tanging si Lorenz lang ang nakakaalam bilang ampon nila ito sa bahay. Hindi na rin siya nabigla nang makuha nito ang posisyon bilang leader ng Cobra group.
=====
Maagang nag-ensayo ang grupo ni Cally.
Alas kwatro ng madaling araw ang ibinigay ni Kai na oras para magsimula at paruruhasan ang late.
Si Prin bilang katorse anyos at pasaway na bata, nahuli siya ng gising kaya na-late siya ng limang minuto. May kasama pa siya na tatlong trainee sa hilera ng mga late.
Hindi naman makapaniwala si Cally na mahuhuli ito ng dating. Lalo pa siguro na maisip na anak ito ng Uncle Rob niya.
"Do the planking hanggang sa matapos ang mga tumatakbo. Hindi pwedeng ibaba ang katawan at siguraduhin maayos ang pagkakapantay ng braso." utos ni Kai.
Napalunok si Prin. Gusto niyang manghingi ng tulong kay Cally bilang pinabantayan naman siya dito ng Dad niya pero siya rin naman ang may gusto na magtraining siya kaya wala siyang choice kundi sundin si Kai.
"Leader MB5, Ilang ikot po ba ang gagawin niyo?" tanong niya dito. Kung isang ikot ay pipilitin niya na mag-plank kahit mahirapan na ang braso niya.
"Limang ikot." sagot ni Kai. Nanlaki ang mata ni Prin.
"S-sino po ang bantay?" Tanong niya muli.
Hindi agad sumagot si Kai. "Ako"
Prin "...."
Pinasimulan na ni Kai na patakbuhin ang lahat bukod sa late.
Tulad ng magp-plank, walang tigil din ang mga member na tatakbo at bawal din na may mahuli sa pila.
Simpleng panimula pero alam nilang lahat na sinasanay lang sila ni Kai sa responsibilidad.
Parang maiiyak naman si Prin habang naka-plank. Ramdam niya na ang sakit ilang minuto pa lang.
May anim na minuto kada ikot ang mga kasama niya sa field kaya alam niya na trenta minutos sila doon. Pinilit niyang kalimutan ang sakit ng braso niya.
'Kasi naman Prin! Bakit kasi kinalimutan mong gumising ng maaga?!' sabi niya sarili.
At least nagising pa siya, tama? Hindi niya pa rin kinalimutan na magising. Pero, kailangan niya bang ipagpasalamat iyon?
Pinilit niyang isipin na nakadapa siya sa malambot na kama sa kwarto.
Naka-tatlong ikot na si Cally at ang mga kasama niya nang mapansin niya na halatang nahihirapan na si Prin. Hula rin niya na namumula na ang braso nito.
Sa simento lang kasi naka-plank si Prin at ang tatlo pang late. Parang kumirot ang dibdib niya na makita ang babae sa ganoong ayos.
Ang ginawa ni Cally ay pinabilisan sa namumuno ang pagtakbo nila.
Pagtapos naman ng ehersisyo na iyon ay pwede na silang magsimula sa personal nilang oras at training bago sila ipatawag ni Rob para sa klase ng alas sais.
Nang makabalik ay nilapitan niya agad si Prin at sinilip ang braso nito. Nagkagalos nga ang braso nito dahil sa s.e.m.e.nto at halata iyon dahil maputi ang babae.
Hinila siya ni Cally at tumuloy sa pinakabahay ng mga Matsui.
"Get your medicine." utos nito sa maid.
Sumunod naman ito kay Cally. Ilang sandali lang inabot nito ang medicine kit sa kanila.
"Don't move." pinahiran ni Cally ang braso niya na may galos ng ointment mula sa medicine kit.
Napalunok naman si Prin dahil sobrang lapit ng lalaki sa kanya. Mas kita niya sa malapitan ang butil-butil na pawis nito sa noo gawa ng pagtakbo nito, ang pilik-mata ng lalaki, ang makapal na kilay nito at ang labi. Naaamoy niya pa ang lalaki na parang hindi man lang ito bumaho sa mahabang pagtakbo.
Ipinilig niya ang ulo dahil hindi tama na pantasyahan niya ang isang kaalaban. Tama, kalaban ang tingin niya kay Cally.
"Can you at least sit properly?" sabi nito sa kanya.
Ibinaba naman ni Prin ang tingin niya. Nakaangat kasi ang isang binti niya sa kung saan siya nakaupo.
"Bakit kailangan ko pang isipin na maupo ng maayos? E, bahay ko naman ito. Uupo ako sa paraan na gusto ko."
Napailing na lang si Cally. "Let's go. As your guardian, tuturuan kita kung paano gumising ng maaga sa susunod. Hindi lang basta gumising, tuturuan kita na tumupad sa usapan."