Chapter 46 - Marvin came

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Matapos ang klase, magkasama si Prin at Bella patungong 'Awesome Billiard Bar' kung saan gaganapin ang match niya kay Sean.

"Friend, malapit lang iyon. gusto mo bang maglakad na lang tayo?" Tanong ni Bella.

Randam pa ni Prin ang ngalay ng braso niya at gusto niyang isumpa si Cally. Namula ang pisngi niya matapos niyang maalala ang pinagawa nito sa kanya.

"Kung malapit lang, maglakad na nga lang tayo." Suhestyon ni Prin.

Nagkukwentuhan pa sila na patungo sa bar kung saan ang usapan nila ni Sean nang may humintong sasakyan sa gilid at agad na lumabas ang apat na lalaki.

Hinawakan si Bella sa magkabilang braso ng dalawang lalaki. Boy A at Boy B

"Ahhhh---" Sigaw nito. Tinakpan ni Boy A ang bibig ni Bella.

Nang hahawakan si Prin ng dalawang lalaki pa, si Boy C at D, sinipa niya si Boy C. Ang isa naman ay binigyan niya ng Judo's single-handed back throw at saka tinapakan ng mariin ang lalaking iyon sa mukha. 

"Ahhh!" Hiyaw nito sa sumakit na likod at mukha.

Lumabas si Marvin sa sasakyan at nakita ang kilos ni Prin.

Susuntukin sana siya ni Boy C sa sikmura, pero agad na hinawakan ni Prin ang braso nito at leeg at binigyan naman niya ang lalaki ng Judo's body drop. Napahiga ito. Saka niya ito sinuntok ng malakas sa mukha. Nawalan ng malay ang lalaki.

Walang nagawa si Marvin kung hindi itutok ang baril kay Bella. 

"Huwag kang kumilos kung hindi, mamamatay ang kaibigan mo." Ang sabi.

Isang matalim na tingin ang ibinalik ni Prin kay Marvin. 

Agad namang dumaloy ang luha sa mata ni Bella dahil sa takot. May nakatakip pa din sa bibig nito. 

"Huwag kang matakot, Bella." Sabi niya sa kaibigan saka hinarap ang lalaki.

"Ano ang kailangan niyo sa amin?" Tanong niya dito.

Ngumisi si Marvin. "ikaw lang talaga ang kailangan namin."

Naalala bigla ni Prin ang anim na kidnappers. Ngumisi siya. "Your lackeys were dead and now you are here again. Let me guess… ikaw si Marvin."

Tumawa ito ng malakas. 

Susunggaban sana siya ni Boy D dahil nakabawi na ito pero agad siyang umiwas. Yumuko siya at pinatid ang lalaking iyon at tinuhod ang maselan na parte ng pagkalalaki nito. 

"Wraaaah!!!"

Agad na namilipit sa sakit ang lalaki. Napansin ni Prin ang maliit na patalim sa likod ng bulsa nito dahil napadapa ang lalaki.

"Alam mo Marvin, nagsasayang ka lang ng oras sa akin. I will know who you are, what are your backgrounds and other things. I just want one answer... Ano ang nagawa ko para ipadukot mo ako ng paulit-ulit?"

Hindi naman naniniwala sa kanya ang lalaki na kaya niyang alamin ang mga bagay tungkol sa pagkatao nito. Isang malaking tao ang sumusuporta sa kanya at naniniwala siya na hindi isang Prin ang tatalo sa kanya.

Pero sumagot siya sa huling tanong ni Prin. "Someone you offended, asked for my help."

Tumalim ang tingin ni Prin. "Who?"

Hindi siya nito sinagot. Nakangisi lang si Marvin.

Alas kwatro na ng hapon at late na si Prin sa match. "Let my friend go." 

Normal na tao si Bella kaya umiiyak ito habang hawak ng dalawang lalaki. Hindi nito pwedeng makita ang mga kaya niyang gawin sa tatlo pang lalaki. Posible na iwasan siya nito sa susunod dahil natakot sa kanya o kaya naman ay ma-trauma ang kaibigan niya.

Pero hindi siya pinansin ni Marvin. 

"I said let my friend go!!!" Sigaw niya dito.

Kinagat ni Bella ang kamay ni Boy A na tumatakip sa bibig nito at planong tumakbo pero nahablot nito ang buhok ni Bella at inuntog ang kaibigan niya sa pader. Nawalan ito ng malay.

Nagalit si Prin sa nakita kaya kinuha niya ang patalim sa likod ng bulsa ni Boy D at hinagis iyon kay Boy A. Diretso ang patalim sa mata nito.

" Ahhhh!!!! " hiyaw nito habang hawak ang humapding mga mata. 

Tinakbo ni Prin ang pwesto ni Marvin na nataranta. Nagpaputok ito ng bala sa pwesto niya na agad niyang naiwasan dahil hinarang niya ang katawan ni Boy D. Hawak niya ang lalaki habang papalapit dito bilang panangga.

Nang makalapit sinuntok niya ng ubod ng lakas sa mukha si Marvin at sinipa si Boy B mula sa baba nito. Tumilapon si Boy B.

Hawak-hawak ni Prin si Marvin sa kwelyo at tuloy-tuloy na binigyan ng suntok ang lalaki hanggang sa puro dugo na ang mukha nito.

"I told you to let my friend go!" Sabi niya dito ng nagagalit saka ito binitiwan.

Nilapitan niya ang walang malay na si Bella. Kita ni Prin ang pasa sa noo nito.

Walang nagawa si Prin kung hindi ang tawagan si Zuki.

"Zuki, Marvin came today habang papunta kami ng kaibigan ko sa isang bar. Please come here and get this guy. I need to bring my friend in a hospital." Binigay ni Prin ang lugar kay Zuki. Kalmado pero mariin ang mga salita ni Prin. 

Galit na galit siya dahil nadamay si Bella. Wala na siyang pakialam sa match dahil may isa pa naman silang usapan ni Sean. Doon siya babawi.

Ilang saglit lang dumating si Zuki at ang iba pang tauhan ng Daddy niya na si Rob.

"Turuan niyo ng leksyon ang Marvin na iyan pati itong isa." Tukoy niya sa nanakit kay Bella.

"I also wanted to know who is his leader." Saka sumakay sa isang kotse na kasama si Bella para magpahatid sa ospital.