Hindi mapalagay si Prin sa suot niya kaya hindi maganda ang paraan niya ng paglakad.
Napapangiwi si Bella tuwing naglalakad si Prin sa normal niyang paraan.
"Alam mo my friend, okay na sana ang lahat kaya lang yung lakad mo day, para kang may bitbit na isang sako ng bigas." reklamo nito.
"Binabawi ko na ang sinabi ko kanina na nagtatampo ako kay Lord. Not everyone is perfect and you are one of the living proof" dugtong pa nito habang napapa-iling.
Nakayuko si Prin at hindi makatingin sa kaibigan. Bakit ba kasi hindi niya sinunod ang Mommy niya dati na magbihis ng babae at kumilos bilang babae, ngayon tuloy ay nagsisisi siya.
Kinuha nito ang cellphone at may hinanap na mga video ng runway. "Try to learn this habang nasa byahe ka."
Pinakita ni Bella sa kanya ang mga video nito ng runway ng Victoria's Secret fashion show.
"Habang nasaan daan ka, aralin mong mabuti iyan. I'll share it in your phone".
Pinasa nito ang files sa Cellphone niya.
Nag-abang sila ng taxi habang pinanonood ang runway. Sa tingin ni Prin ay madali lang ang paglakad, iisipin na lang niya na naglalakad siya sa isang makitid na ibabaw ng pader.
Nasabi niya na kay Bella na dadalawin niya si Cally sa opisina.
"Saan ba nagtatrabaho ang boyfriend mo?" tanong nito.
"MGM Corp"
Nanlaki ang mata nito. "Wow! Talaga?! Is he an actor? Or in a support team?"
Nag-isip si Prin kung ano nga ba ang tawag sa posisyon ni Cally. "I don't know… but he manage the company."
"Oh! so, he is a Manager." nakangiti na sabi nito.
Nag-isip muli si Prin. "Not really. I think he is the President" simple at kaswal na sabi niya.
Nanlaki na naman ang mata ng kaibigan. "You mean your boyfriend is Cally Han?"
Nagtaka rin si Prin.
"You know my boyfriend?" takang tanong niya dito.
"He doesn't know me, but I know him." pinalo siya nito sa braso.
"I saw him on one of the magazines before. He is one of the youngest and richest bachelor in the world. How come he became your boyfriend?" usisa nito.
"Naku Prin, I should really teach you on how to be a prim and proper girlfriend. or else, baka maagaw siya sa iyo ng iba." nag-aalalang sabi nito.
Naisip ni Prin na imposible iyon dahil sa akto pa lang ni Cally na masyadong masungit, imposible na maakit ito ng kung sino. Isa pa, paano pa itong maaagaw sa kanya? E, samantalang asawa niya na ang pinag-uusapan nila.
Gayunpaman, hinayaan niya na lang din ang kaibigan niya sa iniisip nito.
May napadaan na taxi kaya sumakay na siya doon at nagpahatid sa opisina ni Cally.
Pinanonood niya pa rin ang video habang daan. 'Kendeng dito, kendeng doon . masyadong malandi.'
Tumingin na lang siya sa gilid ng daan at pinanood ang mga babaeng naka-miniskirt at pang-opisina. S apalagay niya ay mas okay silang gayahin sa unang stage ng pagsasanay niya.
Nang huminto ang taxi sa tapat ng MGM building, dumoble ang kaba niya. Sinilip niya ang relo sa cellphone at eksakto na alas singko ng hapon. Kaya marami na ang magsisipag-labasan para umiwi.
Sinabi niya na pakay niya si Cally sa receptionist at tinawagan nito ang Assistant ni Cally na si Xander.
Sinundo siya ni Assistant Xander doon sa lobby ilang minuto lang. Tapos ay dinala siya nito sa opisina ng asawa niya.
"Miss Prin, may inasikaso lang si Master Cally pero pwede niyo po siyang hintayin dito. May kailangan po ba kayo na inumin o kainin na meryenda?"
Dahil hindi sila kumain ni Bella, nanghingi siya ng meryenda na kahit ano kay Assistant Xander. Binigyan naman siya nito ng isang piraso ng cookies, croissant at saka wafer na nakalagay sa basket at saka pineapple juice.
Tinikman niya ang mga iyon.
"Wow! I think Xander is the best." puri niya sa lalaki.
Namula naman ang pisngi nito. "Hindi naman po Miss."
"I'm serious. They are so delicious!"
Natuwa naman ang Assistant ni Cally. "Kung ganoon, enjoy your meal po. Tawagan niyo lang ako sa labas kung may kailangan po kayo." sabi nito.
Nagbigay lang siya dito ng 'Okay-sign' dahil may laman ulit ang bibig niya.
Matapos kumain ni Prin ng meryenda, naengganyo siya na silipin ang labas dahil papalubog na ang araw.
Pumunta siya sa gilid at pinagmasdan ang tanawin sa labas. Nakagagaan sa pakiramdam niya ang tanawin ng mga maliliit na sasakyan at ang papalubog na araw.
Nasa ganoong akto siya nang buksan ni Cally ang pintuan ng kwarto nito. Dahil hindi niya narinig na bumukas iyon, nakatalikod lang siya sa lalaki at hindi siya nito agad nakilala.
"Who are you?" narinig niyang tanong nito, saka siya lumingon.
Nabigla pa ito nang makilala siya. She looked differently. Mula sa maluwag na jeans at blusa, isang mint green na bestida ang ipinalit niya kaya hindi niya masisisi si Cally kung hindi siya nito agad nakilala.
Lumapit siya sa binata.
"Hi!" nakangiti niyang sabi. Matagal bago ito nakakilos.
"Where did you get your dress?' ito ang unang nasabi ni Cally.
"Oh! Nag-shopping." simpleng sagot ni Prin.
Nakatitig lang ito sa kanya.
"Is there... something wrong? You don't like my look?" tanong niya.
Parang nahimasmasan naman ito
"Oh no!" namula ang pisngi nito.
"Gusto ko lang sabihin na kung nakapag-shopping ka, I'm expecting na ready ka na rin sa aralin natin."
Prin "...."