A TWENTY THREE-YEAR-OLD CALLY
He was captured again by Peters. Nangyari na ito noong apat na taon ang nakaraan habang nag-t-training siya kasama ang Gray Guards.
Ang Dark guard ay nahahati ngayon sa Black at Gray. Ang Black Guards ay mas bihasa sa espada, patalim, lason at halamang-gamot, literally like Samurai.
Samantalang ang Gray Guards ay sa baril, pagpapatakbo ng eroplano at kung ano pa tulad naman ng sa Militar.
Isang taon makalipas ang training niya sa Japan kasama ang mga nakatakdang maging Dark Guards, isang hindi kilalang lalaki noon ang dumukot sa kanya. He was nineteen during that time. Isang Gon Peter ang humarap sa kanya.
Halos kasing edad lang din niya ang lalaki. Ang pagkakaiba lang nilang dalawa. Maihahalintulad sa demonyo ang awra ni Gon.
Hindi rin naman ito nagtagumpay noon na dukutin siya dahil hindi nito akalain na nakapagsanay siya ng pisikal.
Makalipas ang limang taon, heto na naman siya at dinukot na naman ng pamilya nito. He was just hoping that either the Black guard or Gray guard help him or else hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan ng Dark Lords.
Ang Peters Family ay maihahalintulad sa isang blacksheep sa isang pamilya. They are hiding in the dark and do evil things. Hindi nga alam ni Cally kung ilan na lang sa pamilya nito ang nabubuhay.
Wala silang ideya kung sinu-sino ang sumusuporta sa Pamilyang ito at kung ano talaga ang role ng pamilyang ito sa Dark Lords bukod sa adviser noong nabubuhay pa si Master Kent.
Adviser noon ang matandang Peters nang panahon ni Master Kent na naging makasarili at nagnais ng mas mataas na kapangyarihan.
Nang hulihin siya nito noong de sinuwebe anyos siya ay hindi handa ang mga ito, hindi akalain ng mga ito na hasa si Cally sa pakikipaglaban.
Pero iba sa mga oras na iyon, pinaghandaan siya ng mga ito para mahuli. Isang Charity event ang pinuntahan ni Cally kasama ang mga ordinaryong tao sa organisasyon at doon nga siya nito dinukot dahil wala siyang kasamang guard.
Cally is praying na sana ay kahit na sino sa guards ang dumating. Pero nagulat siya ng iniligtas siya ni Prin.
Natulala pa siya nang makita muli ang babae dahil hindi niya ito namukhaan. She was turned into a beautiful young lady. Just like a butterfly. She was alone at nagawa nito na iligtas siya just like a warrior princess.
Tumakbo sila nito sa kagubatan matapos niyang makaalis sa kulungan. Ilang araw na walang kain si Cally kaya nanghihina siya at hindi masyadong naibigay ang inaasahan na bilis at lakas.
Napaupo na lang siya sa lapag. Saka siya sumuka.
"Oh! I'm sorry. Here!" inabutan siya nito ng isang likidong nakalagay sa maliit na bote.
"What is this?" tanong niya sa babae.
Inikutan siya nito ng mata. "It's a calorie and energy drink."
Ininom ni Cally ang likido. Halos masuka siya sa lasa. "F*ck!"
"Com'on, siguradong mamaya ay magpapasalamat ka sa 'kin. Kikitain tayo ni MB5 sa bungad."
Nabigla si Cally. Kung kasama nito si Lorenz bakit wala sa paligid ang kaibigan niya.
Hinawakan nito ang kamay niya saka siya hinila para bumalik sa pagtakbo.
Ilang minuto pa, nakikita niya na ang kalsada sa wakas. Halos nakalimutan na nga niya na may pinainom ang babae na gamot sa kanya.
Ilang sandali pa, nakikita niya na si Lorenz na nakasandal sa pickup truck.
"Grabe, nauna pa ako sa iyo." nakangisi na sabi nito sa kanya.
Nakakunot ang noo niya. "Naroon ka kanina?"
"Yes."
Hindi niya napansin ang lalaki. "I never saw you."
"Tulala ka kanina kay Prin. Paano mo ako makikita?" tudyo nito.
Nilipat niya ang paningin sa babae. Walang bahid ng reaksyon. Matagal tagal din sila na hindi nagkita nito kaya siguro nakatitigan niya ito ng matagal.
"Let's go bago pa ako maging third wheel dito." biglang aya nito sa kanila.
Nagmaneho si Lorenz at katabi nito si Prin habang nasa likod ng sasakyan si Cally.
"Anyway, why are you here?" baling niya kay Prin na nakaupo sa unahan ng sasakyan. Hindi niya kasi inaasahan na nasa UK ang babae. Pagkakaalam niya ay nasa Japan ito at nagsasanay kasama ng Black Guard.
"To marry you." simpleng sagot nito.
Napaatras si Cally. Halatang nabigla siya sa sinabi nito. Nilipat niya ang paningin kay Lorenz. Tiningnan naman siya nito sa rearview mirror dahil nasa likuran siya ng pickup truck.
"Your Uncle Rob, your Mom and your Dad are here nang malaman na kinidnap ka ng Peters."
"And?"
"And they decided na kapag nailigtas ka namin ni Prin ay magpapakasal kayong dalawa."
Cally "..."
Can you tell me what is the connection? Nais niyang itanong pero pinili niyang manahimik. Inilipat niya ang tingin sa babae na nagligtas sa kanya.
"Hey! Huwag mo akong tingnan na para bang may nakakahawa akong sakit. Magpasalamat ka nga at may magpapakasal pa sa busangot mong mukha."
"What?" parang gustong mag-init ng ulo niya sa sinabi nito.
"Busangot mong mukha." ulit pa nito.
"Say that again or else paalisin kita sa dito sa sasakyan." Nasanay si Cally na sinusunod ng kahit na sino. Prin is nothing. Kahit pa anak ito ng tinuturing niyang ikalawang tatay na si Rob Matsui.
"Mr. Grumpy old man, is that how you thanked your saviour?' Lumingon ito sa kanya at nakahalukipkip.
"This truck is owned by my family, not yours. What right does you have para paalisin ako sa sarili kong sasakyan?" mataray na sabi nito sa kanya.
Sa unang pagkakataon, hindi nakasagot si Cally. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang babae.
Isinandal na lang niya ang ulo sa upuan dahil ayaw niya ng kausapin pa ito.
Napangiti naman si Lorenz nang makita na sinandal ni Cally ang ulo nito at nakipag-apir kay Prin. Unang beses niya na makita si Cally na natameme. Napailing na lang siya.