Ang Hopper Racing Circuit ay hindi basta basta at kailangan ng Membership card bago makapaglaro ang kahit na sinong racer.
Paano pa kung rerentahan mo ang buong lugar? Kailangan may sinasabi ka sa buhay bago mo iyon magawa.
Iniisip ngayon ni Sean kung paanong mabilis na nakapag-desisyon ang kasama ni Prin at narentahan nito ang buong lugar? Mali ang mga nakuha niyang impormasyon tungkol dito kaya naiinis siya simula pa lang nang makita niya ang boyfriend ni Prin.
Ang race track ay may kabuuan na 3,200 meters. May lapad na 12 meters. Ang kabuuang ikot ay may 14 turns, runs in a clockwise direction.
"Both of us have a bet against Sean. Pa'no yung sa ating dalawa?" tanong ni Cally kay Prin.
"Hmmm. If I win against you, Let's skip the tutor session for one month." nakangising sabi ni Prin.
"What if I win?" tanong ni Cally sa kanya.
Napaisip bigla si Prin. Sa mga oras na iyon, walang kailangan si Cally, sa materyal man, pinansyal o kung ano pa.
"Ano ba ang gusto mo?" curious na tanong niya.
"Kiss" tudyo nito.
Pinalo niya ito dibdib. "I'm serious!"
Hinawakan nito ang kamay niya at inikot ang isang braso sa bewang niya. "Oh Yeah, bakit nga ba kailangan ko pang ipusta iyon 'di ba? Samantalang, nakukuha ko naman…" matapos iyon ay hinalikan siya nito sa pisngi.
"My wish is… you cook something for me."
Nakatingin lang sa kanilang dalawa ang mga tao sa paligid. Hindi maiwasan na mainggit kay Prin ng mga kababaihan lalo na't ang sweet nila tingnan malapit sa 'Start' lane.
Napapaisip si Prin kung bakit malaki ang pinagbago ni Cally. Dati rati ay tahimik lang ang asawa niya, Seryoso at hindi maloko. Ngayon ay nagagawa na ni Cally ang magbiro na katulad ng ginagawa nito sa kanya sa oras na iyon.
Si Sean sa isang gilid ay kasama ang mga ka-team niya sa football.
Naiinis siya sa boyfriend ni Prin. Sisiguraduhin niya na babawi siya sa race na iyon para maghiwalay ang dalawa at makapasok siya sa eksena.
Sirang-sira na ang reputasyon niya sa mga ka-eskwela niya lalo na kapag natalo ulit siya sa gabi na iyon.
Natalo siya ng isang babae sa shooting ng bola at kapag natalo muli siya ni Prin, wala na siyang mukha na maihaharap sa school lalo at kailangan niyang mag-post sa social media.
"Pare, upakan na lang kaya natin." sabi ng isa.
"Mga ugok, pansin niyo ba na hindi siya isang simpleng tao?" pinagalitan ito ni Sean. kahit pa sabihin na basagulero ang mga kasama niya sa football team at pare-parehas na may sinasabi sa buhay, hindi naman siya pwedeng magpadalos-dalos.
Ramdam ni Sean na hindi isang simple lang ang boyfriend ni Prin. Pumayag lang siya na makipag-race dahil sigurado siya na hindi niya nakikita doon ang lalaki at sigurado na mananalo siya.
"Makinig kayo sa akin, hindi niyo siya pwedeng galawin kung gusto niyo pa na maglaro ng football." sabi niya sa mga ito.
Ang ipinagtataka lang niya, kung hindi si CEO Han ang boyfriend ni Prin, sino ang lalaking kasama nito ngayon?
Hinihintay lang nila ang coordinator ng mismong Racing circuit para patas ang laban.
Hindi naman nagtagal ay dumating ang coordinator na magbibigay ng signal para pwede na silang maglaban-laban.
Sa kabuuan, halos sampung kilometro ang tatakbuhin nila sa race na iyon at maaaring mapudpud o pumutok ang gulong kung hindi iyon matibay. Mabuti na lang at may mga 'sinasabi' ang sasakyan nilang tatlo.
Pinapunta na silang tatlo sa mga gagamitin nilang kotse.
"Honey, hindi mo pa ako na-kikiss, aalis ka na agad? Paano na ko mananalo?" reklamo ni Cally sa kanya.
Nakaramdam ng hiya si Prin dahil halos puno ng audience sa lugar.
Hindi na siya naka-protesta dahil hinila na siya ni Cally at binigyan ng halik sa labi. Saglit siyang natuliro sa ginawa nito.
This guy! Mas kumakapal ang muks sa paghalik-halik sa kanya kahit sa publikong lugar.
"Good luck Honey!" sabi nito na para bang para sa kanya ang good luck kiss at hindi para dito. Saka nito tinungo ang kotse na gagamitin.
Pulang-pula ang mukha ni Prin at halos gusto niyang magtago sa loob ng sasakyan at huwag nang lumabas.
Nagready na silang tatlo sa kani-kanilang mga sasakyan.
Nag-focus si Prin at i-eenjoy niya ang laban na iyon habang kasama si Cally. Gusto niyang manalo ng first place para kung sakali man na matalo si Cally, maipamumukha niya pa rin ang pusta niya kay Sean.
Nakaready na rin ang coordinator na may hawak ng bandera bilang signal.
"Ready.. Get set.. Go!"