Chapter 27 - Best husband

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Naalimpungatan si Prin ng madaling araw na sinasakop na ang higaan ni Cally. Hindi lang basta sinasakop, kung hindi sakop na sakop. 

Madalas ay may nilalagay silang malaking bolster sa gitnang parte ng kama para hati sila sa higaan. Iyon nga lang, parang wala rin iyong silbi dahil lagi siyang nakadantay kay Cally tuwing magigising siya. 

"Sa wakas nagising ka din. Kung nakukulangan ka sa higaan just let me know. Kulang na lang ay sipain mo na ako palabas ng kama e." reklamo ni Cally. 

"I'm sorry…" 

Napansin niya na halos naka-gilid na si Cally sa pinaka dulong bahagi. Kaunti na lang lalabas na talaga ito ng kama.

"kasalanan to ng bolsters masyado kasing malikot…" nahihiya na sabi niya dito.

Napapailing na lang si Cally sa katwiran niya. 

Umayos si Prin ng higa at nakatulog muli. Si Cally sa kabilang gilid ay hindi mapalagay sa higaan. Hindi kasi siya sanay na may unan na malaki na katabi at ilang araw na siyang nagtitiis.

Tinanggal niya na lang iyon at hinagis sa kung saan dahil naiirita talaga siya. Gumaan naman ang pakiramdam niya at nakatulog. 

Parang nananaginip naman si Prin habang natutulog. Yakap-yakap daw siya ni Cally at parang ayaw bitawan. She was happy even if it was just a dream. 

Ang mga haplos nito sa balat niya ay para bang dinadala hanggang sa kaloob-looban ng pagkatao niya at nagbibigay ng kiliti sa kaibuturan ng kanyang puso. 

Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at unang bumungad sa kanya ang mukha ni Cally. Dumadampi pa sa pisngi niya ang malakas na paghinga nito habang natutulog.

'Nasa dreamland pa ba ako?'

Tiningnan niya ang sarili at yakap-yakap siya nito sa pagtulog. Kinurot niya ang sarili at nanlaki ang mata niya dahil totoong nangyayari ang nagaganap.

Parang gusto niyang maglulundag pero mawawala sa mood ang napakasayang eksena na iyon kapag ginawa niya iyon. 

Tinitigan niya na lang ang mukha nito saka niya dinampian ng halik sa labi ng ilang segundo. Kumilos ng bahagya si Cally. 

Nanlaki ang mata niya at saka pumikit muli at nagpanggap na natutulog.

Si Cally sa kabilang parte ay nagising sa nakaw na halik na iyon. He knew it was real. Dahil kaunting kilos lang sa paligid ay magigising na siya. 

It was one of his trainings.

Tiningnan niya si Prin na ilang sentimetro lang ang layo sa mukha niya na nakapikit. 

Dahil sa kaunting ilaw na nagmumula sa labas ng bintana, kita niya ang mukha nito at nais niyang matawa dahil gumagalaw ang eyeballs nito na halatang gising ito at nagpapanggap na natutulog. 

He curled his lips for the first time at mas hinigpitan pa ang yakap kay Prin na amoy cherry blossoms.

=====

"Hey!" tapik ni Cally sa pisngi ni Prin kinabukasan.

"uhmmmm…" ungol ni Prin. 

"Get up. You will be late." sabi ni Cally habang nakatingin sa relo. 

Iniwasan niya ang tapik nito at rumolyo sa kabilang parte ng kama. Sinundan siya ni Cally sa kabilang side.

"Bangon na! Ang mabuting estudyante kailangan bumabangon ng maaga."

"I'm not a good student, so I'm not one of them." katwiran niya. 

Nakapamewang lang si Cally sa gilid ng kama. Parang anim na taong gulang kasi ang asawa niya na ang hirap gisingin kapag papasok sa school.

"Oh yeah! I think my mom will start in your school to teach"  

Nagising si Prin sa sinabi ni Cally at agad na bumangon at umupo. "What??? Mommy Ginny will teach in my school?"

"Yes. Kaya nga... please give me some face. Ayoko na masabihan na hindi kita tinuturuan at kinukunsinti na ma-late sa klase."

Namroblema bigla si Prin. Agad siyang bumangon at naghanap ng maayos na damit sa closet. 

Alisin na niya sa eksena si Cally, siya mismo ay mahihiya kung sakaling hindi maganda ang tingin sa kanya ng biyenan niya. 

"Is it today?" tanong niya habang iniisa-isa ang mga damit. Halata ang pagkataranta niya. 

"Not sure" sagot ni Cally habang naaaliw ng lihim kay Prin. 

"augghh! I don't have a dress anymore." sabi ni Prin. Tatlo lang ang binili nila ni Bella nung nakaraan at lahat iyon at nagamit niya na.

"Bili tayo mamaya. Sasamahan kita." sabi nito.

"Is it okay? Hindi ka ba busy sa  trabaho?"

"I can finish them early if I want to. You don't have to worry." 

"what should I wear now?" namomroblema na tanong ni Prin.

"Maligo ka na. I'll ask someone to bring something over." mungkahi naman nito. 

Natuwa naman si Prin at nawala rin ang pagkataranta niya. 

"Husbie is the best!" kinindatan niya pa si Cally at nagbigay ng flying kiss saka tumuloy sa shower room.

Naiwan si Cally na namumula ang pisngi dahil sa inakto ni Prin.