Chapter 20 - Indescribable Feelings

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
KASALUKUYAN

"Shi, we are here" gising sa kanya ni Lorenz. 

Doon lang nakabalik si Cally sa reyalidad. Napanaginipan niya na naman si Prin. Hinding-hindi niya makakalimutan ang mga unang buwan nila na magkasama ng babae. 

Nami-miss niya ang panahon ng kabataan nila nito. 

Nakakuyom ang palad at bakas pa rin sa mukha niya ang pagdurusa nang mawala ito. 

Umupo muna ng maayos si Cally at hinintay na mag-land ang eroplano. 

"May ideya ka ba kung bakit tayo pinatawag?" naisip na itanong ni Cally sa kaibigan. 

Hindi sumagot si Lorenz. Dahil kilala na niya ang binata, alam niya na may ideya ito. 

Tumahimik na lang si Cally at hinintay na makarating sila sa mansyon ng Kent Family. 

Malamig ang klima sa lugar at gabi na rin nang makalapag ang eroplano. Isang limousine ang nag-aabang sa kanila pagbaba ng private plane. 

Inabutan siya ng chauffeur ng isang makapal na jacket dahil nanunuot talaga sa kalamnan ang lamig lalo at malapit na maghating gabi. 

Sabay silang sumakay ni Lorenz sa itim na sasakyan. 

Kinakabahan si Cally habang papalapit sa kanilang tahanan. Hindi niya alam kung oras na ba ng pagboto ng mga pinuno para husgahan siya kung siya ba ay karapat-dapat na pamunuan ang pitong pamilya. 

Kumakabog ang dibdib niya sa hindi malaman na dahilan. Para maiwaksi ang iniisip niya. Kinuha niya ang laptop upang tawagan sana ang Mommy niya para makausap ito, makita at humingi ng payo. Pero para saan?

Agad niya rin namang iwinaksi dahil ayaw niya rin naman na mag-alala ito sa kanya. 

"May balita ka ba sa Byrne Family?" tanong ni Cally sa kaibigan. 

"Ang balita ni MB1, kinausap sila ng Peters para makipagkaisa sa kanila at sigurado daw na magkakaroon ng posisyon ang Byrne kapag tinalikuran ang pamilya niyo at si Gon Peter ang magiging pinuno. Katulad ng hinala mo."

"They really have the guts kapag tinalikuran nila ang Kent at sumapi sa Peters. I have all the evidence to prove that they are corrupt and do tax evasion. Isang pitik ko lang, Irish Government will come after them. Idagdag pa na Gray Guards will backing me up." 

Hotel kasi ang business ng mga Byrne. Malalaking hotel sa halos buong mundo pero nakabase sa Ireland. 

Naninimbang si Cally kung hindi siya tatalikuran ng Byrne Family dahil kapamilya ng mga ito si Apolo na nagmahal sa Mommy niya noon. Pero isa rin iyon sa mga posibleng dahilan kung bakit maaari sila nitong talikuran. 

Huminga siya ng malalim. Noon niya lang napansin na papasok na ang sasakyan sa bukana ng Kent Property.

Ilang ektarya ng lupain ang pag aari ng pamilya niya. Isang tagong lupain at tanging gobyerno lang ang nakakaalam dahil sila ay sikretong sumusuporta sa mga ito. 

Ang malaking mansyon ay matatagpuan sa ibabaw o tuktok ng burol. Isang simpleng mansyon kung titingnan pero mahigpit ang seguridad sa lugar.

Mas kabado si Cally habang papalapit ang sasakyan sa Mansyon nila. 

Nang huminto ang limousine, bumukas kaagad ang malaking main door at iniluwa si Madam Lira. Bahid sa mukha ng ginang ang pag-aalala. Halata ni Cally na inabangan talaga siya nito. 

Bumaba si Cally upang yakapin ang ginang. 

"Mama Lira…" usal niya sa pangalan ng ginang.

Isang matikas at matapang na babae ang lola niya at nagawa nito na pamunuan ang samahan nila sa loob ng ilang taon simula ng mamatay si Master Kent na tatay nito. 

Niyakap lang siya nito ng mahigpit at hindi nagsalita. "Sabihin niyo po sa akin kung ano ang rason at pinatawag niyo po ako."

Hindi nagsalita ang ginang at basta inakay na lang siya nito patungo sa isang kwarto. Mas dumoble ang kaba niya. 

May lumabas na doktor mula sa kwartong iyon. "She was safe Madam but still unconscious." sabi nito saka umalis.

Kumakabog ang puso ni Cally. Hindi na kaba kung hindi excitement ang nararamdaman niya. 'Anong ibig sabihin nito?' 

Nilingon niya si Lorenz na tahimik pa rin na nakasunod saka siya nagpatuloy papasok sa kwarto. 

Hindi makapaniwala si Cally sa nakita -- Prin Matsui is lying on a wine colored bed na parang walang buhay. May nakakabit na dextrose dito, bukod doon ay wala ng iba. 

"S-she was captured by a pirate and was in the sea for a couple of years Cally." Nagluluha na paliwanag ni Madam Lira.

"They never let her escape until Aidan Park saw her in one of his underworld dealings."

"He used his money and all resources to buy her. And he sent her here." mahabang paliwanag ni Madam Lira pero wala ni isang naintindihan si Cally. 

Ang tanging nakatatak sa isip niya ay nagbalik si Prin sa harapan niya makalipas ang ilang taon na nawala ito. 

Nakatitig lang siya sa mukha nito na sobrang putla. "Did you call my in-laws?" ang una niyang naisip na sabihin. Siguradong tutungo kaagad doon ang mga biyenan niya kapag nalaman nito. 

"Not yet." 

Hindi niya alam kung lalapitan niya ba ang dating asawa at yayakapin. He felt a familiar and strange feelings. He really can't describe. He doesn't know what to say.

He wanted to hold her and at the same time he is scared.