Chapter 18 - Flag Fight (1)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Sa huli, si Prin din ang nanalo kaya nagwagi ang Blade Team sa Kendo Match. 

Agad siyang nilapitan ng mga team members niya at masaya silang naghiyawan. Lahat ay halos gusto siyang bigyan ng papuri. 

Nagpasalamat at pinuri siya ng mga kasama niya sa team. Malapad naman ang pagkaka-ngiti niya dahil sa una pa lang ay tiwala na siya na  manalo siya sa Kendo match. 

Ikalawang araw… Isang Mixed Martial Arts ang magaganap na laban. 

Tulad ng ginawa sa Kendo, bubunot ng tatlong member sa bawat team para isalang sa match bukod pa sa Leader. Dahil kailangan patunayan ng leader ang galing niya sa pakikipaglaban. 

Hindi kasama si Cally sa nabunot pero ayos lang sa kanya dahil sa mga oras na iyon ay mas magaling siya sa planning and strategy. 

Bubunutin kung sino ang maglalaban mula sa box. Nabunot ang Blade team at Dragoon. Sinalang nila si Ana na kasama sa nabunot. 

"GW10, galingan mo ha!" sabi dito ni Prin. 

Ginanahan naman ito sa sinabi ni Prin. Nagbigay lang ito ng ok-sign. Babae rin ang isinalang ng Dragoon team. Matapos ang ilang minuto ng laban ng mga ito, nakakuha ng tiyempo si Ana para maipit ang mga hita at braso ng kalaban niya. 

"Ah! Ah! Suko na! Suko na!" sumenyas ng pagsuko ang representative mula sa Dragoon. Panalo kaagad sila. Nadismaya naman ang Dragoon team.

Hanggang sa umabot nga ang laban kay Kai at Lorenz. Blade at Cobra muli ang maglalaban sa match na iyon. 

Interesado ang lahat lalo at alam nilang parehas na magaling ang dalawa. Ibinigay ang hudyat. 

Agad na pumorma ang dalawa para makatira. Umabante si Kai para bigyan ng suntok si Lorenz pero agad itong nakaiwas. Sa halip isang sipa ang naibigay nito sa una. 

Mas nanaig naman ang kagustuhan ni Kai na maibalik kay Lorenz ang binigay nitong sipa. Nagawa naman niya dahil hindi nito naiwasan ang mabilis na pagkilos niya. 

Halos pantay ang laban hanggang sa tila ba sinapian ng kung ano si Lorenz at nagawa niya na magpatama ng maraming suntok sa mukha ni Kai. Pulang-pula ang mukha ng leader nila pero hindi pa rin ito susuko. 

Sa huli, tinuhod ni Lorenz ang mukha ni Kai dahilan para ma-K.O. ito. 

Panalo ang Cobra team. Hiyawan din mula sa Cobra ang nanaig. 

"Wow! MB5 is really awesome!" sabi ni Ana. 

Biglang nagkaroon ng paghanga ang mga kababaihan kay Lorenz. Normal na reaksyon lalo sa mga kabataan kapag magaling ang isang binata sa pakikipaglaban. 

Lumapit si Cally kay Lorenz. "Tsk tsk! Hindi man lang kami binigyan ng pagkakataon." sabi niya dito. 

Ngumisi lang ito sa kanya. Kumuha ito ng tubig saka umupo at ininom iyon. 

Tinabihan ito ni Cally. "Gusto mong sumabay muna sa akin umuwi kahit tatlong araw lang? Uuwi ako sa amin sa Maynila sa susunod na araw tatapusin ko lang ang flag fight." pagbibigay-alam niya dito. 

"Wala naman akong uuwian." Matigas at may halong kalungkutan na sabi nito. Hanggang sa mga oras na iyon ay masama ang loob ni Lorenz sa pamilya niya. 

Huminga ng malalim si Cally. "If that's the case I will go alone. See you in UK." 

"hmmm." 

=====

Flag Fight…

Kinabukasan ng gabi ginawa ang Flag Fight. Kailangan makuha ang dalawa o tatlong flag ng kalaban na grupo. 

Arcadia, yellow flag. Blade, green flag. Cobra, orange flag at Dragoon, white flag na matatagpuan sa bawat Camp. Kailangan protektahan ang flag na nasa bungad ng Camp. 

Si Ana at tatlo pa ang nakatoka na magbantay ng flag nila. Ang iba ay mahahati sa dalawang grupo para kumuha ng flag ng ibang Team. 

Si Cally at Prin ang nakatoka na kumuha ng flag sa Dragoon team kasama ng anim pa nilang nakasama. Siya ang inatasan ni Kai na mamuno. At ang grupo ng mga ito ang tutuloy sa Arcadia Team. 

"Kapag nakuha na natin ang flag ng dalawang team saka tayo tumuloy sa Cobra Camp." paliwanag ni Kai. 

"We don't know who is the flag guard but surely Lorenz will do his best to protect his Camp and to get the flags."

"Do your best Ana." sabi ni Prin dito. 

Pumorma na sila sa harapan ng Blade camp at hinitay ang asul na ilaw na hudyat na papuputukin sa langit. 

Ilang sandali lang, nakita na nila ang liwanag. 

"Go!" sigaw ni Kai. 

Kanya-kanya nang takbuhan ang lahat. May bitbit silang baril-barilan na gawa sa kawayan at may bala na sumpit na pwedeng magparalisa sa parte ng katawan kung saan ito tumama. Bawat baril ay tig-singkwenta ng bala kaya kailangan nilang gamitin iyon ng maayos.

Mapaparalisa ang parte na iyon sa loob lamang ng dalawang oras. 

Ilang metro na lang sila sa Dragoon camp nang makasalubong nila ang grupo nito dahil may plano rin na pumunta ang mga iyon sa Camp nila. 

Agad na nagpalitan ng bala ang grupo nila Cally at ng Dragoon Team. 

Hinila ni Cally si Prin para umabante at hinayaan ang iba nilang kasama na humarap sa mga ito. Gumilid sila sa magkakatabi at makapal na wooden box. 

Nakita silang dalawa ng Leader ng Dragoon na si MB12 at agad silang tinira ng sumpit nito pero nailagan ni Cally. Tinulak niya si Prin sa sumunod na box.

Go!" senyas ni Cally kay Prin para siya ang humarap kay MB12. Umabante naman si Prin kasama ng tatlo pang natira sa team nila patungo sa Dragoon Camp.  

Nagpalitan sila ng bala ni MB12 habang nagtatago sa magkabilang wooden box. 

Natamaan ni Cally ang braso nito kaya nahirapan ito na tirahin siya pabalik dahil hindi nito naigalaw ng maayos ang braso. 

"Thanks!" sabi lang ni Cally saka kinuha ang baril nito na gawa sa kawayan matapos tirahin ng isa pa ang binti nito para hindi na ito makalakad. Saka siya sumunod kay Prin.