Hindi nila namamalayan na natapos na ang isang buwan ng training.
Nagagawa ni Cally na makapag-aral sa umaga o kaya sa gabi kapag natapos na ang physical training nila.
Hindi rin maiwasan na magtanong ng mga kasama niya kung saan siya pupunta o galing dahil kailangan niyang gumamit ng personal computer sa loob ng tirahan ng mga Matsui. Kilala siya ng lahat ng nakatira doon kaya malaya siyang nakakalabas-masok.
Bawal din ang trainees sa loob pero pinapayagan ang mga leader nila. Pinipilit lang niya na hindi makita ang kahit na sino sa mga kasama.
Sa camp ng bawat group ay walang telepono o computer. Binibigyan lamang sila ng oras para makatawag sa pamilya o kaibigan.
Isang gabi, inabot ng dis-oras ang pag-aaral niya dahil kumuha siya ng ekstrang aralin. Noon lang niya napansin si Prin na nasa kabilang computer.
"Kanina ka pa?"
Nilingon siya nito. "Oo. Kinakamusta ko lang ang Mommy ko." Isang business woman kasi ang Mommy ni Prin na nakabase sa Pilipinas. Madalas na ang Daddy niya ang umuuwi o kaya naman ito ang nagpupunta doon sa Japan para sa personal time ng mga ito.
Naisip ni Prin ang Mommy niya na hanggang sa mga oras na iyon ay hindi alam na nagt-train siya kasama ng Dark Guards.
"Are you done? Let's go back"
Nasilip ni Cally nang hindi sinasadya ang monitor nito at nakita niya na nasa social media ang babae at may ka-chat na kung sino. "Who is that guy?"
"My classmate." simpleng sagot.
"I can tell he is not just a classmate. Tara na. Huwag na matigas ang ulo. Bawal tayo na makipag-usap sa labas, di ba?"
"Hmp! Mr Sungit!" inismiran siya ni Prin at nagmamaktol pero sumunod ito sa kanya na patayin ang computer.
Hindi sila nag-uusap at sabay na naglakad pabalik sa camp ng Blade Group.
Nabigla na lang si Prin ng hilahin siya ni Cally sa isang gilid paliko. Tinakpan nito ang bibig niya at sumenyas na wag magsalita bago nito tinanggal muli iyon.
Napagigitnaan siya ng lalaki at ng pader dahil kailangan nilang gumilid. Nalipat ang atensyon niya dito.
Sa sobrang lapit ng dibdib nito sa kanya, naaamoy niya ang cologne ng lalaki na nakaka-adik. Para kasing nawala siya sa sarili. Tila ba nakalalasing ang amoy nito na kayang magpa-mental block sa kahit na sino.
Inangat niya ang paningin para makita ito. Nakalingon ito sa kanan at parang may hinihintay. Ilang segundo lang, mabilis itong kumilos.
Isang lalaki ang galing sa loob ng camp nila ang mabilis na sinunggaban ni Cally, hinawakan ang kamay at inipit sa pader.
"Ah, ah, please. This is MB53" hiyaw nito.
Niluwagan naman ni Cally ang pagkakahawak sa lalaki.
Nakabawi naman si Prin mula sa nakaka-adik na amoy mula sa binata at agad na kinuwestyon ang lalaki. "Where are you going in the middle of the night? Akala tuloy namin napasok na ang Camp."
Napansin ni Cally ang bagpack nito. "Are you escaping?" tanong niya.
Nakayuko lang ito at hindi makatingin sa kanila.
"Tell me, what's wrong? Nahihirapan ka na ba sa training?" tanong ni Cally dito. Bilang nakasama niya na ang binata sa loob ng isang buwan, ramdam ni Cally na hirap ito sa environment nila. At masasabi niya na ito ang pinaka-mahina sa Blade Group.
"Nahihirapan na nga ako but my girlfriend was pregnant. Manganganak na kasi siya sa susunod na linggo at kailangan kong makausap siya o mamamatay ako sa kakaisip. I need to be with her."
"Idiot! Kung aalis ka dito at pupuntahan mo ang girlfriend mo, sinayang mo ang pinaghirapan mo ng isang buwan. Saka hindi mo man lang ba naisip ang s-swelduhin mo dito? You are jobless kapag umalis ka sa training. Samantalang after a year you can earn millions after every year."
Natahimik naman ito dahil alam nito na may punto si Cally.
"I will give you last chance. Kung nahihirapan ka sa training, we can help you improve your skills"
Tinitigan ni Cally si Joen Sun or MB53 sa mata.
"Always remember why you started." payo ni Cally. Kung manganganak na ang girlfriend nito, ang ibig sabihin lang ay ang babae at ang anak nito ang dahilan kung bakit ito naroon sa training para maging Dark Guard.
Naglakad na si Cally papasok sa Camp nila. Agad naman na sumunod si Prin. May awtoridad at pang-unawa ang paraan kung paano nito pagalitan si Joen. Natahimik siya at napa-isip kung ano ang pagkatao ng lalaki.
"Please help me!" narinig nila na sabi ni Joen. Sabay nilang nilingon ni Cally ang pabalik na si Joen.
"I can assure your girlfriend will be safe. I can asked someone to check on her hanggang sa manganak siya. Regarding your skills… you should focus on your weakest points. Try to learn how to dodge." sabi dito ni Cally. kung ang simpleng bagay lang na iyon ay hindi pa nito kaya, paano pa ang mas mahirap pa doon.