Chapter 47 - She lose the second game

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Sa billiard hall, nagkakagulo ang mga estudyante na manonood dahil hindi dumating si Prin sa usapan. 

Lumakas ang loob ni Sean dahil nagkaroon siya ng tyansa. Siguro natakot si Prin sa laban nila. O kaya naman ay payag na ito na maging girlfriend niya. 

Sa isang parte naman ng bar na iyon, natutuwa si Luna na hindi nakarating si Prin. It only means one thing, nadukot na ito ni Marvin. 

Tauhan ng Daddy niya si Marvin kaya alam niya na magaling ang lalaki sa paggawa ng illegal. 

Napag-alaman niya nang hindi sinasadya na malaking bahagi ng funds sa opisina ng mayor ang binubulsa ng lalaki. Kapag nalaman iyon ng daddy niya ay siguradong mapapatay si Marvin. 

Iyon ang naipanakot niya para dukutin nito si Prin.  

Sa opisina naman ni Cally… 

Mainit ang ulo ni Cally dahil sobrang late na at hindi pa dumarating si Prin sa opisina. Sinubukan niyang tawagan si Prin sa cellphone nito pero hindi ito sumasagot. 

Pinahanap niya kay Xander kung nasaan ang asawa niya sa mga oras na iyon. Ilang minuto lang, bumalik na si Xander sa harapan niya. 

"Ma-master, nasa ospital po si Miss Prin." 

Nabitawan niya ang ballpen. 

"What happened?" seryosong tanong niya habang binabasa ang body language ni Xander. 

"Papunta po ng Awesome Billiard Bar na malapit sa school si Miss Prin at ang kaibigan na si Bella nang may humarang sa kanila… Nasaktan po ang kaibigan niya kaya kinailangan ni Miss Prin na dalhin sa ospital… Pi-pinatawag po ni Miss Prin si Zuki para kunin ang mga taong humarang sa kanila."

Lalong nagdilim ang paningin ni Cally sa nalaman. Tumayo siya at niligpit ang gamit. 

Nagpahatid siya sa ospital kung nasaan si Prin. 

=====

Sa ospital… 

Nagkaroon din naman kaagad ng malay si Bella pero masakit ang noo niya. Hawak ni Prin ang icepack para hindi lumala ang bukol ng kaibigan. 

"P-Prin? Nasaan tayo?" 

"Nasa ospital tayo."

Bigla nitong naalala ang mga lalaking humarang sa kanila. Nakita ni Bella na ginulpi niya ang dalawang lalaki. Nanlaki ang mata nito. 

"Don't tell me binugbog mo silang lahat?!" nanlalaki ang mga mata nito at hindi makapaniwala. 

"Ano ka ba? Babae ako noh. Saka may baril 'yung isa 'di ba. May dumaan na pulis kaya tayo nakaligtas. Kaunting Judo lang alam ko saka nagkataon na mahina ang mga iyon." pagdadahilan niya kay Bella. 

"ahh…" tumango-tango ito. Napansin nito ang panyo na nakaikot sa kamay niya. May kakaunting bahid ng dugo iyon kaya kapansin-pansin. 

"Anong nangyari dito sa kamay mo?" tanong ni Bella 

Napakamot sa pisngi si Prin. Hindi niya alam ang isasagot. 

Nasa ganoon silang posisyon nang bumukas ang pintuan at iniluwa noon si Cally. Kinabahan si Prin. 

'Lagggoooot…' isip-isip niya. 

Nakalimutan niya ang cellphone niya at sabihan ito na nasa ospital siya. Masyado kasi siyang nag-alala sa kaibigan. 

Tulad ng inaasahan, hindi maganda ang mood ni Cally. Tumingin ito kay Bella saka kay Prin. 

"I'll get Prin, I will ask my assistant to send you home." mas pautos kesa nakikiusap na sabi ni Cally kay Bella. 

Naramdaman kaagad ni Bella ang tensyon sa sinabi ni Cally. Para bang kinukuha ng malamig na pagkatao nito ang enerhiya niya. 

"No.. No problem, President Han." nakangiti ng pilit si Bella. 

Si Prin sa tabi ay hindi alam ang gagawin. Magtatago ba siya sa ilalim ng hospital bed o pumasok sa loob ng medicine kit. Kahit ano, basta makaiwas lang kay Cally. 

Nabigla na lang siya ng binuhat siya nito at inilabas sa ward ni Bella. Salubong ang kilay na bitbit siya hanggang sa kotse. 

Hindi siya nito kinausap at hindi rin niya alam ang sasabihin. Para kasi siyang lalapain ni Cally anumang oras kapag gumawa siya kahit kaunting kaluskos. 

Inuwi siya ni Cally sa bahay nila. Nanghingi ito ng medicine kit sa kasambahay. 

Masama ang tingin nito na tinanggal ang panyo niya sa kamay at sinuri iyon. Tulad ng inaasahan pulang-pula ang kamao niya. Halos matapyas na ang ibang parte sa balat niya. 

Inabot kay Cally ang medicine kit nang lumapit ang kasambahay at nagsimula na linisin ang kamay niya. 

Ramdam ni Prin ang galit nito pero maingat nito na nililinis at ginagamot ang sugat niya. 

"Ca-Cally…" tawag niya sa pangalan nito. 

Hindi siya nito pinansin. 

"Husbie…" 

Galit na sinalubong nito ang tingin niya. 

"I have medicine for wound… Hu-huwag ka ng magalit." mahinang sabi niya dito. 

May mga maliliit na bote pa siyang dala mula sa Japan para sa mga galos na katulad ng sugat niya sa kamay. 

"You know why I am angry? Because of that stupid Sean Lucas! Kung hindi ka niya na-provoke, walang laban na magaganap sa pagitan niyo. Walang masasaktan ni isa sa inyo ni Bella. What more… ah Yeah! You called Zuki instead of me!" 

Napayuko si Prin dahil guilty siya. 

Hindi niya tinawagan si Cally dahil natatakot siyang malaman nito na may Billiard game siya sa araw na iyon. Kaya mas pinili rin niya na tawagan si Zuki. 

Mas nanaig ang kashungahan niya at takot kaysa sa tamang gagawin. 

Wala na siyang choice kung hindi ang magpa-cute kay Cally. Hinawakan niya ito sa braso at tinitigan sa mata. 

"Husbie, sorry na please… my hand is hurt and you are angry…" sabi niya na parang maiiyak. 

Napansin niyang kumalma naman ito ilang  saglit. 

"Huwag ka na magalit." sabi niya saka ito binigyan ng smack sa labi. Effective naman ang ginawa ni Prin dahil tuluyang kumalma si Cally. 

"Get your medicine! Pupuntahan natin ang Sean Lucas na iyon." 

Nanlaki ang mata ni Prin. Hindi siya papayag na harapin ni Cally ang lalaki. "Pero husbie…"

"What?" parang nanghahamon ang tanong at titig nito. 

"No..thing… he he" ang tangi niyang nasabi.