Dinala ni Cally si Prin sa isang malaking bahay na nasa Maynila. Nakakunot ang noo niya habang iniikot ang lugar. May tatlong kasambahay si Cally at limang guard sa bahay nito.
Hindi niya masisisi si Madam Lira kung pabantayan mabuti ang apo nito dahil isang mahalagang tao ang asawa niya sa pamilya at sa Dark Lords.
May tatlong palapag ang bahay nito at literal na elegante. Gold at emerald green ang tema ng kulay ng halos buong kagamitan. Halata na pinag-isipan at pinaghandaan ang pagtira nito sa bahay na iyon.
Palibhasa ay iba ang mundo niya sa Japan, hindi maiwasan na mamangha siya sa bahay. Maihahalintulad sa bahay ng prinsipe ang bahay ni Cally na nababagay sa pagkatao ng lalaki.
Ang bahay nila Prin ay tipikal na Japanese mansion, samantalang Tudor Architecture ang style ng bahay nito.
Ayon dito, nabili nito ang bahay na iyon mula sa mga kinikita nito sa MGM na ikinagulat niya. At nabili nito ang bahay na iyon tatlong taon ang nakaraan.
Nabigla siya dahil ang pagkakaalam niya ay inilaan ng lalaki ang buong oras nito sa pagsasanay at paghahanda kaya laking gulat niya na nakapag-ipon ito sa edad nito na bente anyos.
"I have 10 percent shares in MGM Corporation hindi pa man ako tumutuntong ng isang taon gulang. Lahat ng kinita ko for twenty years ay dito ko ibinuhos." paliwanag nito.
"Wow! I never thought na mayaman ka pala." namamangha na sabi niya dito.
Nakakunot ang noo nito. "Hindi naman. Nagkataon lang iyon na nagkaroon ako ng mayaman na magulang. Even your parents are wealthy. Sila ang mayaman not us."
Bumuntong hininga ito matapos nitong sabihin iyon.
"Kaya nga we have to return the favor. You should focus on your studies and I have to work in the company."
Napangiwi si Prin nang sabihin ni Cally na kailangan niyang pagbutihan ang pag-aaral at napansin nito iyon.
"Why?"
Nakayuko si Prin. "Well.. I am not really good in studies…" nahihiya na sabi niya.
"No wonder, hindi na rin naman ako nabigla."
Umalma kaagad si Prin. "Hey! Are you saying na mukha akong bobo?"
"hmp! sabagay, tingin ko nga... kasi naging asawa kita e." sabi niya dito saka tumakbo palayo kay Cally.
Naiwan si Cally na umasim ang mukha dahil naisahan na naman siya ni Prin.
=====
Kinagabihan, kinakabahan si Prin dahil matutulog siya sa kwarto kasama ang asawa niya.
Makatabi niya lang matulog si Cally ay sobra-sobra na ang saya niya.
Hindi naman siya umaasa na may magaganap sa kanila ng lalaki dahil sinabihan na siya nito na kailangan niya na mag-pokus sa pag-aaral.
All she can do is wait for that night.
Kinuha niya ang iPad sa bag at saka nagtingin kung may mensahe siya mula sa mga kaibigan.
Nakita naman niya na may mensahe siya mula kay Ana. Hindi na trainees ang mga ito kaya nakakagamit na ang Dark Guard ng telepono at kung ano pa.
[AnaGW10 : Hey Princess! Congrats! Nabalitaan namin dito na asawa ka na ngayon ni Shi Cally.]
Nag-reply naman siya dito.
[PrinGW8 : Salamat!]
[AnaGW10 : Dahil asawa mo na si Shi Cally. May ipapadala kami na regalo sa iyo.]
[PrinGW8 : kung ganoon, hihintayin ko na lang]
Isang 'like' emoji ang reply nito.
Nagkakamustahan pa sila ni Ana nang pumasok si Cally at naghubad ng suot na pang-itaas.
"H-Hey! A-anong pinaplano mo? B-bakit ka nag-hubad?" namumula ang pisngi at halos hindi siya makatingin dito.
Malapit na rin kasi siyang mag-collapse dahil mas kita niya ang dibdib at abs ng lalaki. Hindi na gaya ng sa eroplano na hanggang likuran lang ang nakita niya dito.
"This room is also mine. May problema?" nagtataka na tanong nito.
"Kung hindi ka komportable, aalis na lang ako at lilipat sa ibang kwarto."
"N-no! Nakakahiya sa mga kasama natin sa bahay at saka baka pagtsismisan pa tayo." katwiran niya.
Hindi na sumagot si Cally at diretso sa closet para kumuha ng shirt, short at towel.
Napapalunok si Prin at sinusundan ang bawat kilos ng asawa niya. Nakalimutan na nga niya na ka-chat niya si Ana.
Nagulat na lang si Prin nang humarap ito at mabilis na naglakad patungo sa direksyon niya. Akala niya ay susunggaban na siya nito at kung ano ang gagawin sa kanya.
"Sh*t! Your nose is bleeding!"
Kumuha ito ng tissue at pinunasan ang tumutulo na dugo sa katamtaman na tangos niyang ilong.
Hiyang-hiya si Prin at hindi makatingin kay Cally.
Sa pagtingin lang sa lalaki ay nag-no-nosebleed na siya. Paano pa kung may maganap na sa kanila ng asawa niya?
"Tingin ko hindi pa nakakapag-adjust ang katawan mo sa klima dito. Malamig ngayon sa Japan at malamig din sa UK."
Pinahiga siya ni Cally at pinunasan ang ibabaw ng labi niya.
Sa kakapunas ni Cally sa philtrum ni Prin ay hindi maiiwasan na mapatingin din siya sa labi nito.
Why does he feel like he kissed those lips before? Iniwas niya ang tingin at binigay ang box ng tissue kay Prin.
"Ikaw na ang magpunas. Maligo ka kasi para hindi ka naiinitan" sabi niya dito.
Dinampot niya ang mga gamit na kinuha niya sa closet saka tumuloy sa shower room na nasa loob ng kwarto.
Naiwan naman si Prin na naiinis dahil kulang na lang ay sabihin nito na hindi siya naliligo kaya siya nag-nosebleed.