Tatlong araw na ang nakalipas, hindi binalikan ng anim na kidnappers si Marvin kaya inalam niya ang mga kasalukuyang ginagawa ng mga kidnappers na iyon.
"Boss, hindi namin alam kung saan nagsi-puntahan ang anim na gag*. Ang van na gamit nila ng isang araw ay nasa tapat ng bahay na nirentahan natin at may mga nakita kaming mantsa ng dugo sa lugar… pero wala ang anim doon. Wala rin kaming makita na kahit anong ebidensya. Bigla na lang silang nawala na parang bula. Walang CCTV kaya wala tayong makuha na hint"
Naisip ni Marvin na baka marami ang nakalaban ng mga ito kaya pinatay ng kung sino. Ilang taon na rin kasi na nagtatrabaho ang mga iyon ng masama.
Tumunog ang telepono niya na nasa ibabaw ng table, kumunot ang noo niya at sinagot ang tawag.
"Yes po?"
"Marvin, ano na ang balita sa pinauutos ko? Ilang araw na at wala pa akong balita? Gusto kong lumuhod sa akin ang Prin na iyon o sirain ang mukha niya. I am desperately wanted to ruin her face! Binayaran na kita ng kalahati at wala pa akong naririnig mula sa iyo?!" reklamo nito sa kabilang linya.
Gustong mag-init ng ulo niya sa pagmamando nito pero wala siyang magawa. Kayang kaya siya nitong ipapatay kung gugustuhin nito.
"Nawala ang anim na inutusan ko. Kilabot na mga kidnappers ang mga iyon na isa sa mga problema ko ngayon, hahanap na naman ako ng kidnappers para dukutin ang babaeng sinasabi mo"
"Kailangan mong bilisan!" singhal nito saka pinutol ang tawag.
Naiinis si Marvin. Daig pa kasi nito ang totoong amo niya.
"Sa tingin ko ako na ang kailangan na gumawa para dukutin itong babaeng ito… Sorry na lang Miss… You dared to offended the b*tch..." bulong ni Marvin habang nakatingin sa larawan ni Prin.
=====
Nakita ni Sean na bumaba ng magarang sasakyan si Prin. Napag-alaman niya na sa CEO ng MGM nakarehistro ang sasakyan na iyon at hindi maiwasan na ma-awa siya kay Prin. Bakit ito pumayag na maging kabit ni Mr Cloud Han?
Normal na mag-isip si Sean na kabit si Prin dahil ayon sa napag-alaman niya ay nasa 50s na daw ang tao na iyon.
Ayon sa pinsan niya at kaibigan na parehas na aktor sa MGM, madalas daw na kasama nito ang asawa nito sa opisina. Marami daw nagkakagusto kay Master Han kaya hindi rin imposible na pumatol ang Big Boss nila.
May anak daw na babae si Mr Han at siguradong hindi si Prin iyon dahil nagdodoktor daw ang anak nito at wala sa Pilipinas.
Nilapitan niya si Prin.
"Hello!" bati ni Sean.
Hindi ito pinansin ni Prin. Nakita niya si Bella na kabababa lang din ng sasakyan at nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya na kasama si Sean.
"Hello dear!" nakangiti niyang bati dito. Medyo napahiya si Sean dahil nauna pa nitong pansinin ang kabababa lang ng sasakyan na si Bella kesa sa kanya na popular sa eskwelahan.
"Let's go! Male-late na tayo" nakangiti na sabi ni Prin kay Bella.
"uhmm , okay" sabi ni Bella kahit ang wirdo ng tingin nito kay Sean.
"Hey, Hey! Pansinin mo naman ako." si Sean. Patuloy lang si Prin na hindi pinansin ang lalaki.
Nakaramdam ng inis si Sean. "Bakit ba ang taas ng tingin mo sa sarili mo?"
Walang plano si Prin na patulan ang lalaki.
"Prin… Hindi maganda kapag hindi mo siya pinansin. Kukulit-kulitin ka niya." bulong ni Bella.
Napilitan si Prin na harapin si Sean. "Ano bang problema mo?"
"Gusto ko lang makipagkaibigan." sagot nito.
Tiningnan ni Prin ang binata mula paa hanggang ulo. Naglalaro sa anim na talampakan ang lalaki at tatlong pulgada. Sa tingin niya kasing tangkad ito ni Cally. Gwapo rin ang lalaki dahilan para maging popular ito sa school.
Pero walang pakialam si Prin dahil para sa kanya, walang makakatalo sa pagkatao ni Cally. Kahit kay Lorenz yata ay hindi ito aabot sa pamantayan niya ng ibig sabihin ng tunay na lalaki.
Sa palagay ni Prin, masyado lang malaki ang ulo nitong si Sean. Umaasa lang sa magulang.
Samantalang si Cally, si Lorenz at ang mga kasama niya sa Dark Guard ay may sariling kakayahan. Mayaman na ang mga ito sa kasalukuyan dahil sa mga kinita ng ilang taon at hindi kailangan na umasa sa kung kanino.
"Puno na ang listahan ko ng kaibigan. Wala akong time na makipagkaibigan sa iyo." mataray na sabi niya sa binata saka nagpatuloy sa paglakad kasabay ni Bella..
"Bakit ba ang taas ng tingin mo sa sarili mo?" ismid na sabi nito. Napapahiya na kasi si Sean dahil may mga estudyante na ang nakapukaw ng atensyon nila.
Wala pa kasi siyang sinundan-sundan sa school kaya kakaiba ang tingin ng mga ito lalo at patuloy siyang ini-isnab ni Prin.
"Isang uugud-ugud lang naman ang boyfriend mo at walang kwenta. Sigurado na hindi ka niya kayang pasayahin. Nahahawa ka na ba sa pagka-boring niya?" sabi nito para makabawi sa kahihiyan.
Napatigil si Prin sa paglakad. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito na walang kwenta si Cally. At kahit pa sabihin na nag-aaral lang sila ni Cally madalas sa opisina nito, walang karapatan itong si Sean na sabihin na 'boring' ang asawa niya.
"Alam mo Mr. Sean. mayabang ka din. Gusto ko na tigil-tigilan mo na ako! Ganito na lang, kapag natalo kita sa sports, titigilan mo na ako." nakangisi na sabi ni Prin.
Ayaw niya nang makita pa ang pagmumukha ng lalaki dahil nasisira nito ang maghapon niya.