Chapter 49 - Racing Game (1)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Gustong-gusto ni Prin na baliin ang leeg ni Sean sa mga pinagsasabi nito. Hindi ba nito alam na siya itong nalalagay sa alanganin?

"What game?" Tanong ni Cally kay Sean.

Ngumisi muna ang lalaki. 

"May dala kayong sports car, why not let's do a car racing." hamon nito. 

Tumaas ang kilay ni Prin.

"Sure. But I will let my girl do the racing." nakangising sabi ni Cally habang nakaakbay kay Prin. 

Ngumisi ito.

"Natatakot ka lang yata e. Hindi ka ba nahihiya na nagtatago ka sa saya ni Prin?" pang-iinis pa nito.

Nabwisit si Prin sa sinabi nito. Akmang aabante na siya para turuan ng leksyon si Sean nang pigilan ni Cally ang balikat niya. 

"Honey, calm down… maraming nanonood dito." matapos nitong ibulong iyon ay pinisil-pisil ni Cally ang pisngi niya. 

"Ako ba talaga ang natatakot? O natatakot ka na matalo ng isang babae?" ganti ni Cally. 

Halata na hindi nagustuhan ni Sean ang sinabi ni Cally. "Gusto ko lang ng patas na laban." 

"Kung ganoon… Bakit hindi tayong tatlo ang maglaban?" hamon ni Cally. 

Naghiyawan ang mga nasa lugar. "Whooo!!!"

"Exciting 'to"

"Bet ko si Kuya na pogi, mukhang magaling!"

"Bet ko si Sean. Nakita ko na siya maglaro ng race. Nanalo na rin siya ng ilang beses sa race. " 

"Yes. Sa school marami talaga siyang alam."

Nagkakagulo ang mga ka-eskwela ni Prin. Nagpatuloy si Cally. 

"Your bet is hiwalayan ko si Prin. Ang bet ni Prin ay tigilan mo na ang pangungulit sa kanya. Now, my bet is.. You will post on your social media account 'I am the biggest As*hole and idiot in my school'. Deal? I will also give you an Audi car as an additional reward" 

Lalong naghiyawan ang paligid.

Ngumisi si Sean. "Sure! Pero iisa lang ang sasakyan niyo." mayabang na sabi nito. 

Inikot ni Cally ang mata niya sa paligid at may nakita siyang sports car na isa pa. "Who is the owner of that car?" tanong niya.

Isang lalaki ang lumabas mula sa loob ng Billiard bar, Ang may-ari ng bar.

"Master Cally, sa akin po iyan." magalang na sabi nito. 

"Oh Jacob! You are here!" nagulat pa si Prin na makita ang lalaki. Kaibigan ito ng Daddy niya kaya kilala niya ang lalaki. 

"Ikaw ang may-ari nitong bar?" nanlalaki ang mata ni Prin. 

Kumamot sa ulo si Jacob. "Ahh yes.." medyo nahihiya na amin nito.

Inabot nito ang susi kay Cally. "You can use it kahit ilang araw pa." sabi nito. 

Pinakita ni Cally ang susi kay Sean at winagayway pa ito.  

"Oh look, we have another car now." nang-iinis na sabi ni Cally. 

Tumiim ang bagang ni Sean lalo na at handang magpahiram ng kotse ang may-ari ng bar. Mahina ang usapan ng tatlo at hindi nila nadinig dahil sa ingay ng paligid. Hindi niya alam kung ano ang meron ito at parang nakukuha nito ang lahat.

"Now. choose any racing circuit." sabi ni Cally. 

Mabilis na nag-isip si Sean.

"Hopper Racing circuit" nakangisi na sagot niya. Ilang beses na siyang nakapag-race sa lugar kaya kabisado niya iyon. Malapit lang ang racing circuit sa Billiard Bar kung saan sila naroon.

"Sure." Tinawagan ni Cally sa cellphone si Xander na nagbibihis na ng pajama nito sa oras na iyon para matulog na. Si Prin sa tabi ay tahimik at pinagmamasdan ang angilan ng dalawang lalaki. 

"Please reserve Hopper Racing Circuit."

"Ke-Kelan po, Master?" tanong nito sa kabilang linya.

"Now."  saka niya binaba ang tawag.

Assistant Xander "...."

Akala ni Xander ay ligtas na siya sa gabi na iyon dahil wala siyang naririnig kay Cally simula ng ihatid niya si Bella sa bahay nito. Kaya nga nag-plano na rin siya na matulog.

"We can all go now to Hopper Racing Circuit" deklara ni Cally.

Lalong nagkagulo ang mga estudyante.

=====

Sa una, walang plano si Cally na harapin si Sean. Nagkataon lang na hindi na niya nagugustuhan ang pangugulo nito sa asawa niya.  At tawagin pa nitong 'Honeybabe' si Prin.

Ang plano ni Cally sa una ay puntahan ito sa bahay. Pero nalaman niya kay Xander na nanatili ito sa bar, kaya sa Billiard bar sila tumungo.

Gusto rin niya na makita kung paano ito talunin ni Prin ng personal kaya pumayag siya na makipag race dito. 

Pagdating sa lugar, sinalubong kaagad si Cally ni Assistant Xander.

"Master, handa na po. You can use the race track overnight." pagbibigay-alam nito.

Halos buong laman ng Billiard bar ang tumungo sa lugar, hindi lang estudyante kundi pati ang iba pang manginginom dahil curious sila. Isa pa makakanood sila ng race ng libre. 

Nagulat pa si Prin dahil sunud-sunod na kotse ang dumating sa lugar para makipag-pustahan. 'Parang dumami yata?'

Ang hindi nila alam, kahit ang mga estudyante na nakauwi na ay pinilit na magpunta sa lugar na iyon nang malaman na may laban sa pagitan ni Prin, Cally at Sean.

Halos magtriple ang manonood. Doble pa noong araw nang maglaban si Prin at Sean sa shooting game.

Ang mga kotse na gamit nila; Gamit ni Prin ang Mazda MX-5. Kay Cally ang hiniram niyang Toyota Supra GT4s mula kay Jacob at and Nissan 370z ni Sean. 

"Here's the rule. Tatlong ikot ang gagawin sa track. Masyadong boring kung isang ikot lang."  sabi ni Sean.

"ang dami mong request pero Sige. Kahit tig-limang ikot pa ay okay lang." sagot ni Cally.

Bago magsimula, lumapit si Prin kay Cally. Hindi niya alam kung marunong si Cally sa racing. Wala siyang balita kung marunong ito doon. Di maiwasan na mag-alala siya dito.

"Husbie, Are you sure about the race?"

Tinitigan ni Cally sa mata si Prin "Ehh... I think natatakot ka lang na hiwalayan kita."

Prin "...."

"Kiss me. Malay mo baka gumaling ako bigla." sabi nito na tinuturo ang labi.