Mula kay Cally, lumipat ang tingin ng lahat ng trainees kay Levan.
"I… I.."
"... You can't just accused me… Ikaw, Ikaw ang pumapasok sa tirahan ng Matsui kaya ikaw ang kumuha! Huwag mong ibaling sa akin ang bintang!" nagalit ito.
Hinila ni Cally ng kaunti ang mahabang armas mula sa scabbard or sleeve nito.
"You knew because of this symbol, right?" tinuro ni Cally ang bilog na simbolo sa blade ng katana.
Tuluyan nang hindi nakabawi si Levan.
"Guard!" Senyas ni Rob.
Lumapit ang Matsui Guards na nakaitim kay Rob.
"Palabasin si MB16. Ito na ang huling araw ng pagsasanay niya!" galit na galit si Rob kay Levan.
Kung umamin lang sana ang lalaki ay baka parusahan niya lang ito. Pero nagmatigas si Levan at gumawa pa ng ikapapahamak ng kasamahan. Isang maling pag-uugali na dapat na wala nito ang Dark Guards.
He made sure at the very first day that everyone must protect their group. To protect their brothers and sisters. Kasabay ng pisikal na training ang disiplina sa sarili at sa kapwa.
"Master, bakit ako ang paalisin niyo at hindi si Cally?!" nagagalit si Levan. Napupuno ng galit ang dibdib niya. Naiinis siya kay Cally dahil ibinoto nito sa simula pa lang si Kai. Naiinis siya dito dahil natatalo siya nito sa match. At naiinis siya dito dahil masyado itong magaling.
Akala ni Levan ay mapapatalsik niya na si Cally sa training kapag nilagay niya ang napakahalagang katana sa ilalim ng kutson ng kama nito. Napupuno ng inggit at galit ang dibdib niya.
"Kailangan niyong ipaliwanag sa akin bakit ako ang kailangan na umalis!"
Tumayo si Rob ng galit na galit. "Alam mo kung bakit? Because Cally will be your Master and he doesn't need to steal his own Katana!" dumgundong ang boses niya sa buong hall.
Bakas sa mukha ng lahat ang pagkagulat. Nagkatinginan pa ang mga ito.
"Huh, si Cally, Master?"
"Oo, tama. ganoon nga ang sabi ni Master Rob"
Nagkaroon ng kaunting ingay sa paligid dahil sa usapan ng mga trainees. Tanging si Lorenz at Prin lang ang hindi nagkomento dahil alam nila ang tungkol sa bagay na iyon.
"Tahimik!" sigaw ni Rob. Agad naman na nagbalik ang atensyon ng lahat sa pinuno nila.
"Sobrang laki ng awang ng posisyon ni Cally kahit sa akin. Ngayon, sabihin mo kung bakit hindi ikaw ang dapat kong paalisin?!" galit na sabi ni Rob kay Levan.
Hindi nakasagot si Levan. Hindi niya inaasahan ang bagay na iyon para siyang nawala sa sarili. Agad siyang hinila ng guard na nakaitim. Hindi ito mangingiming patayin siya kung sakaling mangungulit pa siya kay Cally.
"Ayoko nang mauulit pa ang ganito! Ayoko sa lahat ang maging tuso at mapanlinlang na Dark Guard!" matigas na sabi ni Rob sa lahat matapos mawala sa paningin niya si Levan.
"Pupugutan ko ng kamay ang sino man na gumawa ng katulad nito. Nagkakaintindihan ba tayo?!"
"Yes, Master!" sabay-sabay na sabi.
"Balik sa kampo! Magsanay na kayo dahil magsisimula ang opening ceremony sa susunod na linggo" pagkasabi ng nais ni Rob ay umalis na siya ng general hall.
Bigla naman nailang kay Cally ang lahat at ramdam niya iyon.
"Huwag kayong mahiya o mailang sa akin. I'm still a trainee." sabi niya sa lahat.
=====
Opening Ceremony...
Matapos ang isang linggo nang maganap ang pagpapaalis kay Levan, magaganap ang seremonyas eksakto alas sais ng hapon.
Pagtapos ng pag-aalay para pasalamat sa panginoon ay isang masayang salu-salo para sa lahat ang magaganap.
Hindi sila pipigilan sa kung ano ang gusto nilang kainin at inumin. Literal na fiesta.
Ang apat na Leader ang magsisindi ng torch na matatagpuan sa bungad ng bawat kampo at manggagaling ang apoy mula sa malaking bonfire na matatagpuan sa gitnang bahagi o sa general hall.
Nago mag-alas-sais, magkasama si Prin at Cally sa computer room dahil nagpadala ng mensahe si Cally sa Mommy niya para ipaalam dito na tutuloy siya sa UK. He is just 18 and still needing his Mom's love after all.
He is missing his family pero bawal dumalaw ang pamilya kahit pa pwede naman siyang dalawin doon ng mga ito bilang malapit na kaibigan ng mga Matsui.
Tinuring ni Cally ang sarili na kabilang sa mga kasamang trainees at hindi pwede na paboran siya doon kaya mariin niyang sinabihan ang pamilya na huwag na huwag siyang dadalawin.
Alam niya rin na busy ang Mommy niya sa opisina nila sa MGM at pagtuturo sa klase.
[CallyHan: Mommy, I miss you so much. Can I see you before going to the UK?]
[GinnyLopez: Baby boy, I miss you too so much! pagagalitan ko talaga ang daddy mo kapag hindi ka umuwi dito sa bahay kahit tatlong araw lang. Please come home, okay?]
Napangiti si Cally.
"Wow! you are smiling!" hindi makapaniwala na bulalas ni Prin.
Agad naman na nakabawi si Cally at sumeryoso muli. Nahiya siya ng kaunti. Hindi kasi siya pala-ngiti. Literal na seryoso ang tingin sa kanya ng lahat.
Sinilip ni Prin ang monitor niya. Naisip niyang tudyuin ang lalaki dahil tinawag itong 'Baby boy' ng Tita Ginny niya.
"Wag kang mag-alala baby boy, your secret is safe with me." sabi niya habang tinapik-tapik ito sa balikat.
Sumimangot lalo si Cally.