Binunot and ang mga code ng mga pangalan at swerte si Prin na nabunot siya. Lihim siyang nagdiwang. Nabunot din si Joen at ang isa pa nilang kasama na hindi masyadong nag-aral sa pagkamit ng wooden sword.
Malakas ang loob ni Prin na mananalo siya. Agad silang pinulong ni Kai. "You can do this okay?"
"Leader MB5, medyo kinakabahan ako dahil hindi ako ganoon kagaling." malungkot na sabi ng isa nilang kasama.
Lumapit sa kanila si Cally.
"Are you guys, okay?" Nasa likod ito ni Prin at agad siyang nakuryente sa paglapit ng binata. Ayaw niyang lumingon dahil baka magambala siya sa laban lalo at kapag naisip niya ang ginawa nito nang nagdaang gabi.
"Shi Cally, medyo worried ako…" malungkot na sabi ng isa.
"Kaya mo iyan… Just do your best. Huwag mo masyadong isipin kung matalo ka. Nandiyan si GW8 at MB53 para bumawi." sabi nito.
Mukhang guminhawa naman kahit papaano ang pressure na naramdaman nito.
Tumuloy sila sa wardrobe para magbihis ng pang kendo. Isang makapal na jacket at trousers ang suot nila. At babalutan ng armor para protektahan ang mahahalagang bahagi ng katawan. At ang pinakamahalaga ay ang shield sa ulo para proteksyon.
Hindi tulad sa normal na kendo match, ang rule nila ay sa ulo lang patatamain ang shinai(1). Kailangan makalimang puntos kada match. At dalawang referees lang ang bantay at iaangat nito ang kulay ng flag kung sino ang nakapuntos.
Mga samurai masters ang inimbitahan ni Rob para magpuntos para patas ang laban.
Sa unang laban, isinabak ni Kai ang kasama nila Prin na si MB20. Magaling ang kalaban nito at napag-aralan agad ni Prin ang kilos nito na mula sa Arcadia team.
Talo sila.
"MB53, kailangan mong manalo, okay? Kung hindi ka mananalo sasabihin ko sa girlfriend mo na namba-babae ka dito" pananakot niya kay Joen.
"Don't worry, mananalo ako dahil ikaw ang nagturo sakin sa loob ng isang linggo."
"Good."
Pumwesto na si Joen sa markang guhit para sa team nila. Inisip niya ang anak at ang girlfriend niya kaya lalo siyang ginanahan na manalo. Nang ibigay ang hudyat, agad siyang kumilos at pinatamaan sa ulo ang kalaban.
Inangat ng dalawang referee ang flag ng Blade.
'Apat na puntos na lang' sabi niya sa sarili
Pumwesto muli siya sa marka. Mas nahirapan siya kumpara sa una. Nang patatamaan na nito ang kawayan. Agad siyang nakailag at binilisan ang pagkilos para makatama ang shinai niya sa head armour nito.
Dahil sa sobrang seryoso niya sa match hindi niya namalayan na nanalo na pala siya.
"That's nice MB53, hindi man lang nakapuntos ang kalaban." puri ni Prin.
Malapad ang pagkakangisi nito at proud sa sarili. "That's because you helped me. Thank you Prin!"
Nakagaan sa pakiramdam niya ang sinabi nito. Siya ang sunod. Nag-iba kaagad ang awra niya. Pumwesto rin siya sa guhit na marka, nagbow sa kalaban na trainee at hinintay ang senyas.
Nang ibigay ang senyas, kumilos agad ang kalaban niya, tumira ito pero agad na nakaiwas si Prin. Masasabi na magaling ang kalaban niya mula sa Arcadia.
Nang tumira muli ito para patamaan siya ay agad na hinarang ni Prin ang shinai at napukpok niya sa ulo ang kalaban. Itinaas kaagad ang flag ng blade. Nakapuntos siya.
Balik siya sa markang guhit. "Hmp I will not let you win!" mayabang na sabi ng kalaban niya.
Kahit papaano kasi ay nakakababa ng pagkalalaki kung sakaling matalo ito ni Prin kaya ginanahan ang kalaban niya.
Umabante muli ito para patamaan siya nang ibigay ang hudyat. Mabilis na kumilos si Prin at natamaan niya muli ang helmet nito. Puntos muli para sa team nila.
Hindi na pinatagal ni Prin ang laban at agad siyang nakakapuntos. Matapos lang ang limang minuto. Panalo ang Blade team sa match.
She felt proud. At sisiguraduhin niya na matatalo nila ang kung sino man na mananalo laban sa match ng Cobra at Dragoon.
Matapos nga ang ilang minuto nagwagi ang grupo ng Cobra.
Pinulong sila ni Kai. "MB2's team was really good. Galingan niyo okay."
Sabay-sabay silang tumango. Napalingon pa si Prin sa direksyon ni Cally na sabay na nakatingin sa kanya. Namula kaagad ang pisngi ni Prin. Naalala niya ang halik na iginawad sa kanya nito nang nagdaang gabi.
Pinilig niya ang ulo. kailangan niyang magconcentrate.
Nagsimula ang laban sa pagitan nila ng Cobra team. Tulad ng pagkakasunud-sunod ng laban sa unang laban nila, ganon muli ang pinagawa sa kanila ni Kai.
Natalo ang unang kasama at nanalo muli si Joen. Kaya si Prin na lang ang pag-asa ng Blade team.
Huminga siya ng malalim matapos ang pag-bow. Nagsimula ang laban sa pagitan nila ni MB19.
Mabilis ang kilos ng lalaki, gusto siya nitong linlangin sa galaw ng shinai nito. Kanan, kaliwa at paulit ulit ang kilos.
Nang makakita ng tyansa ang lalaki para pukpukin siya sa ulo, para iyon nagslow-mo sa paningin ng lahat nang mag-dock si Prin at nagpadulas sa ilalim ng braso nito na may hawak na shinai.
Saka niya pinukpok ang ulo nito mula sa likuran. Puntos para kay Prin.
"Wow!!!!"
"Ang galing!!!!"
"that was an awesome move!"
Mga papuri sa kanya.