Chapter 43 - She knew a lot of sports

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Hinila ni Prin si Bella palabas ng basketball court. 

"My friend, that was super awesome!" puri ni Bella. Muntik na niyang maisip na magiging nobya ni Sean ang kaibigan niya. 

"Really? Wala pa nga ang bagay na iyon… Sisiw lang iyon sa akin. Madami pa kong kayang gawin" 

Nanlaki ang mata nito "Woah! You mean may iba ka pang sports bukod sa pagshoot ng bola?" 

"I know how to play basketball, volleyball, tennis, swimming, fencing and firing. Hmmm.. What else..?" inisa-isa niya ang mga iyon at inisip pa kung ano pa ang sports na alam niya. 

"Woah!! Mayroon pa?" hindi makapaniwala na tanong nito. 

"ah! Yes. I also knew karate" naalalang sabi niya. 

"Wow! Grabe, kaya pala ang lakas ng loob mo na lumaban kay Sean."

"Prin!" tawag sa pangalan niya ng napahiyang si Sean kaya naputol ang usapan nila. Nakakahiya na ang isang star player ng school nila ay natalo ng babaeng naka-bestida kaya sino ang matutuwa sa naganap?! 

Nilingon ni Prin ang binata. Inikot niya lang ang mata at hindi interesado na kausapin pa ito. 

"Bakit ba ayaw mo sa akin?" tanong nito. Hindi makapaniwala si Sean na darating ang isang araw na maba-basted siya sa eskwelahan na 'yon. 

Napakamot sa ulo si Bella, gusto niyang magsalita pero mas minabuti niya na manahimik. 

Kailangan pa bang itanong na ayaw niya sa iyo? Samantalang, isang Cally Han ang kasalukuyang ka-relasyon ni Prin?

"Because my boyfriend is a heartthrob! He is super handsome in my eye! Rich, down to earth at lalong-lalo na, hindi siya mayabang!" inirapan na lang ito ni Prin. 

"Kung ganoon! Ang boyfriend mo ang gusto kong makalaban sa susunod."

"No need. Hindi ka pa ba nahihiya? sa akin nga eh talo ka. Sa boyfriend ko pa?" natatawa na lang si Prin sa tangang si Sean. 

Sumama lalo ang itsura ni Sean. "Baka kaya ayaw mo lang iharap kasi natatakot ka… na uugod-ugod na talaga ang boyfriend mo…" sarkastikong sabi

Nagtaas ang kilay ni Prin. Hindi niya hayaan na makita si Cally ng kaharap. 

"Alam mo, mas mabuti pang isipin mo na lang kung ano ang susunod na laban natin." sabi niya saka ito tinalikuran. 

Mabilis na nag-isip si Sean. "Billiard!" 

Nilingon niya itong muli. 

"Meet me tomorrow at 4 afternoon!" at ibinigay nito ang address. 

Madaming nakadinig na estudyante na maglalaban muli si Prin at Sean kaya aabangan nila ang laban ng dalawa. 

=====

Hindi nakaligtas kay Cally ang laro ni Prin laban kay Sean. 

Sa dami kasi ng nanonood na estudyante, madami ang kumuha ng video ng laban nila ni Sean. 

Bumilib kay Prin ang karamihan sa manonood. Inilagay ng ilan ang video niya sa internet habang kalaban ang lalaki. 

Sumikat si Prin hindi pa man siya nakakarating sa opisina ni Cally. 

Pinaimbestigahan ni Cally ang nangyari kay Xander. Matapos lang ang sampung minuto may sagot na ang assistant niya. 

"Master, the guy is Sean Lucas. A popular student in Miss Prin's school. Naglaban sila ni Miss Prin dahil kinulit-kulit po niya ang Miss. Hanggang sa mauwi po sa hamon." 

Kumunot ang noo ni Cally. Kinukulit ng lalaki ang asawa niya? 

"S-sinabi po nitong Sean na kapag natalo si Miss… Prin, magiging nobya niya po ang Miss." halos hindi masabi ni Xander lalo at nakakunot ang noo ni Cally. 

Sinilip ni Cally ang larawan ng lalaki sa monitor. He is a heartthrob in the school and Prin is just nineteen. 

Kung titingnan ang dalawa, bagay ang mga ito. Iwinaksi niya sa isip ang bagay na iyon dahil isang parte ng dibdib niya ang nasaktan. 

Hindi niya kayang isipin kahit ang makatabi lang ni Prin si Sean. 

Tumalim ang tingin ni Cally sa lalaking nasa larawan. 

Paano kung natalo si Prin? She will end up being this guy's girlfriend! Mukhang kailangan niyang turuan ng leksyon ang lalaking nasa picture. 

"Husbie…" narinig niyang tawag ni Prin sa kanya mula sa pintuan. 

Ibinaba niya ang screen ng laptop at inangat ang paningin kay Prin. Uunahin niya munang turuan ng leksyon ang babaeng ito dahil pumayag ito na makipaglaro sa Sean na iyon. 

"Are you ready?" tanong ni Cally. 

"Ready for?" takang tanong ni Prin. 

"For your exam." 

Nanlaki ang mata ni Prin. "Exam?! Bakit bigla tayong mag-eexam?" 

Tinungo ni Prin ang pwesto ni Cally na nakaupo sa komportableng upuan nito. Napansin niya na nakakunot ang noo nito at hindi maganda ang mood. 

"Husbie… I don't like exams… please…" Lumapit siya kay Cally dahil mukhang mainit ang ulo ng asawa niya at minasahe ang sentido nito. 

Napansin niya si Xander na nasa gilid at hindi rin makagawa ng aksyon. 

"Xander, bakit mainit ang ulo ng master mo? May ginawa ka sigurong hindi maganda." pambibintang niya dito. 

Xander "..." 

Halos mabilaukan si Xander sa gilid. Muntik niya ng sabihin na masama ang tingin ng Master Cally niya sa larawan ni Sean Lucas kaya masama rin ang mood nito. 

"Master Cally, lalabas na po ako." paalam ni Xander. Mas mabuti ng tumakas. 

Patuloy lang si Prin sa pag masahe ng ulo ni Cally. 

"Let's start!" Tumayo na si Cally at sinalubong ang sumimangot niyang mukha. 

Sa lapit nilang dalawa sa isa't isa, naaamoy na naman ni Cally ang amoy ng asawa niya na amoy-cherry blossom. 

"Okay, Babawasan ko ang exam." sabi ni Cally kaya nagliwanag ang mukha ni Prin. 

"But you have to compensate…" kinupkop nito ang malapit niyang mukha saka hinalikan ng mariin sa labi.