Chapter 48 - Intruducing: Boyfriend

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Alas otso ng gabi nang makarating si Cally at Prin sa Billiard Bar kung saan nanatili si Sean na uminom. 

Ginamit ni Prin ang kotse niya na bigay ni Cally patungong Awesome Billiard Bar. Ang pulang Mazda MX-5. 

Pansinin ang sasakyan ni Prin dahil sa sobrang kintab at tingkad ng kulay pula ng sasakyan niya. 

Cally wanted to bring his Ford Mustang, pinigilan lang ito ni Prin. Sapat nang nagdadala ito ng Maybach para ihatid siya sa school. 

Bumaba si Prin. Nakasuot siya ng leggings na makapal at long sleeve pero off-shoulder na blusa. All black. Mas kita ang maputi niyang leeg at balikat sa suot niyang iyon. 

Naroon pa sa lugar ang ibang mga schoolmate niya na nagplanong mag-inuman dahil walang pasok kinabukasan. Napansin siya ng mga ito na nasa labas at nagyoyosi. 

"Uy si Prin, dumating!" 

"Exciting nito." 

"Anong ginagawa niya dito. Tapos na kaya ang match." mga bulungan sa paligid. 

Nanatili si Cally sa loob ng sasakyan. Nakasarado ang hood ng kotse kaya hindi ito kita ng mga estudyante. 

Hindi naman alam ni Prin kung ano ang ginagawa nila doon. Ayaw pang bumaba ni Cally ng sasakyan. Sinilip niya ito. 

"Husbie, what are we doing here? Baba ka na ng sasakyan." 

Pero nakapikit si Cally sa loob habang nakaupo. Pakiramdam ni Prin ay iniinis lang siya nito. 

Ang hindi alam ni Prin sa parte ni Cally, mas gusto niya na lumabas ng lungga nito si Sean. Aabangan niya ang lalaki na kusa itong lumabas ng Billiard Bar. 

Hindi naman sila binigo dahil nabulungan kaagad si Sean ng kasama sa football team na naroon si Prin. 

Lumabas si Sean ng Billiard Bar habang pinipilit ni Prin na lumabas ng sasakyan si Cally. 

"Hello, Honeybabe" nakangisi na sabi nito. 

Inikot ni Prin ang katawan at hinarap niya ang lalaki. Gusto niyang bigyan ng headshot sa noo ang lalaki sa pagtawag sa kanya ng honeybabe. 

Bukod sa nilalagay siya nito sa alanganin, naghahanap din ito ng sakit ng katawan. 

Inikutan niya ito ng mata. "Cut the crap! I'm not your honey!" 

"So, bakit late ka ng dating?" nakangisi na tanong nito. 

"Hulaan ko payag ka na maging boyfriend ako noh?" dagdag pa nito. 

Naghiyawan ang mga ibang nakikiusyoso. 

"No! As far as I know, we have one point each out of three match." inis na sabi niya dito. 

Hindi niya na kailangan pang sabihin na may nangyari sa kanila ni Bella na hindi maganda kaya na-late siya ng dating. Baka iba lang ang isipin ng mga tao doon at isipin lang ng mga ito na nagdadahilan siya. 

"Aside from that, I already have a boyfriend!" matigas na sabi niya. 

Tumawa ito. "Alam mo honeybabe, lagi mo na lang sinasabi sa amin at kinukwento ang tungkol sa boyfriend mo na uugud-ugod. I am her,e mas bata at mas pogi" mayabang na sabi pa nito at parang hindi interesado. 

Gusto niyang suntukin sa mukha ang lalaki sa pagsabi na uugud-ugod si Cally. 

Bago pa magpatuloy sa pagsalita si Prin, bumukas ang pintuan ng kotse at lumabas si Cally. 

Nagbigay ng kakaibang awra na hindi basta-basta at hindi maipaliwanag. Hindi napigilan ng ibang mga kapwa niya babaeng estudyante na kiligin at magtilian. 

"Gosh! Ampogi besh! Pasilip ng panty ko kung nakakabit pa." 

"oh my gulay, san galeng si koyah?" 

"Sa kotse na dala ni Prin" sagot ng isa. 

"order ka ng kanin, tingin pa lang ulam na." 

Lumapit si Cally kay Prin at inakbayan siya habang matalim ang tingin na pinukol nito kay Sean. 

Napalunok si Prin. 'ito na nga ba ang sinasabi ko e,' 

"Honey, I never thought na uugud-ugod na pala ako." sarkastikong sabi ni Cally. 

Nabigla si Sean at napatanong 'ito ang sinasabi ni Luna na boyfriend ni Prin?' 

Napakuyom si Sean ng kamao lalo at napapansin niyang kinikilig dito ang karamihan ng schoolmates at fans niya sa school. 

"Si-sinabihan na kita noon! My boyfriend is a heartthrob! Kahit sa kuko, walang-wala ka!" sabi niya kay Sean. 

Kailangan niyang bumawi dahil kinakabahan siya kay Cally. 

Bago pa sila magpunta doon ay mainit na ang ulo nito. At hindi niya alam kung ano ang mood nito sa ngayon. Hindi niya rin alam kung natuwa ba ito sa pagpapakilala niya dito bilang boyfriend at hindi asawa. 

"Honey, bakit boyfriend lang ang pakilala mo sa akin?" mahinang bulong nito sa tenga niya. 

"Mamaya na ako magpapaliwanag." sagot niya. 

"Siguraduhin mong maganda ang paliwanag mo, okay?" sabi nito habang mabigat ang pagkakapisil sa balikat niya. 

Nainis lalo si Prin kay Sean. Kung hindi siya nito nilagay sa alanganin, hindi niya kailangan magpaliwanag. Siguradong parurusahan siya ni Cally kapag hindi ito natuwa sa dahilan niya. 

Si Sean sa kabilang banda ay nanonood lang sa dalawa na para bang walang pakialam sa paligid at tila ba pag-aari ng mga ito ang lugar. Nakaramdam siya ng inis.

"How about this, Prin and I have one point each. Let's do the final match! Kapag natalo kita.. Hihiwalayan mo si Prin." 

Prin "..." Dude you are looking for a beating.

Gustong magtaas ng kilay ni Cally, wala pa kasing humamon sa kanya. Ayaw niya rin sanang patulan ang dugyutin na si Sean. 

"What game?" ang naitanong niya sa lalaki.