Chapter 44 - She is looking at his lips secretly

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Hindi rin makapag-pokus si Prin sa tinuturo ni Cally dahil lutang pa siya sa binigay na halik nito sa kanya. 

Ilang saglit kasi bago siya nito binigyan ng link kung saan siya magsasagot ng bigay din nito na mga tanong, he kissed her like crazy. 

His tongue slipped in her mouth, gentle and demanding. Na para bang nakadepende doon ang lakas nilang dalawa. Halos magpalit na silang dalawa ng laway. Kakaiba sa mga halik ni Cally noong mga nakaraan. 

Napalunok si Prin habang binigyan ng nakaw na tingin si Cally. Diretso ang tingin niya sa labi ni Cally. Tinakpan niya ng computer tablet ang mukha bago pa siya nito mahuli. 

Makalipas ang isang oras…

"Are you done?" Tanong ni Cally.

Nabigla si Prin sa tanong nito. Sinuri ang tablet niya kung saan nito binigay ang link. 

Apat na tanong pa lang ang nasagutan niya. 

"Hi-hindi pa…" 

Hinablot ni Cally yung tablet na hawak niya at sinuri iyon. 

Masama ang tingin ni Cally sa mga sinagutan niya. Mukhang nasobrahan sa laro si Prin kaya hindi rin nito masagutan ng maayos ang questionnaires. 

"Tell me… bakit wala ka yata sa mood magsagot?"

Nakayuko lang si Prin. Hindi niya syempre aaminin na sa loob ng isang oras ay halos panay ang sulyap niya sa lalaki habang may ginagawa ito sa laptop nito.

"Na-nagugutom na kasi ako…" palusot niya.

Sinilip ni Cally ang relo at nakita na mag-a-alas siyete na ng gabi.

"Hindi ka kumain sa school?" Tanong ni Cally. Gusto niyang kutusan itong si Prin o kaya naman ay pagalitan dahil mas inuna pa nito ang makipaglaro kay Sean kesa kumain ng meryenda.

"Fine! Let's go!" Matapos sabihin iyon ni Cally ay tumayo na ito at niligpit ang gamit.

"Saan tayo pupunta?" Nagtataka si Prin.

"Groceries." Simpleng sagot nito.

Nagliwanag ang pisngi ni Prin. Sa unang pagkakataon, makakasama niya na mag-grocery si Cally.

Isang grocery store na malapit sa bahay ni Cally ang napili nilang puntahan. Kumuha lang ng big cart si Cally at nagsimula silang mag-ikot.

"Marami ba tayong bibilhin?" Tanong ni Prin.

"Depende. May naisip ka bang lutuin?"

Halos maubo si Prin sa tanong na iyon. 

Hindi pa kasi siya nakaranas na magluto ng pagkain. Sa Matsui Mansion kung saan siya lumaki sa Japan, may mga maid na nagsisilbi sa kanya. Kapag nandito naman siya sa Pilipinas, ang Mommy niya ang nagsisilbi sa kanya.

Kaya lumaki rin siya na walang alam sa kusina kung hindi ang kumain. 

"Husbie, pwede ba akong sumakay dito?" tanong ni Prin na ang tinutukoy ay ang cart. 

"Pagod ka na maglakad? sakay ka dito sa likod ko. Bubuhatin kita."

Napalingon si Prin sa paligid. Madaming tao sa lugar. Kaya lang naman siya sasakay sa cart ay dahil parang ang cute n'on. 

"Com'on, sakay ka na" yumukyok pa si Cally. 

Sumakay si Prin sa likod ni Cally na para bang sa park sila maglalakad at hindi sa Grocery. 

"Mabigat ba ako?" tanong niya matapos siya nitong buhatin. 

Hindi sumagot si Cally. Inikot nila ang grocery store nang nasa likod si Prin.

"I want hot dogs." sabi niya kay Cally. 

"It's not good for your health." 

"Eeh... Minsan lang, e." 

"May hot dog naman ako, I will let you eat it if you want. It's a jumbo hot dog" tudyo nito. 

"It is not!" 

Pinalo niya si Cally sa balikat at halos itago ang pisngi sa likuran nito. Namula ng sobra ang pisngi niya maisip lang na makita ang bagay na iyon. 

"Then, let me show it to you so you'll know if it's big or not" 

"ihh" 

Nangingiti ng lihim si Cally sa inakto ni Prin. 

Marami pa silang naikot at hindi man lang napagod si Cally kahit na bitbit siya. 

She love being with him. Kahit ang maliit na bagay na iyon habang buhat siya ni Cally sa likuran. 

Kahit pa nga kakaiba ang tingin sa kanila ng ibang customer at promo girls. Unang beses siya na i-piggy back ni Cally at isa iyon sa mga hindi niya kalilimutan.

Binaba lang siya ni Cally nang magbabayad na sila sa kahera. 

"Prin?" narinig niyang tawag sa pangalan niya. 

Nilingon niya ang tumawag at nakita si Bella pati ang boyfriend nito. 

"My friend, you're here!" niyakap niya ang kaibigan. 

Pero napansin niya na tulala ito na nakatitig kay Cally. 

"Oops sorry, this is Cally. Cally, she is my best buddy in my school, Bella" pakilala niya. 

Hinila siya nito sa gilid. "My friend… Nakakakilig yung boyfriend mo…" kinikilig na bulong nito sa kanya. 

Pinalo niya ito sa braso. "Ang landi nito. may boyfriend ka na uy. Bawal pantasyahan si Cally, okay. Ang sa'yo ay sa iyo, ang akin ay akin." bulong niya rin din dito. 

"Ano ba yan?" reklamo nito. 

Bumalik na siya sa tabi ni Cally. Bago pa tumulo ang laway ng kaibigan niya, mas mabuti pang humiwalay na sila dito. 

"Paano? We have to go… See you in school Bella." kaway niya sa kaibigan at hinila na si Cally patungong parking. 

"Your friend seems nice and adorable." komento nito pagkaupo nila ng sasakyan sa parking. 

"Yes. She's jolly." 

Naalala ni Prin na may match siya ng billiard kay Sean. Nilapit niya ang sarili kay Cally at hinawakan ito sa braso. 

"Husbie… tomorrow, mag-eextend ako sa school with Bella." paalam niya. 

Nilingon ni Cally ang nangungulit niyang hitsura. 

"No problem. But you have to compensate again." hinila siya ni Cally ng mas malapit pa saka siya muli binigyan ng matamis na halik.