Chapter 39 - Fearless and Courageous

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
[Feibulous: this chapter includes some inappropriate content ; Karahasan]

Nakita ni Cally ang pagkuha ng mga lalaki kay Prin. Humigpit ang hawak niya sa manibela at tumalim ang tingin niya sa itim na van.

Sinundan niya ng lihim ang sasakyan.

Si Prin sa loob ng van ay kumunot ang noo nang makita ang mga kidnappers. Naisip niya na hindi ba't ang mga ito rin ang dumukot din sa kambal? 

Apat ang lang ang nasa van. Wala doon yung mataba at ang lalaking iisa ang ngipin. 

Hawak siya ng dalawang lalaki sa braso. "Bakit lumakas yata ang loob niyo at dinukot niyo ako?"

"Napag-utusan lang kami at doon ka namin dadalhin ngayon." sagot sa kanya ng lalaking nasa likuran.

Tumalim ang tingin ni Prin. Sino naman ang magpapadakip sa kanya? 

"Ikaw na nasa likod na naka asul, mamaya basag ang lahat ng ngipin mo. Kayong dalawa na may hawak sa akin, siguradong hindi na kayo uulit. At ikaw na driver, basag ang bungo mo mamaya." sabi niya sa mga ito. 

Nagtawanan ang apat na lalaki. Tinutukan siya ng baril ng nasa kaliwa niya. 

"Ano ba iyan? Bakit parang inulit niyo lang ito? Saka sino ang nag-utos sa inyo?" tanong ni Prin. 

Hindi siya sinagot ng mga ito. Huminto ang van sa isang 'di kalakihang bahay at medyo masukal na lugar. 

Hindi pa man pinabababa si Prin ng sasakyan, siniko niya ang lalaking nasa kanan at diretsong sinuntok sa mukha ang nasa kaliwa. 

Hinablot ang nasa likuran na naka-asul at pwersahang hinila at inuntog ang ulo ng lalaking iyon sa ulo ng driver. Parehas nakaramdam ng hilo ang dalawa at halos walang makita dahil parehas na nanlalabo ang paningin. 

Nakabawi ang lalaking nasa kaliwa ni Prin at ibinalik nito ang pagtutok ng baril sa kanya. 

"Huwag kang kikilos!" angil nito. 

Hinawakan niya ang kamay nito. Sa galit ng lalaki ay pinaputukan siya nito ng hawak na baril. Pwersahang itinapat ni Prin ang kamay nito sa lalaking nasa kanan at dumeretso ang bala sa noo ng taong iyon na kasalukuyang naglalabas ng patalim. 

Dumaloy ang pulang dugo mula sa noo ng lalaking iyon. Tumalsik pa ang iilan ng dugo nito sa pisngi niya. 

Narinig ng lalaking mataba at ang kasama nito na iisa ang ngipin ang putok kaya nagmadali ang dalawa na makalabas ng bahay. 

Nanlaki ang mata ng lalaking may hawak ng baril. 

"Ang tanga-tanga mo tumira, lagi na lang mali ang tira mo." 

Nag-aapoy ang mata ni Prin sa galit na kinuha ang patalim ng lalaking nasa kanan at diretsong isinaksak sa leeg ng lalaking nasa kaliwa. Idiniin niya pa iyon hanggang sa handle na lamang ng patalim ang nakikita niya. 

"Hayan! Hindi na talaga kayo uulit!" singhal niya sa dalawa na nawalan na ng buhay. 

Nakabawi namang ang driver at ang naka-asul. Nang akmang hahawakan nito ang braso ni Prin, bumukas ang pinto nito sa gilid at bumungad sa mata niya si Cally. 

Hinawakan ni Cally ang braso ng driver at hinila ito palabas ng van at diretsong sinipa sa mukha ang lalaking naka-asul. Sa lakas ng pagkakasipa ni Cally, bumukas ang pintuan sa gilid nito at tumilapon ang naka-asul sa s.e.m.e.nto. 

Tulad ng sinabi ni Prin basag ang ngipin ng lalaking naka-asul sa lakas ng pagkakasipa ni Cally. 

"Ahhhhh!!!" hiyaw nito.

"Are you okay?" tanong sa kanya ni Cally. 

Lumabas si Prin ng van at sinuri ni Cally ang katawan niya. Nagdilim ang tingin nito nang makita ang galos niya sa braso at sa kamay, gawa ng pagkakasuntok niya sa dalawang katabi. 

Ilang saglit lang, may nagpaputok sa kanila mula sa loob ng bahay. Agad silang gumilid sa van. 

'Ginagalit talaga ako ng mga ito' isip-isip ni Cally. 

Nagkatinginan lang sila ni Prin. Walang tigil silang pinapuputukan ng bala ng dalawa na kalalabas lang. Kinuha ni Cally ang baril ng lalaking sinaksak ni Prin sa leeg at pinaputukan sa binti ang dalawa mula sa ilalim ng van.

"Ahhhh!!!"  hiyaw ng mga ito. 

Tinakbo naman ni Prin ang dalawa at parehas na sinuntok ang mga ito sa mukha. Sabay din na nakatulog ang dalawa 

=====

Nagising ang apat na kidnappers sa Matsui Villa. Ang driver, ang naka-asul, ang iisa ang ngipin at ang mataba na gumaganap na pinuno nila sa mga oras na iyon. At mukha ni Bantay ang bumungad sa kagigising lang nilang diwa.

Agad na dumaloy ang kilabot sa apat na kidnappers. Lalo at may tama ng bala ang dalawa sa kanila.

Mas matalim ang tingin ni Cally kay Bantay.

"Sino ang nag-utos sa inyo na ipadukot ako?" tanong ni Prin na nasa tabi nito. . 

Hindi alam ni Cally ang tungkol sa bagay na iyon kaya lalong tumalim ang tingin niya sa apat.

"Inutusan lang kami ng bago naming boss na si Marvin?" sagot ng mataba habang pinipigil ang sakit sa binti na binaril ni Cally.

Nakakunot ang noo ni Prin "Ano ang motibo niya? Wala akong kilalang Marvin" 

"Hindi namin alam." sagot nito. 

Seryoso si Prin na iniisip kung sino ang Marvin na iyon. Halos mahigit isang buwan pa lang kasi siya sa Maynila at may mga nagagalit na sa kanya.

Wala naman siya halos  pinupuntahan kundi ang opisina ni Cally, ang bahay at ang school. 

Sino ang Marvin na iyon?