Chapter 52 - Cally's good show

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Ang unang ginawa ni Prin at Cally pagdating ng kinabukasan ay pinuntahan si Marvin na kasalukuyang nasa Matsui Villa. 

Alas syete pa lang ng umaga ng mga oras na iyon.

Sa parte ni Marvin, hindi niya akalain na may koneksyon ang babae na pinadudukot sa kanya sa mga Matsui. 

Nang magising siya, mukha ni Zuki ang bumungad sa kanya nang nagdaang araw.

Kilala ang grupo ni Zuki dahil kay Rob Matsui. Alam niya na hindi kakayanin ng isang tulad niya ang isang Zuki, lalo na ang isang Rob Matsui. 

Kahit ang pinaka-talamak na gang noon ay napatumba ni Rob kaya nga hindi pwedeng hindi nila kilala ang lalaki. Anak ito ng isa sa mga lider ng Yakuza group at hindi pwedeng magpadalos-dalos sa lalaki.

Sa isang pitik kayang pumatay ng lalaki, Ano ang magagawa ng isang katulad niya na utusan lamang ng Mayor?

Pumasok si Cally sa Main hall ng Matsui Villa kung saan ginagawa ang paghuhukom. Doon din hinusgahan ang anim na kidnappers. Nagtagpo ang mata nila ni Marvin.

Nakatali ang mga kamay ni Marvin sa likuran at puro pasa ang mukha. Hindi niya sinasabi sa mga ito kung sino ang nag-utos sa kanya na ipadukot ang babae dahil siguradong papatayin din siya ng Mayor kapag tinuro niya si Luna.

Hindi pa man nakakaupo si Cally, lumitaw sa paningin niya ang babae na kakapasok lang. Nanlaki ang mata ni Marvin.

Matalim ang tingin ni Cally na nakatingin kay Marvin. 

"Sabihin mo sa amin, sino ang nagpapadukot sa asawa ko?" Tanong niya dito. 

Nagtaka si Marvin sa termino ng binatang lalaki na asawa nito ang babaeng katabi pero hindi pa rin sumagot si Marvin. Ngumisi si Cally. 

"Ang totoo, kahit hindi mo sabihin ay alam ko kung sino at dadalhin kita sa kanya ngayon din mismo."

Nagsimulang magsalita si Zuki. "Magpasalamat ka at si Master Cally lang ang kaharap mo, kung nandito sa Pilipinas ang tatay ni Miss Prin, malamang kagabi pa lang ay nagsimula ka nang magsalita, wala na ang kamay na itatali sa iyo at wala ka na sa harap namin ngayon."

Inangat ni Marvin ang paningin sa babae. Ang babaeng ito ang gumulpi sa kanya nang nagdaang araw. 

Naalala niya ang sinabi ng anim na kidnappers noon. Na nagawa ng babae na ilagan ang mga bala gamit lamang ang isang tubo. Totoo nga kaya ang sinasabi ng mga ito? Posible na ito rin ang dahilan kung bakit biglang nawala ang anim.

Napapikit siya at pinipigilan ang magsalita.

"Dalhin sila." utos ni Cally kay Zuki saka ito tumayo.

Dinala si Marvin at ang dalawa pang kasama nito sa isang puting Van. 

"Kung ako sa inyo ay magdasal na kayo dahil hindi nagbibiro si Master Cally." banta ni Zuki. 

=====

Huminto ang sinasakyan nila Prin sa tapat ng isang malaking bahay. Nilingon niya ang asawa sa tabi. 

"Ahm.. anong ginagawa natin dito?" tanong niya.

"For a good show." ang sagot ni Cally.

Nag-doorbell si Zuki. Binuksan ng isang guard ang maliit na gate sa gilid. Kumunot ang noo nito. 

"Sir Zuki?" nagliwanag ang mukha ng lalaki.

Tumaas ang gilid ng labi ni Zuki. 

"Mabuti naman at hindi na ako magpapakilala. Pakisabi kay Mayor Villanueva na narito si Master Cally Han at may hinanda kaming regalo para sa kanya." sabi ni Zuki sa guard. 

Ilang sandali lang silang naghintay bago binuksan ng todo ang gate para makapasok ang sasakyan nila sa bakuran.

Nilingon siya ni Cally. "Are you ready for a good show? You must prepare my kiss." ang sabi nito.

Prin "...."

"Kiss your *ss!"

Nangingiti si Cally ng lihim. Pumasok ang Mayback niya sa bakuran ng malaking bahay ng Mayor. 

Inakay siya ni Cally na bumaba. Sinalubong kaagad sila ng may-edad na lalaki na halatang bagong gising. Naka-roba lang ito. Alas otso lang kasi ng mga oras na iyon.

"Master Cally, hindi ko inaasahan ang pagdating mo sa bahay ko. Pagpasensyahan mo na kung hindi maganda ang kasuotan ko. Nagmadali kasi ako na harapin ka." halatang nahihiya ito na harapin siya.

"Tuloy… tuloy…" Aya nito para pumasok sila sa loob.

May business kasi si Mayor Villanueva kay Master Cloud. Kakailanganin niya ng dagdag na funds na magmumula sa MGM kaya kailangan nito na magpakabait. 

Naririnig niya lang ang pangalan ni Cally na bata pa nga daw ito at marami na ang naipasa na bid at alam ng Mayor na malaki ang tulong na ibibigay ng batang anak ni Master Cloud sa kanya. 

Nabigla siya na naghihilik pa nga siya ay ginising siya na asawa at sinabi na may bisita sila at si Cally Han ang dumating. Halos mahulog pa siya sa hagdan dahil sa pagmamadali.

"Hindi na kita aabalahin Mayor, saglit lang ako." sumenyas si Cally kay Zuki.

Binuksan ni Zuki ang puting Van at hinila palabas si Marvin at ang dalawa pang kasama. Naguluhan man ang Mayor, tumiim ang bagang nito. 

"M-mayor…" usal ni Marvin. Natakot siya

Malakas ang loob ng batang si Cally para ihatid sa kanya ang mga tao niya na halos hindi na niya makilala dahil sa mga bahid ng dugo at pasa sa mukha. 

Diretso siyang tumingin kay Cally. "Ano pong ibig sabihin nito?"

"Kayo dapat Mayor ang dapat kong tanungin at dapat na magpaliwanag. Ano ang dahilan para dukutin ng mga tao niyo ang asawa ko?" pailalim ang tingin ni Cally.