Chapter 36 - My Prince

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
"Miss…" tawag ni Sean kay Prin pero hindi niya ito pinansin. Tuluy-tuloy lang siya para makapasok sa loob ng klase niya.

"Hey! Hey!" hinarang nito ang sarili sa pintuan nang akmang papasok na siya.

Tinaasan niya ito ng kilay.  Ngumisi naman sa kanya si Sean. "You are new. Ngayon lang kita nakita."

"Iyan ba ang dahilan kung bakit gusto mo akong bully-hin?" sagot ni Prin.

"Hello Sean" sabi ng mga kaklase niya sa loob.

Pansin niya na natutuwa ang mga kaklase niya at halatang gusto ng mga ito ang lalaki. Lumipat ang atensyon nito sa mga kaklase niyang babae.

"Hello, Girls…" kumaway pa ang binata sa mga kaklase niya na akala mo ay artista. Nakakita ng tyansa si Prin kaya nalusutan niya ito nang hindi nito naramdaman at nakapasok sa loob ng kwarto. 

Tumuloy lang at umupo siya sa pwesto niya na parang walang nangyari. 

Nabigla naman si Sean sa inakto niya. Para kasing magic na nawala siya sa harapan nito kahit nakaharang ang binata sa pintuan.

"Hey! I'm talking to you." sabi nito at sinundan siya hanggang sa mesa niya. 

Hindi ito pinansin ni Prin at nilabas ang cellphone para i-text si Cally at sabihin sa asawa niya na maayos siyang nakarating sa klase. 

'My Prince' ang pangalan ni Cally sa contact list niya at napangiti siya na makita na may mensahe siya mula sa lalaki. 

[Arrived at the office] iyon ang mensahe nito. 

Hindi nakalusot kay Sean ang mga inakto ni Prin, katulad ng pang-iisnab niya dito. Dahil nakaupo si Prin at matangkad ang lalaki. Nakita nito ang pangalan ng nagpadala ng bagong mensahe na nagpangiti sa kanya.

My Prince.

Napangisi na lang si Sean. Hindi siya naniniwala na isang prinsipe ang kung sino man na nag-text na iyon. Sa tingin niya ay endearment lang iyon ng babaeng nasa harapan sa nobyo nito. Pero mas na-intriga siya kay Prin. 

Popular siya sa eskwelahan na iyon at wala pa ni isang babae ang kumuha sa interes niya bukod kay Luna. 

Pansin ni Prin na nasa gilid niya si Sean at mukhang walang plano na umalis. "May klase kami dito, ano ba ang kailangan mo?"

"Gusto kong malaman, kung paano mo ginawa yung pagtira mo sa bola kanina?"

Tiningnan ni Prin mula paa hanggang ulo si Sean. 

"Hindi ko kailangan na magpaliwanag. Hindi ka naman siguro tanga para hindi alam kung ano ang ginawa ko kanina. Football player ka 'di ba? Alam mo dapat iyon. Ako nga ang dapat na magtanong sa iyo e."

Naging seryoso ang lalaki. Bukod din kay Luna, wala pang ibang babae ang sumopla sa kanya. 

"Hindi naman ako Bully. Nagkataon lang na patungo sa iyo ang bola ko" Pagdadahilan nito. 

Hindi na ito pinansin ni Prin. Sakto naman ang dating ng Professor nila at napuna nito si Sean.

"Mr. Sean!!! Anong ginagawa mo dito sa klase ko? Labas!" galit na sabi nito. 

Binigyan pa siya nito ng huling sulyap bago lumabas na nakangisi sa kwarto. 

=====

Gigil na gigil naman si Luna at pinagagalitan si Sean. 

"Bakit hindi mo ginalingan sa pagtira ng bola kanina?"

Nakaramdam ng inis si Sean sa unang pagkakataon kay Luna. Sa hindi niya malaman na dahilan, bigla siyang napangitan kay Luna. 

"You know what, gusto kong sabihin na hindi mo ako utusan." sabi niya dito. 

"Akala ko ba magaling ka sa football, hmp! Isang babae lang pala ang kayang magpatumba sa iyo!" 

Dumilim ang paningin ni Sean. Sa oras din na iyon, pakiramdam ni Sean ay napaka-pangit ng ugali ng babaeng ito sa harap niya. 

"Alam mo Luna, Ngayon ko lang napagtanto na hindi ka talaga maganda." pang-iinis ni Sean.

"Bawiin mo ang sinabi mo!"

"Why? Now I know kung bakit inis ka kay Prin. Because she is definitely a beauty, there is so much insecurity in your body. I just can't believe na nagpabola ako sa isang tulad mo."

Lalong lumala ang pagka-gigil ni Luna sa binata. 

"She is not pretty! Alam mo ba? I assumed she is a Mistress. I always saw a luxury car na naghahatid sa kanya sa school tuwing umaga but that guy never showed himself in public. Siguro isang mataba, matanda at uugud-ugod ang boyfriend niya kaya ganoon." sabi nito. 

Naalala ni Sean ang pangalan ng boyfriend ni Prin sa cellphone nito. 'My Prince'

"I saw the car. You could be the President of MGM bago mo makuha ang ganoong klase ng kotse. Kahit ang kotse mo ay walang wala sa magarang kotse ng naghahatid sa kanya. So tell me? Sino sa amin ang mas maganda?" 

"She is just merely a mistress! Samantalang, anak ako ng Mayor!" galit na sabi nito. 

Napangisi si Sean. "Then, act like a mayor's princess dahil malapit ko nang isipin na isa kang huwad na prinsesa." ang sabi saka nito iniwasan si Luna at iniwan na ang babae. 

"Let's see Prin, kung makaligtas ka sa susunod." sabi nito.