Pagpasok sa malaking pintuan sa bungad ng mansyon, nakita agad ni Cally ang Mommy niya at ang Daddy niya na halatang naghihintay.
Niyakap niya agad ang Mommy niya na matagal niyang hindi nakita.
"Mom…"
Halata ang lungkot sa mukha nito. Ilang saglit pa, nagulat na lang siya nang bigla siya nitong pinalo sa braso.
"You… Cloud Han! Bring Cally back to Manila!" galit na sabi nito sa Daddy niya.
Hindi naman sumagot ang Daddy na normal na reaksyon nito.
"Mom, I'm sorry." malungkot na sabi niya dito halos isang buong linggo kasi siyang nawala.
"I agree with your Mom. You should be back to Manila for the meantime" sang-ayon ni Madam Lira.
Bigla niyang naisip si Prin na matindi ang pagkakangisi sa gilid katabi si Lorenz.
"By the way, bakit kailangan kong pakasalan si Prin?" tanong niya sa magulang.
"This…" Napakamot ang Mommy niya.
"All of the elders wanted you to get married and Prin is the best choice." si Madam Lira ang sumagot.
"Pero kung ayaw mo o hindi ka sang-ayon ay hindi ka namin pipilitin. As your Mom, nag-aalala lang din ako sa lovelife mo at baka tumanda ka na katulad ni Rob bago nag-asawa" tudyo nito sa kaibigan.
"Hey! Bakit ako nasali?" clueless na reaksyon nito.
"You are almost 32 nang una kang mainlove sa Mama ni Prin. May mali ba kong sinabi?"
Nakasimangot lang si Rob at hindi na ito sumagot pa. Hindi rin naman ito mananalo sa debatehan laban sa Mommy niya.
Si Prin sa gilid ay tamang nakikinig lang. 'Subukan mong tumanggi.' isip-isip nito.
"But Prin is still in her college, is she?" tanong ni Cally.
"So?" nakataas ang kilay na tanong ni Prin.
"So, I'm just worried. Marriage may affect your schooling."
"Wow! You are looking forward to get her pregnant. That's good!" singit ng Mommy niya.
Cally "..."
'Mom please… Masyadong advance ang iniisip mo. I am just talking about marriage'
Huminga ng malalim ang Daddy niya at sa unang pagkakataon ay nagsalita.
"What is your decision? Prin agreed. Hindi ka naman siguro mamba-basted ng dalaga di ba?" sabad nito.
"You will return to MGM. Prin will continue her college. Both of you will live and have a normal life. Mas makabubuti na tanggapin mo ito dahil kapag tumuntong ka sa edad na trenta, babalik ka sa Dark Lords para husgahan. You should at least enjoy. I want you to help me in MGM for a couple of years and enjoy your life with Prin." dagdag pa nito.
Nag-isip si Cally. Magandang ideya na babalik siya sa piling ng pamilya niya at mamumuhay bilang normal na tao.
Nilingon niya si Prin na nakaupo sa gilid at parang barako kung kumilos. Naka-boots na may bahid pa ng putik gawa ng pagtakbo nila sa kagubatan. Walang arte sa katawan.
Nakasuit ito ng slim pants at fit na blusa na parehas na kulay itim. Normal na suot ng Black guard. Nakade-kwatro na tulad ng sa tatay nito. Gusto niyang mapa-iling.
She was like a beautiful girl acting like a kanto boy.
"Alright!" nasabi niya rin sa wakas.
=====
Hindi pa lumilipas ang tatlong araw ay pabalik na sila ng Maynila kasama ng magulang niya at si Rob.
Si Lorenz ay naiwan sa lugar para magsanay kasama ng Gray guards. Inaaral na nito ngayon kung paano mag-piloto sa isang plane bilang kauna-unahang Shogun.
Sa loob ng tatlong araw naikasal na nga rin siya kay Prin sa UK. Wala masyadong seremonyas at tanging kontrata lang ang binigay sa kanila na pinirmahan nila.
Wala namang plano si Cally na ariin ang babae dahil kung sakali man na ma-inlove ito sa iba, mananatili pa rin na malinis ito.
Kaiba sa plano ni Cally ang plano ni Prin. She is happy. Ilang taon niyang hindi nakita ang binata at talagang masaya siya na muli sila nitong nagkita.
Kung may nagbago man sa binata, 'yun ay ang lalo nitong pagiging masungit. Saka mas naging maskulado ang katawan nito dahil hasa sa physical activities. Mas nagmatured ang mukha.
Ang tanging nanatili siguro ay ang pagkagusto ni Prin sa lalaki. She was determined to get him kahit gamitin niya ang katana niya dito.
Pinilit niyang matulog habang nakaupo at katabi ang lalaki. Nagising lang siya ng gisingin siya ni Cally.
"Hey!"
Noon niya lang napansin na nakasandal ang ulo niya sa dibdib ng lalaki.
"Basa na ng laway mo yung polo ko." iritableng sabi nito sa kanya habang nakatingin sa mala-mapa na namuong laway niya sa itim na polo na suot nito.
Pupungas-pungas pa siya na tiningnan ang polo nito.
"Laway lang iyan. Kung makapagreklamo ka naman akala mo wala kang laway." katwiran niya.
"Tss…" Tumayo si Cally at hinubad ang polo na suot.
"H-hey! B-bakit ka naghuhubad?" nanlalaki ang mata na tanong niya dito. Lumingon siya sa paligid at natutulog din ang mga kasama nila. Gumagana ang utak niya na baka pagsamantalahan siya doon sa eroplano.
"Gusto mo ba na manatili sa akin itong damit ko na may laway mo? Tsk!" tumalikod ito saka tumuloy sa drawer na nasa gilid.
Sinundan niya lang ito ng tingin.
Pakiramdam ni Prin lalong tumutulo ang laway niya kahit hindi na siya natutulog. Nakatitig lang siya sa hubad na katawan ni Cally.
Hindi pa man niya nahahawakan ang mga kalamnan ng lalaki, alam niyang matigas ang mga muscle nito kahit sa likuran. Wala siyang makitang naliligaw ni isang pirasong taghiyawat at pantay ang kulay kahit ang likuran nito.
Likod pa lang ulam na.
'Gosh lord! I need kanin please!'