"Ready... Get Set... Go!"
Pagkasenyas ng 'Go' ay sabay-sabay silang nagsipag-andaran. Habang nagmamaneho, ina-aral na ni Prin ang kalsada na dinadaanan.
Halos magkakalapit lang ang sasakyan nila sa simula. Matapos ang dalawang kilometro mula 'Start line', Si Sean ang nangunguna ng sampung metro kay Prin at nangunguna naman si Prin ng limang metro kay Cally. Napangisi si Sean habang nagmamaneho.
Matapos nilang maikot ang buong track, nangunguna si Sean ng fifty meters kay Prin at fifteen meters ang layo ni Cally mula kay Prin. Normal lang iyon dahil kabisado ni Sean ang track.
Naghihiyawan ang mga tao sa paligid lalo na at may kanya-kanyang pusta ang mga ito.
Napangisi si Cally. Sa unang pag-ikot niya, nakabisado niya kaagad ang mga pagliko. Alam niya kaagad kung ilang metro ang mga pagitan bago ang susunod na liko nila.
Ilang segundo lang matapos niyang maikot ang isang buong track, halos kasabay niya na si Prin sa track. Pareho nilang binilisan pa.
Matapos ang ikalawang ikot, fifteen meters na lang ang layo ni Sean sa dalawa na nangunguna pa din.
Maya-maya, nakaungos kaagad si Cally kay Prin ng sampung metro.
Mas binilisan ni Prin magmaneho dahil siya ang nasa huli. 'This guy!'
Akala kasi ni Prin ay hindi marunong si Cally sa car racing. Nag-aapoy ang mata niya at mas determinado na makaabante pa. Okay lang na matalo siya kay Cally, pero hindi niya hahayaan na matalo siya ni Sean.
Mas binilisan ni Cally at nakalapit siya sa kotse ni Sean dalawang kilometro na lang ang layo sa 'finish line'.
Halatang ayaw siyang paunahin ni Sean kaya ang likot nito sa bungad.
Isang kilometro bago ang finish line, nakasunod na ang sasakyan ni Prin. Patuloy ang likot ng sasakyan ni Sean. Kada kakanan siya ay kakanan din ito, kapag kakaliwa ay kakaliwa rin ito at ayaw siyang palusutin.
Naniniwala si Cally na marunong talaga ang lalaki sa tricks.
300 meters…
200 meters…
100 meters…
Dahil alam na ni Cally ang galaw ni Sean, nagawa niyang lusutan ang sasakyan nito sa 70 meters bago mag-finish line. Nangunguna si Cally sa track kaya mas binilisan niya pa.
Mas matindi ang kaguluhan nang makita ng manonood ang ginawang paglusot ng sasakyan ni Cally sa sasakyan ni Sean.
Sampung metro naman ang layo ni Prin kay Sean na nataranta dahil nalusutan ito ni Cally. Nangigigil si Prin na pinilit din na ginilid ang sasakyan makalusot lang kay Sean. Inangat niya ang parehas na kaliwa ng gulong sa pader sa huling liko.
Ang parehas na kaliwa ng gulong ng Mazda ay nasa pader. At ang parehas na kanan ay nasa loob ng track.
Nakatagilid ang kotse niya sa pader malusutan lang ang kotse ni Sean.
Nanlaki ang mata ng mga manonood sa ginawa ni Prin na napaandar niya ang kotse sa pagitan ng pader at sa track.
"F*ck what a move?!" hindi napigilan na magmura ng ilan.
Kahit ang coordinator ng Racing circuit ay napabilib ni Prin.
"Sh*t! I can't believe she can do that! Kailangan ng limang taon na praktis bago ko 'yun magawa."
Matapos niyang makalusot sa lalaki, mas lalong naghiyawan ang mga nasa paligid.
Matapos ang laban, nanalo si Cally na nangunguna ng 10 meters kay Prin, naungusan naman nito ng 5 meters si Sean. Overall, panalo si Cally at second place si Prin.
Walang nagawa si Sean, kung hindi ang suntukin ang manibela ng kotse niya nang makahinto. Hindi niya akalain na matatalo siya ng dalawa.
Natuwa naman si Prin na nanalo laban kay Sean. Lumapit siya kay Cally na kalalabas lang ng sasakyan.
"Husbie, Hindi mo sinabi na marunong ka pala sa racing"
"I never said na hindi ako marunong. Though, this is my second time to join a race" sabi ni Cally.
Nanlaki ang mata ni Prin. "Second time mo pa lang ito? E, bakit nanalo ka na agad?" hindi siya makapaniwala.
"'Wag mo nang alamin, hindi mage-gets ng mga may mahinang IQ na tulad mo." sabi ni Cally.
Tinandaan niya ang labing apat na mga pagliko at kung ilang metro bago ang susunod na lilikuan. Sa utak na meron si Prin, duda siya kung matatandaan nito ang mga metro kahit ang ika-apat pa lang.
Napapa-iling si Cally.
Hindi naman niya minamata ang katalinuhan ng asawa, ayaw niya lang masabihan ng -- 'Ano ba iyan? nagdudugo na utak ko sa mga sinabi mo' at parehas lang silang maghihirap. Siya mahihirapan sa pag-explain at ito naman sa pag-intindi.
Naguluhan si Prin sa trick na ginawa ni Cally. "Tell me, so I can use the same trick next time." pilit niya dito.
Tinitigan siya ni Cally sa mata. "Next time? There is no next time. Lalo at nakita ko na delikado ang huling ginawa mo."
Nakanguso si Prin at humalukipkip. Umandar na naman kasi ang pagka-bossy ni Cally.
"Kaysa alamin mo kung paano ako nanalo, mas mabuti pa na isipin mo na kung ano ang lulutuin mo para sa akin."
Napalunok siya. 'Hmp! Mas okay na magluto kesa makipaghiwalay kay Cally.'
"At saka, kailangan mo akong bigyan ng magandang dahilan kung bakit boyfriend lang ang pakilala mo sa akin." dagdag ni Cally.
Nag-aapoy ang tingin ni Sean sa kabilang kotse nito, nakasilip ito sa mag-asawa sa side-view mirror. Ayaw niyang lumabas ng sasakyan dahil wala na siyang maiharap na mukha sa buong school na halos karamihan ng estudyante ay naroon sa lugar.
Ramdam ni Cally na walang maiharap na mukha si Sean kaya lumapit siya sa kotse nito.
"Pa'no Mr. Sean Lucas? Aasahan ko na ba na titigil-tigilan mo na ang nobya ko? Isa pa, hihintayin ko ang ipo-post mo sa social media account mo." pagkasabi ni Cally ng bagay na iyon, tumalikod na siya at sumakay sa pulang kotse ni Prin.
Naiwan si Sean na binalewala ang sinabi ni Cally. Umismid lang ito.
'Hmp! Sino ka para sabihan ako ng gagawin?'