Chapter 37 - He is choosing a dress for her

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Naging maayos naman ang maghapon ni Prin kahit pa muntik nang hindi maging maganda ang umaga niya dahil kay Sean. 

Hindi nakapasok si Bella kaya wala siyang makausap dahil mas pinili ng kaibigan niya na mag-out-of-town kasama ng nobyo nito. 

Naghihintay si Prin ng sundo, nasabihan na siya ni Cally na susunduin siya doon ni Xander sa school. 

Napansin siya ni Sean na papalabas ng school gamit ang sasakyan nito. 

lumabas ito ng sasakyan at nilapitan siya. "Hello!" bati nito. 

Hindi niya ito pinansin. Para itong hangin sa gilid na hindi niya nakikita. 

Wala siyang plano na makipagkaibigan sa lalaki. Uubusin niya na lang ang oras sa pag-aaral na ayaw niya kaysa sa lalaking ito na alam niyang mataas ang tingin sa sarili. 

Para mahalata nito na hindi siya interesado sa lalaki, kinuha niya ang cellphone para mag-browse muna sa internet habang naghihintay. 

"Pauwi ka na ba? Ihahatid na kita" nakangiti pa na sabi nito. 

Sa gilid ng mata niya ay napansin niya ang tinuro nito na sasakyan na Nissan na sports car. Gayunpaman, wala siyang plano na sumakay doon. 

Sa parte ni Sean, naniniwala siya na kapag nakita ni Prin ang sasakyan niya, hindi na ito mag-aatubiling sumama katulad na lang ng iba pang mga babae sa school kaya nga malaki ang mga inggit ng mga ito kay Luna. 

Nasa ganoong ayos sila nang dumating ang Maybach ni Cally na minamaneho ni Xander. 

Lumapit sa kanya si Xander at masama ang tingin nito kay Sean. Malayo pa kasi ay napansin na ni Xander na kinukulit nito ang Boss niya. 

"Miss Prin" magalang na bati nito. 

"Hi Xander!" masiglang bati ni Prin. Hindi niya pinansin si Sean. 

Binuksan ng assistant ang pintuan sa likod at pinapasok siya. 

Naiwan si Sean na nakakunot ang noo habang nakatingin sa assistant hanggang sa makalayo ang sasakyan nito. Hindi biro ang halaga ng sasakyan na iyon. 

Naalala niya ang sinabi ni Luna. 

'She is definitely a mistress' sabi nito sa kanya nang umagang iyon. At katulad nga din ng sabi nito, kailangan na may sinasabi ka sa buhay bago magkaroon ng ganoong uri ng sasakyan. 

Hindi naman siguro anak ng politician si Prin o isang business tycoon. Pumasok sa isip ni Sean na baka mistress nga si Prin ng may-ari ng sasakyan na iyon. 

Kailangan niyang alamin ang pagkatao ni Prin bago siya masiraan ng ulo. 

Kita naman ni Bella ang lahat na nasa kabilang kanto. She is gritting her teeth. Una pa lang, alam niyang hindi maganda ang dating ng Prin na iyon sa eskwelahan nila. 

=====

Dinala si Prin ni Xander sa isang sikat na designer ng gown. "Hindi tayo pupunta sa opisina?" tanong niya dito.

"Hindi po, Miss Prin." naghihintay na po dyan si Master Cally. 

"Oh! Okay." Tumuloy siya sa loob at natagpuan si Cally na naka-de-kwatro ng maayos habang humihigop ng kape. Isang business Magazine ang binabasa nito sa harapan.

Hindi pa siya nito napansin dahil seryoso ang pagbabasa nito sa Magazine. Nagliliwanag pa ang balat nito at ang buhok nito na kulay brown mula sa liwanag sa labas ng french window. 

Nababagay lang sa lalaki ang tawag niya dito na Prinsipe kaya bagay sila. Siya si Prin at ito ang kanyang Prinsipe. 'Haaay!'

"Welcome po!" bati ng Staff kaya napalingon sa kanya si Cally. 

"Hello" balik na bati niya sa staff. Lumapit naman sa kanya si Cally. 

"Nag-promise ako sa iyo na sasamahan kita. Tingin ko natutuwa ka dahil wala tayong session ngayon para sa review." pang-aasar nito. 

Inikutan niya na lang ito ng mata.

"Wala ka na bang trabaho na naiwan?" tanong niya dito. 

"Meron." 

Medyo na-guilty si Prin pero nabigla na lang siya ng binigyan siya nito ng halik sa labi. 

"Hayan, wala na kong naiwan na trabaho." sabi nito saka bumalik sa couch kung saan ito nakaupo. 

Namumula ang mukha ni Prin sa hiya lalo at nabigla rin ang staff na nasa tabi niya. Lalong tumatagal ay kumakapal ang balat ni Cally na nakawan siya ng halik. 

"Tara na po." sabi ng staff nang makabawi. 

Sumunod si Prin sa babae. Kinuha lang nito ang sukat ng katawan niya. 

"Ma'am ang s.e.xy niyo po, saka maganda pa! Bagay po sa inyo ang disenyo namin." puri nito. Alam naman ni Prin na binobola lang siya ng Staff pero hindi pa rin maiwasan na matuwa siya. 

"Anong disenyo naman ang gagawin niyo para sa akin?" 

"Sikreto po e." bulong nito habang nakatingin kay Cally.

Naisip ni Prin na mukhang personal na pinili ni Cally ang susuotin niya. May tiwala naman siya sa lalaki na marunong ito sa halos lahat ng bagay. Kaya lang…sigurado ba siya na maganda ang ipasusuot nito sa kanya? Maybe he is good at choosing his own suit. He looked good in anything he wears. But they are talking about her dress.

Bumuntong-hininga na lang si Prin at wala na siyang magagawa kung hindi ang magtiwala sa lalaki. 

Ilang saglit pa, dumating ang designer.

"Naku! Master Cally. Pasensya na at na-traffic ako sa daan." Hinihingal pa na sabi nito na halatang nagmadali sa pagpunta doon.

"No Problem! Ihatid mo na lang sa opisina ko ang gown" sabi ni Cally. 

Hinarap siya ni Cally. "May naiisip ka pang gawin?" 

"Hmmm. Husbie, gusto kong kumain ng kwek kwek saka ice cream tapos maglaro ng badminton." ungot niya dito. 

Kulang na sa ehersisyo si Prin dahil mas madalas siyang nakaupo lang sa eskwelahan at nag-aaral. Namimiss niya nang ikilos ang katawan. 

Tiningnan ni Cally ang oras. Alas kwatro pa lang naman ng hapon. 

"Okay. kung sino ang matalo, may parusa." Nakangisi na pagpayag ni Cally.