Nang yakapin ni Prin si Cally dahil sa sobrang pagkatuwa nito sa susi ng sasakyan, may kung ano siyang naramdaman sa ginawa nito.
Napatitig na lang siya sa labi ni Prin nang mahimasmasan ito. Kaya hindi siya nag-aksaya ng oras na gawaran ito ng halik.
But, he wanted more. Hindi siya kuntento sa simpleng halik na iyon. Tinitigan niya ng mabuti ang mukha ni Prin at tila ba tumigil ang mundo nang salubungin nito ang mata niya.
Idagdag pa na nanunuot sa ilong niya ang amoy ni Prin dahil sa ilang sentimentro lang na layo nito sa kanya.
Hindi na siya nag-aksaya ng oras at panahon. Nilapit niya ang katawan sa babae, hinaplos ang pisngi nito at ginawaran ng halik.
Walang sino man ang babae na lumapit sa kanya sa mga nakalipas. At kahit naiinis siya kay Prin dahil sa mga pagsagot-sagot nito sa kanya, alam ni Cally na may kakaiba siyang nararamdaman tuwing nasa paligid ang asawa.
Parang may nagpuputukang fireworks at stars sa paligid habang binibigyan ni Cally si Prin ng halik. He wanted more, so he entered his tongue inside her mouth.
Napakislot si Prin sa ginawa ni Cally.
Kakaiba ang halik na binibigay na iyon sa kanya. Mas mainit, mas nakakatakam at mas nakakabaliw. Nag-iiwan ang halik nito ng mensahe at kinukuha ang buong lakas niya sa parehas na oras.
Hanggang sa parang mauubusan na siya ng hininga. Isinandal lang nito ang noo sa noo niya ng ilang saglit at ginawaran pa muli si Prin ng isa pang maingat ng halik. Parang huling tikim sa ibabang labi ni Prin.
Agad lang silang naghiwalay nang tumunog ang telepono ni Cally.
Hinihingal pa si Cally na sinagot ang tawag. "Yes?"
Napansin naman ng tumatawag sa kabilang linya na parang hindi maganda ang timing niya. Pero importante ang rason ng tawag niya.
"Master Cally, na-kidnap po si Master Crayon at Miss Crayola. Dinukot sila mula sa school. Your Dad and Mom want to see you." si Drake na assistant ng Daddy niya.
Kalmado lang si Cally. "Pupunta kami diyan."
Si Prin sa gilid ay pulang pula pa rin ang buong mukha sa kahihiyan. Hindi pa siya nakaka-move on sa halik na pinagsaluhan nila ni Cally.
"The twins got kidnapped. They need our help." pagbibigay alam ni Cally.
Kapatid nito ang tinutukoy kaya parang nakabalik sa reyalidad si Prin.
"What? Let's go kung ganoon." nag-a-alalang sabi niya.
Magkahawak-kamay sila na nagpunta sa elevator hanggang sa makapunta sa tapat ng sasakyan ni Cally.
Hindi nila iyon intensyon. Pero parang human instinct na basta na lang ginawa.
Hindi maganda ang oras na iyon para mag-daydream si Prin, lalo at dinukot ang kapatid ni Cally.
Si Cally naman ay nakaramdam ng tensyon. Normal na reaksyon na ma-tense siya because his brother and sister were just ten years old. At alam niya na takot ang mga ito sa oras na iyon.
Parehas na mahina ang dalawa dahil tanging school at bahay lang ang alam ng mga ito. Iniwasan ng Mommy niya na mamuhay ang dalawa sa paraan kung paano siya namuhay.
Sisiguruhin niya na kung sino man ang makapal ang mukha na dumukot sa dalawa ay mananagot sa kanya.
Tumuloy sila sa bahay ng magulang niya. Naroon ang halos lahat bilang suporta. Naroon si Anthony na pinsan niya at ang iba pa na kamag-anak. Hindi sila nag-usap o nakipagkamustahan.
Lumapit siya sa Mommy niya na hindi mapalagay at umiiyak. Kayakap nito ang Daddy niya.
"What happened?" tanong ni Cally sa magulang.
Naiwan si Prin sa isang gilid at hinayaan si Cally na lumapit at magtanong sa mga ito.
"Hindi namin alam na nadukot ang dalawa kung hindi lang tumawag ang driver nila para sunduin sila sa hapon. At sinabi na nagsipaglabasan na ang lahat ng estudyante pero hindi pa lumalabas ng school si Crayon at Crayola."
"Tinawagan ko ang security ng school at sinabi na isang guard nila ang nagpatuloy sa dalawang kidnappers na makapasok sa loob. Lunch time nang dukutin ng mga ito ang dalawa kaya hindi napansin ng teachers."
"Did they call para manghingi ng kung ano?" tanong ni Cally sa Daddy niya.
"Yes. That's why I asked Drake to call you."
"They are asking 100 million. They will call again kung saan ang meeting place." matalim ang tingin at nakakuyom ang palad ng Daddy niya na halata na gusto nitong manuntok.
Tumingin ito sa kanya.
"They will call again soon para magbigay ng detalye. Your Mom needs me that's why I need you to go there and do 'something' about it." makahulugan na sabi nito.
Sa loob-loob ni Cally, hindi pa man sinasabi ng Daddy niya ang bagay na iyon ay may plano talaga siya na turuan ang kung sino man na nagkalakas ng loob na gumawa ng masama sa pamilya niya.
Nag-ring muli ang telepono at si Cally na ang sumagot. Mga iyak ng dalawang kapatid niya ang naririnig sa kabilang linya.
"Mr Han, siguro naman ay handa na ang pera na hinihingi namin." pinakikiramdaman ni Cally ang boses. Sa palagay niya ay nasa edad kwarenta pataas ang edad nito.