Chapter 24 - Make-over 101

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Sa loob ng ilang araw, maayos naman ang pakikitungo ni Cally kay Prin at wala naman siyang problema sa lalaki bukod sa pagiging masungit nito.

Pumapasok ito sa opisina matapos siyang ihatid sa eskwelahan. Masasabi na maayos ang samahan nila sa bahay ng lalaki kahit madalas siyang pagalitan ni Cally. 

Kating-kati na ang mga kamay at paa ni Prin na magmaneho ng kotse pero ayaw nito na isa sa mga gusto niyang iprotesta sa lalaki. 

Madalas siyang sumali sa Race at nagpapanggap siyang lalaki bilang 'Aiden' noong nasa Japan pa siya kaya hindi niya maintindihan si Cally kung bakit ayaw nito na magmaneho siya ng sasakyan.

"How's your studies?" tanong ni Cally habang daan. May isang linggo na rin kasi si Prin na pumapasok sa school. 

"Okay naman, Filipino friends are cool and friendly. But I also have one classmate na parang inis sa 'kin at lagi akong tinataasan ng kilay tuwing makakasalubong ko siya sa hallway."

"Not everyone is good. But, how is your studies?" balik ni Cally sa tanong nito. 

Napalunok si Prin at hindi alam ang isasagot. This guy never missed the chance kapag may nais at gustong malaman. 

"Huwag mo nang sagutin... I can read the answer all over your face." sabi nito sa kanya.

Sumimangot si Prin. "yeah.. Because you are so intelligent." bubulong-bulong na sabi niya. 

Ilang saglit pa, huminto na ang sasakyan nito sa tapat ng gate ng school nya. 

"I have to go." sabi niya sa lalaki.

"Come to my office later after your class." sabi nito bago pa man siya makababa. 

Natuwa naman si Prin dahil unang beses siya na maimbitahan nito sa opisina.

"I will teach you in your lessons, kaya be ready."

Prin "...." 

'Sabi na nga ba'. Bakit nga ba siya umasa-asa na inimbitahan siya nito para dalawin ito kung kamusta ito sa opisina? Sigurado na ang dahilan ni Cally ay hindi simple. 

Sumimangot siya saka binitbit ang bagpack, lumabas ng sasakyan at tumuloy na sa pagpasok ng gate. 

Nakita niya si Bella hindi pa man nakakaalis ang sasakyan ni Cally. Nakakunot ang noo nito. Ito ang kauna-unahang kaibigan niya sa school. 

Babaeng-babae ang dating nito. Madalas na naka-dress ang kaklase niya, naka-heels at simpleng make-up kaya hindi makapaniwala si Prin na makakasundo niya si Bella. 

"Wow! Who is that?" tanong nito habang nakatingin at nakaturo sa sasakyan ni Cally. 

Nilingon niya pa ang sasakyan ng lalaki. 

"Oh! That is my boyfriend." nakangiti na sabi niya. Ayaw niya kasi na iba ang isipin ng bagong kaibigan sa kanya kung sasabihin niya na asawa niya ang may-ari ng sasakyan. 

Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "Boyfriend?"

Madalas kasi na naka-baggy clothes si Prin, naka-bagpack, snickers at naka-ponytail ang mahaba niyang buhok. 

"Are you sure it's a boyfriend?" hindi makapaniwalang tanong nito.

"Why?" 

"It's just that... I can't believe you have a boyfriend."

Tiningnan niya ito ng masama. "At bakit naman?" 

Tumuloy na sila papasok sa loob ng school habang nagk-kwentuhan

"Wala naman dear. No offense but… you are acting more of a teenager boy. So, I'm curious. Tuwing lalabas kayo para mag-date, anong suot mo? Don't tell me that you are wearing this jeans" sabi nito habang kinurot ang isang parte ng pantalon niya.

Napa-isip si Prin dahil hindi pa talaga sila nag-d-date ni Cally. Napakamot siya sa ulo.

"You need a make-over, girl! Mabuti na lang at ako ang naging kaibigan mo."

Biglang naisip ni Prin na pupunta siya sa opisina ni Cally sa araw na iyon 'pag natapos ang klase niya. Ayaw naman niya na mapahiya ang asawa niya kung sakali na mukha siyang sanggano na dadalawin ito sa opisina nito. 

"If that's the case, please help me after class." 

Kinindatan lang siya nito bilang pagsang-ayon.

=====

Tumuloy sila sa isang department store. Para mamili matapos ang klase. 

"How much is your budget?" tanong ng kaibigan niya. 

"Hmm… kahit magkano ay okay lang." Sabi niya kay Bella. May debit card siya at credit card na galing parehas sa magulang niya, iba pa ang ibinigay ni Cally. 

Napangiti naman si Bella. May mga pinagkukuha ito na kung anu-ano. Tatlong dress, sapatos at bag. Saka pinasukat sa kanya. 

Isang mint green na dress na abot hanggang tuhod ang pinasuot nito sa kanya. Sapatos na hindi kataasan dahil hindi pa siya sanay sa matataas na tinernuhan nito ng kakulay na bag. Tinirintas nito ang buhok niya at nilagyan pa iyon ng maliliit na bulaklak bilang disenyo. 

"Wow!" nabighani sa kanya kahit si Bella. 

"You know what my friend. Malapit na ko mainis kay Lord. Bakit mapa-tomboy-look ka o pa-girl, bagay sa iyo?" hindi makapaniwalang sabi nito. 

Medyo asiwa si Prin dahil iyon ang kauna-unahang beses na nagsuot siya ng bestida. "Maganda.. ba?" 

"Sobrang ganda my friend! Malapit ko na ngang isipin na hindi ako tunay na babae." 

Napangiti si Prin. Nagtitiwala siya sa kaibigan na si Bella kaya sa tingin niya ay magugustuhan din ni Cally ang suot niya. 

"I will confiscate your old things, okay?" dagdag pa nito. 

Medyo nag-aatubili si Prin pero tumango rin siya makalipas ang ilang minuto. 

"Am I really pretty?" ulit pa niya. 

"Yes. Bukas gusto ko suotin mo itong dress na nasa paper bag, okay?" 

Tumango na lang si Prin. Sa totoo lang, kahit naman siya ay natutuwa sa kinalabasan ng ayos niya at sana ay ganoon din si Cally.