Eksakto alas-sais nakahanda na ang lahat para sa hudyat.
Magkakasama ang lahat sa labas ng general hall. Sa tapat ng bukana nito naroon ang bonfire.
Bilang hudyat, isang mini-gun na nakatutok sa kalangitan ang pinaputok ni Rob bilang pinuno ng committee. Gumuhit ang asul na liwanag mula sa mini-gun ang makikita hanggang sa marinig ang putok sa ere.
Matapos iyon ay kanya-kanyang sindi ng sulo ang lahat ng lider. Tumakbo ang mga ito patungo sa kani-kanilang camp area at saka sinindihan ang dalawa pang sulo na nasa bukana ng camp.
Isang fireworks ang sinindihan ng apat na lider bilang pagtatapos. Nagpalakpakan at hiyawan ang lahat dahil oras na ng kasiyahan.
Inaabangan ni Prin kung ngingiti muli ang crush niya dahil masaya ang lahat. pero nanatiling seryoso ang lalaki.
'Hmp! Seryoso talaga ang mokong'
"Baby boy, hindi ka ba masaya?" tinawag niya itong baby boy dahil baka iyon ang dahilan kung bakit ngimiti ito nang magkasama sila sa computer room.
Kabaligtaran sa inaasahan, hindi nagustuhan ni Cally ang pagtawag niya dito ng baby boy lalo at kasama nila ang halos lahat ng trainee.
"Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kapag tinawag mo ulit akong ganyan." pagsusungit ni Cally.
"Sungit…" bulong niya.
Nakanguso lang si Prin habang sumusunod dito. Dumeretso sila sa loob ng hall kung saan nakahanda ang napakaraming pagkain at alak.
Hindi lumayo si Prin kay Cally. Matapos kasi ang group battle alam niyang tutuloy ang lalaki papunta ng Maynila para kitain ang pamilya nito. At posible na ilang buwan pa bago niya makita muli ang lalaki.
"Cally, come here!" Tawag sa kanila ni Joen pagpasok nila ng hall. Nakapwesto ito malapit sa mga pagkain kasama ng iba pang grupo.
Nakita niya si Lorenz na nakahalubilo rin sa iba pang mga kasama nito.
Tumabi rin si Prin dito.
"Seriously, are you guys secretly dating?" tanong ni Ana na nakasalampak sa tapat niyang mesa.
Tinitigan niya ito ng masama. "Hell no! I'm just fourteen."
"Ehhh… you look good together. Anyway, okay lang naman dahil marami ang matutuwa." komento nito.
Inikutan niya na lang ito ng mata.
May lumapit kay Cally mula sa ibang grupo. Inabutan nito ng maliit na shot ng alak si Cally. "Shi, for you… tanda ng respeto…" sabi ni MB31
Alam na ng lahat ng trainees na ang ibig sabihin ng 'Shi' ay Master.
Tinanggap naman iyon ni Cally dahil wala naman itong masamang intensyon at agad na nilagok ang alak.
Napalingon si Joen. "Shi… Ako din!"
Nagsalin din ito sa maliit na shot glass at inabot kay Cally. Kinuha din iyon ni Cally at ininom.
Hindi niya napapansin na marami ang lumapit sa kanya para magbigay ng respeto.
Pansin ni Prin na namumula na ang pisngi ni Cally dahil sa alak hindi pa man lumilipas ang oras simula ng umupo sila roon.
Sunud-sunod ang lagok nito ng alak mula sa kung kani-kanino. Wala kasi itong tinanggihan sa lahat ng trainees.
"Hey, kumain ka muna!" saway niya dito. Gusto niya nang pigilan ang binata sa pag-inom nito.
Humarap sa kanya si Cally at bigla nitong kinurot ang magkabilang pisngi niya. "My baby panda, why are you so cute?"
'Baby panda?'
Namula rin ang pisngi ni Prin. 'Sheet, 'wag kang ganyan Big panda baka makalimutan ko na maraming tao dito.'
"Baby panda, kuha mo ako ng desert." utos nito. Namumungay na ang mga mata nito na halatang nakainom ng alak.
"Hey, MB53 kuha ka ng desert para sa iyong Shi!" pinasa niya ang utos kay Joen.
"Right away, princess!" Hindi siya nito tatanggihan lalo at tinuruan niya ito ng tamang galaw at kung paano makakapuntos sa kendo battle.
"Hey, mind your image." bulong niya kay Cally.
Ngumiti ito sa kanya sa unang pagkakataon. Ngiting nakakaloko. "Woah!!! You… You smiled at me!" masayang sabi niya.
Mukbang nagkabunga ang effort niya na samahan ito at sa wakas ay nginitian siya ng lalaki. Hindi maipaliwanag ni Prin ang saya niya.
Dumating ang desert na dala ni Joen.
"Here… Kainin mo itong fruit salad para bumaba yung tama ng alak sa iyo." sabi niya kay Cally habang inaabot dito ang pagkain.
Tiningnan lang nito ng bahagya ang ma-kremang pagkain at ibinalik sa kanya ang paningin.
"Feed me…" utos nito. Nabigla si Prin.
"Sige na, baby panda… Feed me…" para itong bata na hindi pinakain ng magulang kaya naglalambing sa kanya.
'Seriously, this guy! Tingnan natin bukas kung ano ang masasabi mo'
Hindi alam ni Prin ang gagawin. Tumayo si Cally inikot ang paningin sa buong hall tapos umupo muli.
"Walang magpapakain sa akin…" parang nagtatampo na sabi nito.
"Mind your image!" parang masisiraan ng bait si Prin bigla siyang nagkaroon ng alaga na baby damulag.
"Ihhhh…"
Prin "...."
Nasaan na ang masungit na Cally? Kung may cellphone lang siya sa mga oras na iyon ay kinuhanan niya na ito ng video para ipakita dito at ipanakot kapag binu-bully siya nito.
Walang nagawa si Prin kundi ang pakainin ang kanyang big panda.
"Hmmm… Masarap…" komento pa nito.
"Shi Cally, shot ka pa." sabi ng isang trainee mula sa Dragoon.
Ininom muli iyon ni Cally. Marami pa itong nainom kasabay ng pagpapakain niya dito ng salad.
Hindi naman napapansin ng iba pa nilang kasama ang nangyayari sa binata dahil pare-parehas silang nagkakasiyahan.
Bigla itong nag-pacute sa kanya. Hawak nito ang sariling mga pisngi. "I will definitely miss you…"
Lalong namula ang pisngi ni Prin. Nagulat na lang siya ng biglang mag-pass out ang binata sa tapat nitong table.