Chapter 16 - My Baby Panda

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Nabigla na lang si Prin nang biglang mawalan ng malay si Cally. 

Hinayaan niya na muna ang lalaki na magpahinga saglit. Napansin naman ito ng ibang kasama nila kahit ang lider nilang si Kai. 

"What happened to MB8?" tanong nito. 

"Ang dami niyo kasing nag-alay ng alak sa kanya, kaya iyan nawalan ng malay." reklamo niya dito. 

"Oh.. If that's the case we can send him now sa blade camp. Tomorrow is the beginning of the group battle." sabi nito. 

"Hayaan na muna natin siya…" matapos niya iyong sabihin, nabigla siya nang i-angat ni Cally ang ulo nito. 

Inikot nito ang paningin sa lahat, tapos ay tahimik na tumayo at dumiretso palabas ng hall. 

"Leader MB5, susundan ko na si Cally" nagpapasensya na sabi niya dito. 

"Hmm…"

Nagmadali si Prin sa pagkilos para mahabol niya ang palabas na si Cally. 

Nagulat na lang siya nang tinutungo nito ang tahanan nila. Nagtataka siya kung ano ang gagawin nito doon. 

Maya-maya tumakbo ang binata. Hinabol ito ni Prin. Napapagod na siya kahahabol kay Cally nang mapansin niya na iniikot lang nila ang buong compound. 

"Hey!!! Please stop…" napapagod na ang mga binti niya lalo at nakaboots sila. 

Sumalampak si Prin sa s.e.m.e.nto. "Ayoko na… hindi ko na kaya." hinihingal na sabi niya. 

Kailangan niya pang magpahinga dahil baka siya ang mapili sa kendo match kinabukasan ng umaga. Paano niya magagawa iyon kung ngayon pa lang ay napapagod na siya? 

Napansin niya na huminto ang binata at bumalik sa direksyon niya. "I am looking for my baby panda." parang batang iniwan ito ng magulang sa paraan ng pagkasabi nito n'on. 

"uhmm… Your baby panda is here…" hinihingal pa rin na sabi niya. Itinaas niya pa ang kamay. Wala na siyang magawa kundi umamin para huminto na ito sa pagtakbo. 

Umupo ito sa harapan niya. Madilim ang paligid kaya inilapit nito ang mukha nito sa kanya para mas malapitan siyang makita. 

Napaatras naman si Prin dahil sa ginawang paglapit ng mukha nito. Pinisil-pisil nito ang pisngi niya. 

"Woah! You really are my baby panda!" 

Prin "..." 

"Y-Yes I am." hindi pa siya nakakabawi sa pagod. Kailangan niyang magpanggap para makabalik na ito sa higaan nito. 

"I'm tired.." sabi niya habang pinupukpok ang binti. 

"Why?" 

"It's your fault! I have to run because of you." 

Hindi ito nagsalita at basta binuhat na lang siya. "Let me carry you." 

Malalaki ang hakbang ni Cally at parang napakarami ng enerhiya nito para mabitbit pa siya. Kumakabog naman ang dibdib ni Prin dahil naaamoy niya ang pabango ng lalaki. 

She is guessing kung ano ang cologne na gamit nito habang malapit siya sa dibdib ng binata. 

Para itong droga. Siguradong hahanap-hanapin niya kapag wala na ang binata sa training. 

Dahil sa sobrang pagkalango ni Prin sa amoy ni Cally, hindi niya napansin na naipasok na pala siya nito sa training hall kung saan sila unang nagkita. 

Inupo lang siya nito tapos ay humiga si Cally sa lapag. Napansin niya na lang na nakapikit ito. 

Hindi alam ni Prin ang sasabihin. She was speechless. Matagal niyang pinagmasdan ang nakahigang anyo nito. 

Nang hindi siya makontento ay tinabihan niya ito ng higa. Tumagilid siya at humarap dito. 

'Cally… Gagalingan ko dito sa training para mapantayan ka.' pangako niya sa sarili. 

Ilang sandali lang, tumagilid din ito paharap sa kanya. 

Mas malapitan niyang napagmasdan ang guwapong mukha nito. Pinagsawa niya ang mata dahil hindi niya iyon magagawa sa normal na araw. 

Wala man lang siyang makitang flaws sa lalaki bukod sa makulit ito kapag nalalasing at masungit. 

Dahan-dahan itong nagdilat ng mata at tumingin sa kanya kaya para silang nagtititigan. Pero alam ni Prin na parang wala itong nakikita. 

Parang tumigil ang oras ng mga sandaling iyon lalo na ng haplusin nito ang pisngi niya. 

Nanlaki na lang ang mata ni Prin nang ilapit nito ang mukha at hinalikan siya sa labi. 

Ilang segundo lang iyon pero parang gustong magtatalon lahat ng red blood cells niya sa katawan. 

Nagulat na lang siya nang matapos siya nitong halikan ay bumalik ito sa pagtulog. 

Napaatras si Prin nang hawak ang labi. Saglit lang ang halik na iyon pero nabulabog ang buong pagkatao niya. 

Alam niya na siguradong hindi na nito alam ang mga pangyayari na iyon pagdating ng kinabukasan pero naglulundag pa rin ang puso niya sa saya dahil nakapuntos pa rin siya ng halik mula kay Cally. 

Kinabukasan, alas-otso ng umaga ang match kaya lahat ng grupo ay maayos na nakapila. 

Binigay ni Rob ang rules. 

"Itong apat na box ang naglalaman ng lahat ng codes niyo. Bubunutin ang pangalan ng tatlong representative mula sa apat na grupo."

"Ang leader ang magdedecide kung sino ang ilalaban sa kada match sa ibang grupo."

"Unang laban, Arcadia group versus Blade, Cobra versus Dragoon. Kung sino ang makakadalawang puntos o ang magwawagi sa dalawang laban, iyon ang papasok sa susunod na round."