Chapter 31 - The twins got kidnapped (2)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Ginuguhit na ni Cally sa isip ang pagmumukha ng lalaking nasa kabila ng linya. This guy surely have the guts na galawin ang dalawang kapatid niya. 

"Alam ko na walang tumatawag sa kapulisan kaya gusto ko na matuwa sa pamilya mo. Ang anak mong babae ang gusto ko na maghatid ng pera sa address na ito." binigay nito ang lugar. 

"Mamayang hating-gabi sa lugar na iyan. Dalhin mo ang pera. kung hindi, alam mo na ang mangyayari." pananakot nito. Kalmado lang si Cally. 

"Gusto kong masiguro na ligtas sila. Please let me talk to a boy." sabi niya na tinutukoy ay si Crayon. 

Humihikbi ito sa kabilang linya. "Daddy, sinabunutan at sinampal nila si Crayola. Huhuhu" 

Nagtangis ang bagang lalo ni Cally sa nadinig. 

"This is your kuya. Huwag kang mag-alala dahil kukunin ko kayong dalawa. Sabihin mo sa akin mamaya kung ano ang mga ginawa nila sa inyo. Please stop crying and be a man Crayon. You will soon get your revenge" sabi niya sa bunsong kapatid. 

Lumapit sa kanya ang Mommy niya "I want to talk to him, Cally…" 

Pero naibaba na ang telepono sa kabilang linya. 

"You stay here, Mom." sabi niya. 

"What is happening Cloud Han?! Nung huli si Cally ang dinukot, ngayon naman ang kambal?" natataranta na tanong nito. 

"Gin, don't worry. Nung nakaraan si Prin at Lorenz lang ang humarap sa mga iyon. This one is nothing. They are just a bunch of idiots." Tumingin sa mga mata niya ang Daddy niya. 

"Please make sure to bring those 'innocent men' in your home." sabi nito sa kanya. 

Kumunot ang noo niya sa nadinig. 

'Why in my home?' gustong magprotesta ni Cally sa Daddy niya. 

Bahay nila iyon ni Prin.

"We will bring them in my Dad's home." suhestyon naman ni Prin. Matalim din ang tingin niya. Nangangati na muli ang kamay niya na manuntok. 

Nakahinga ng maluwag si Cally. Mas mahalaga na doon nga sa bahay ni Rob dalhin ang mga kidnappers na iyon. "Please investigate the guard. I am positive that he is one of them." 

"Got it!" sagot ng pinsan niyang si Anthony na hawak ang computer tablet nito. 

"Prin will bring the money using her car." si Cally. 

"What?!" nagtaka si Prin. 

"Why? You don't like it?"

"No, it's just that… we are using my brand new car?" bulong niya dito. 

Hindi pa lumilipas ang kalahating araw sa mga kamay niya ang susi at iaalay na nito ang sasakyan niya. Sino ang matutuwa? 

Malalim ang tingin ni Cally sa kanya. "Oh! Ngayon natin susubukin ang talento mo sa pagmamaneho." nakangisi na sabi nito. 

"And, don't worry… kung sakali na masira mo yung sasakyan, we'll buy another one. We have 100 million, remember?" 

Lumipat ang tingin ni Prin sa ibang taong naroon na nakatingin din sa kanila. Kailan pa naging mandurugas itong si Cally? Ang 100 million ay manggagaling sa bulsa ng magulang nito, pero may plano ang asawa niya na kunin iyon at ibili ng sasakyan? 

"The money is nothing, Prin." malungkot na sabi ng Mommy ni Cally. 

"We will save them, Mom." sabi ni Cally dito. Isang parte ng isip niya ang naiinis sa mga kidnappers dahil sinira ng mga ito ang mood nila ng asawa niya sa opisina. 

"Master, nandito na po ang sasakyan ni Miss Prin" sabi ng bagong dating na si Xander. 

"Dalhin mo si 'Bantay' sa bahay ng Matsui." utos niya kay Xander. 

"Let's go!" 

=====

Sa lumang warehouse na matatagpuan sa isang Parte ng kamaynilaan...

"Boss, sigurado ka ba na hindi tumawag ng pulis ang mag-asawa." sabi ng kalbo at malaki ang tiyan sa Leader nila. 

"Sabi ng kumpare ko, hindi pa nai-rereport sa opisina nila ang pagkawala ng dalawang ito. Ibig sabihin ay masunurin ang mag-asawang iyon" tumingin ang Boss ng gang sa dalawang batang nasa gilid. 

Matalim ang mga mata na ibinigay niya sa magkapatid. 

"Crayon, I'm scared…" nagluluha ang mata na sabi ni Crayola habang nakakapit sa braso nito. 

Naalala ni Crayon ang sinabi sa kanya ng kuya niya. Kailangan niya na maging matapang sa oras na iyon. 

Dahil naroon ang kuya nila para iligtas silang dalawa, all he could do is wait for his turn na ibalik sa lalaking nakapolo ang ginawa nito sa kambal niya. 

Kinagat ni Crayola ang kamay ng Boss na iyon dahilan para sampalin nito ang kambal niya at sinabunutan pa ng lalaking iisa ang ngipin sa harapan si Crayola dahil ayaw nitong sumama papunta doon sa warehouse. 

Nang una ay naiiyak pa siya, pero kailangan niya na maging matapang, katulad ng sabi ng kuya nila. 

Masama din ang tingin na ibinigay niya sa lalaki. 

"Wow, bakit?" sabi nito kay Crayon. 

"Natatangahan kaso ako sa iyo… iyon lang ang sasabihin ko" 

Ngumisi ang lalaki. "Kung tanga ako, bakit ikaw ang nasa mga kamay ko ngayon? Pagbibigyan kita sa sinabi mo dahil may isang daang milyon ako na makukuha. Pagkatapos, papatayin ko kayong dalawa pati na ang ate mo pagkatapos ko siyang reypin" 

"I don't think that will happen." sagot ni Crayon. Umismid lang ang boss bilang sagot. 

Sa mga oras na iyon, anim na lalaki ang naroon bukod pa sa Boss ng mga ito. 

Maya-maya, nakarinig na sila ng tunog ng isang sports car. "Wow! Ang ganda ng sasakyan! Akin na ang sasakyan na iyon Boss ha." sabi ng isa. 

"Gag*! Syempre kay Boss mapupunta iyon!" kontra ng isa. 

Isang babae na naka black pants ang iniluwa ng sasakyan.