Ramdam ni Prin na nakatitig sa kanya si Cally habang may pinapasagutan ang lalaki sa kanya sa notebook (laptop) nito.
"I'm done!" sabi niya saka inabot ang notebook dito.
Kinuha nito iyon saka sinuri isa-isa.
"Come here" sabi sa kanya. Tumabi naman si Prin sa tabi nito.
Na-aamoy ni Cally ang pabango ni Prin pero pinili niyang iwaksi sa isip ang tila amoy ng cherry blossom na nagmumula sa katawan nito. Kaunti na lang at mamumula na ang pisngi niya.
Tinuro ni Cally isa-isa ang mga 'errors' ni Prin sa notebook.
"I think one day is not enough. You should come here after your every class." komento ni Cally.
Napakamot sa ulo si Prin. "Am I that bad?"
"Yes… Hindi na nga ako magtataka kung babagsak ka sa liit ng talino na meron ka."
Prin "..."
Tiningnan niya ito ng masama. Hindi man lang inisip kung masasaktan siya, basta sinabi nito kaagad na mahina ang ulo niya.
"Hmp! Hindi ko kasalanan iyon. Kasalanan iyon ng Professors namin kung mahirap ang mga tinuturo niya saka kung mahirap itong mga questions mo." katwiran ni Prin.
"*sigh* There is no problem with my questions. You will soon learn don't worry, dahil tuturuan kita hanggang sa matuto ka. Though I will put a lot of effort." nang-iinis na sabi nito.
Gusto sanang matuwa ni Prin dahil tuturuan siya nito, araw-araw niya pa itong makakausap at makakasama. In a way, bonding time niya na rin iyon with Cally.
Matindi nga lang ang lalaki kung laiitin siya.
"Hmp! Bakit ba naman kasi kailangan ko pa mag-aral ng kung anu-ano? There is nothing in my lessons that could help me with my position in Dark Guards."
"You are my wife. Is that a simple reason?" tanong nito sa kanya.
Napaisip si Prin. Muntik niya nang makalimutan ang bagay na iyon. Dahil tinanggap niya na maging asawa ang lalaki, she must do something about it.
"Let's go home." inayos na nito ang mga gamit para sa pag-uwi nila. "Come back tomorrow"
"What do you want to eat?" tanong nito habang naglalakad sila patungong elevator.
"Sige, dahil tinuruan mo ko. Ako ang mag-t-treat sa iyo." nakangiti niyang sabi.
"Oh! If that's the case, I want you to cook for me."
Napalunok si Prin. Napansin naman ni Cally na parang na pressure siya. "Why?"
"H-hindi kasi ako marunong magluto." Sabi ni Prin. sa Japan ay meron silang maids na sumusuporta sa buong mansion.
"Yeah. with your intelligence, I really can tell."
Masama ang tingin na ibinigay niya dito. "How dare you kahit naman hindi ako marunong magluto, magaling ako sa ibang bagay."
Tiningnan siya nito. "Tulad ng?"
"M-magaling ako sa pakikipaglaban... Is it counted?" Nakangusong sabi niya.
"It doesn't. Anong kinalaman ng pakikipaglaban sa buhay may-asawa mo. If ever na magka-anak tayong dalawa. Is it helpful?"
Namula naman ang pisngi ni Prin nang mabanggit nito na magkakaanak sila.
"Yeah, bakit ko nga ba nakalimutan? tuturuan mo sila kung paano maging pasaway saka basagulero." dagdag pa nito.
Pinalo niya sa braso si Cally.
Nangingiti naman ng lihim si Cally. He never expect na napaka-gaan ng usapan nila ni Prin. It was as if there is no barrier between them.
"On weekend cook for me okay. Try to learn things because you need it someday."
"Okay.." ang tangi niyang nasabi.
Nang makasakay sa sasakyan para makauwi, Naisip ni Prin na ihirit kay Cally na magkaroon ng sariling kotse.
"I really wanted to drive my own car. Hope you can buy one for me." sabi niya dito.
Nilingon siya ni Cally. "Ayaw mo na ba na magpahatid sa akin?"
"Hindi naman. Nami-miss ko lang sobra ang magmaneho." sabi niya.
"Pero wala kang parking lot sa school." sagot nito.
Hinawakan niya sa braso si Cally.
"Husbie… sige na please… Your baby panda wanted to have her own car…" ungot niya muli.
Napalunok naman si Cally because she acted cute at that moment and she called him 'Husbie'. May kung ano pa siyang nararamdaman habang hawak nito ang braso niya.
Nilayo ni Cally ang tingin kay Prin. "I should focus on driving. Huwag kang makulit."
"Hmp! Sungit na naman." sabi ni Prin sa tumingin sa labas ng bintana na nakanguso.
Nagpapakiramdaman lang sila sa loob ng sasakyan habang pauwi.
"I'll buy you a car. Don't worry." nasabi rin sa wakas ni Cally.
Sumigla naman ang mood ni Prin sa nadinig.
"Pero… kailangan mong iwan ang sasakyan sa bahay."
Walang nagawa si Prin kung hindi ang sumimangot. Inisip na lang niya na concern lang ang asawa niya kaya ito ganon. May advantage din naman ang payo nito dahil madalas niyang makakasabay si Cally tuwing umaga at makakasabay din pauwi.