Chapter 28 - He teased her instead

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Kung mayroon mang mabilis kay Cally iyon siguro ang pagpitik ng daliri nito at agad na nandyan na ang kailangan o ang kahilingan nito. 

Katulad na lang ng damit niya. Mga kinse hanggang bente minutos lang yata siya naligo at ayan na nga ang request nitong damit na para bang pinadaan sa expressway. 

Isang ternong blusa at palda ang laman ng paperbag na inabot nito sa kanya. 

"Cool… this is pretty" sabi ni Prin. 

Hindi naman nagsasalita si Cally. Nang tingnan niya ang lalaki ay nahuli niya itong nakatingin sa dibdib niya. 

Naka-roba lang kasi si Prin pero naka-suot naman siya ng underwear. 

"Hey!" Tinakpan niya agad ang dibdib niya. 

"Y-You… manyak you" hindi na niya maisip ang sasabihin dito. 

Kumunot naman ang noo ni Cally. "Bakit naman ako naging manyak?" 

"Ba-Bakit ka nakatingin sa dibdib ko?" kinakabahan niyang tanong. 

"I was looking at the cotton like how it ended up as a robe?" hinawakan pa ni Cally ang manggas ng roba niya. 

Sa tingin ni Cally ay iyon na yata ang pinaka-tanga na naging dahilan niya sa buong buhay niya. Pero ang nakakaaliw, hindi man lang nakahalata si Prin. 

"Oh! Syempre tinahi." sagot naman nito. Malapit na niyang isipin kung hanggang saan ang common sense ng babae. 

"Okay!" Sabi ni Cally at tumakas na papunta sa shower room. 

Hindi pa siya nasabihan ng manyak o bastos ng kahit na sino at tanging si Prin pa lang ang kauna-unahan na nagsabi sa kanya noon kaya nakaramdam siya ng hiya. 

Dahil pumasok na sa loob si Cally ng shower room, hinubad na ni Prin ang roba at aktong isusuot na ang damit. 

Nasa ganoong ayos siya nang lumabas kaagad si Cally sa shower room dahil nakalimutan niyang kumuha ng towel sa closet. 

Narinig ni Prin ang pagbukas ng pintuan kaya humarap siya paikot dito. Nakaangat pa ang dalawang kamay niya para suotin ang blusa. 

Nanlaki lang ang mata niya at hindi nakapagsalita at hindi rin siya nakakilos.

Napalunok lang si Cally saka dumeretso patungo sa direksyon ni Prin. 

"H-Hey! H-hindi ko pa nasusuot ang damit ko." kinakabahan na sabi niya.

"Suotin mo. Do you want my help?" relax na tanong ni Cally. 

"M-male-late tayo. We can do it later." katwiran ni Prin. Nasa isip niya kasi na baka may gagawin sa kanya si Cally. 

Nabigla na lang siya nang lumagpas ito sa pwesto niya at tumuloy sa closet. Nang makuha ang towel, humarap muli sa kanya si Cally. 

"Why? Hindi mo ba masuot ang tank top mo?" 

Nahimasmasan naman si Prin. Sinuot niya ang lahat ng parte ng katawan niya sa mga butas ng blusa sa loob ng isang segundo. 

'Sheet Nakakahiya!' Parang gusto niyang maglaho sa harapan ni Cally. 

"B-bakit ka kasi lumabas agad? You saw me almost n.a.k.e.d." bigla niyang naalala ang palda na nasa ibabaw ng kama at agad na sinuot iyon. 

"There is nothing to hide anyway. Bakit parang natatakot ka pa diyan? Akala mo naman ay pinagsamantalahan na kita." 

Sumimangot si Prin. Para na rin nitong sinabi na patpat siya kaya kahit iladlad niya ang katawan ay okay lang. 

"Saka, nakalimutan mo ba na asawa kita. I can do anything to you. Pero may ginawa na ba ako sa iyo sa loob ng ilang araw?" 

"I-It doesn't matter! Nagbibihis pa rin ako. Even married couples have their own privacy." sabi ni Prin. 

Kulang na lang ay sabihin ni Cally na hindi siya kaakit-akit. 

Sa isang parte ay nakatingin lang si Cally sa kanya. He felt something, pero hindi niya maamin kay Prin. 

Nanuot ang init sa buong katawan niya nang makita niya si Prin na naka-underwear sa unang pagkakataon pero mas pinili niyang tudyuin ito. 

Naghubad si Cally ng pang-itaas. Napalunok naman si Prin. "Wh-what are you doing?" 

"So, we are even. Nakita kita na naka-underwear. Hindi ba okay na makita mo rin ako na naka-underwear lang din? Para patas na at walang sisihan." hinagis na ni Cally ang T-shirt na suot nito. 

Lumitaw ang katawan nito sa paningin niya at natatakot si Prin na baka mag-nosebleed na naman siya muli. 

"Y-you…" Hindi na nakahanap pa ng sasabihin si Prin. 

"Who wants to see you on underwear?" alma niya kay Cally. 

"You." 

"You are so Pervert! Palibhasa you are still a v.i.r.g.i.n and you don't know how to release your load!" 

Nagdilim ang paningin ni Cally dahil sa sinabi ni Prin. 

"Oh! Is that so? So, do you want to release my load?" Nakangising tanong nito. 

Nanlaki na lang ang mata ni Prin. Yumuko siya para makalusot dito, kinuha ang bag at saka lumabas ng kwarto para tumakas. 

Bakit nga ba niya naisip na makipagtalo kay Cally? alam naman niya na hindi siya mananalo sa lalaki.