Patungo na sila sa uupahan na Badminton court nang makatanggap si Cally ng tawag mula sa Daddy niya.
"Hindi sumuko ang mga kidnappers, you know what to do." sabi nito saka siya binabaan ng telepono.
Napapailing na lang si Cally. Wala talagang makakagagawa sa kanya ng ganoon kundi ang Daddy niya lang. Kahit ang Mommy niya ay hindi ginawa ang ganoon sa kanilang magkakapatid.
"Tsk!" gusto sana niyang mainis dahil date-time nila ni Prin pero hindi niya magawa. Importante rin naman kasi ang reputasyon ng pamilya at ang ginawa ng mga ito sa kambal.
Dinala si Crayola at Crayon sa ospital dahil na-trauma ang dalawang kapatid niya. Nagkapasa pa si Crayola kaya hindi niya masisisi kung bakit galit ang Daddy niya.
"What is it?"
"Hindi sumuko ang mga kidnappers." seryoso na sabi ni Cally.
Tumaas ang kilay ni Prin. "Mukhang hindi sila naniniwala sa Daddy mo. Sa weekend na lang tayo tumuloy maglaro."
"Are you sure?" paninigurado ni Cally.
"Bakit naman hindi ako magiging sure?"
"Baka lang kasi you are expecting something in return.. Like a kiss?" tudyo ni Cally.
"Kiss my ass!" sagot niya dito saka inilayo ang paningin. Namumula ang pisngi ni Prin sa hiya.
Natutuwa naman ng lihim si Cally sa tabi. Naaaliw kasi siya kay Prin kapag tinutudyo niya ito.
Dahil hindi tumupad sa usapan ang anim na kidnappers at ipinagpaliban pa ang date ni Cally, tuturuan niya talaga ng leksyon ang anim na iyon.
=====
"Boss, sigurado ka ba na hindi tayo mahuhuli ni Master Cloud Han?" natatakot na sabi ng kalbo sa bagong amo nila.
"May tigre silang kasama..." sabi ng isa pa dahil hindi nito alam ang pagkakaiba ng tigre sa leopard.
"Sino ba ang mas nakakatakot? ako o si Master Han?" sabi nito.
Matagal na silang hinahanap ng bago nilang Boss dahil mailap sila sa kapulisan. Dalawang taon nang pagki-kidnap ang trabaho nila at hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa sila nakikilala sa publiko.
Magaling kasi at masamang-damo ang dati nilang Boss na si Labo.
"Heto ang pera. Gusto ko na dukutin niyo ang babaeng ito."
Nanlaki ang mata ng anim sa larawan. "'y-yan! Iyan yung gumulpi sa atin!" bulalas ng kasama na iisa ang ngipin sa unahan.
"Paanong ginulpi? Tingin ko nabugbog kayo nung isang araw ng mga bodyguard ni Master Cloud Han kaya kung anu-ano ang naiisip niyo!" sabi ng boss.
Ang mga kwento kasi nilang anim: Tumalon mula sa ikalawang palapag ang lalaki, naiwasan ng babae ang bala gamit lamang ang tubo. May tigre si Master Cloud.
Kung pagsasama-samahin ang kwento, parang kwentong-bayan ang sinabi ng mga ito. Pwera na lang kung Ninja ang dalawang tao na nagligtas sa kambal at naniniwala ang bagong Boss na imposibleng mangyari.
Ang kwento naman ng mga ito ngayon, ang mahinhin na babaeng pinadadakip niya ay ang babae sa kwento ng mga ito?
Napapailing ang bagong boss. "Mga inutil! Iharap niyo ang babaeng iyan maliwanag. Kung may tigre nang araw na iyon sa palagay niyo ba buhay pa kayo ngayon? Malamang ay nalapa na kayo at wala na kayo dito sa harapan ko!" singhal nito.
"Nakainom kayo ng alak ng isang araw kaya imposible ang mga kwento niyo."
Nagkatinginan ang anim. May punto ang bago nilang boss.
"Dukutin niyo ang babae at dalhin niyo sa address na ito." inabot nito ang papel.
"Magsilayas na kayo sa harapan ko!"
Kakamot-kamot ang anim. "Taba, tingin ko may katwiran si Boss. Kung may tigre, malamang kahit isa sa atin ay nilapa ng hayop na iyon."
Nag-usap-usap silang anim at naniwala sa bagong boss na hindi totoo ang nangyari noong isang gabi.
=====
Pinahanap na ni Cally ang anim na kidnappers sa tauhan ni Rob na Daddy ni Prin, si Zuki.
Naghintay muna silang dalawa sa isang coffee shop habang nagrereview si Prin ng aralin sa notebook ni Cally.
Mabilis kumilos si Zuki at wala pang isang oras, may lead na sila kung nasaan ang anim na kidnappers.
"Master, gusto niyo ba na kami na ang humuli sa anim na ugok na ito?" tanong ni Zuki sa kabilang linya.
"No need." sabi ni Cally saka ibinaba ang tawag.
"Honey, let's go. Kukunin ko ang sasakyan, hintayin mo na lang ako sa tapat." sabi ni Cally saka tumayo na at lumabas ng shop.
Natulala naman si Prin sa pagtawag sa kanya ng 'Honey' ni Cally.
Nang makalabas ang lalaki…
"Ahhh!!!" halos hindi makalabas sa bibig niya ang tili dahil may ibang mga umiinom ng kape sa shop. Tinawag siyang "Honey" ni Cally sa unang pagkakataon at pigil na pigil ang kilig niya sa katawan.
Niligpit niya lang ang gamit saka lumabas ng shop para abangan si Cally nang hindi nawawala ang kakaibang ngiti.
Parang may mga bulaklak sa paligid ni Prin kaya balewala sa kanya ang mga dumadaan sa paligid.
Kaya hindi niya rin napansin ang itim na van na huminto sa tapat niya at agad siyang hinila papasok doon.