Lumapit ang ibang kasama ng Mayor nang mapansin na nilabas si Marvin sa puting sasakyan at may hindi magandang nangyayari.
Nagulat si Mayor Villanueva sa nalaman na gustong dukutin ni Marvin ang asawa ni Cally. Tiningnan nito si Marvin. Sinubukan nito na ilusot ang nangyari.
"Ahm... Master Cally, baka po meron lang hindi pagkakaintindihan sa nangyari." sabi ni Mayor.
Ismid ang naging sagot ni Cally.
"Mayor, hindi ito isang pagkakaintindihan. Sinubukan niya noong nakaraang araw pa na ipadukot ang asawa ko sa talamak na kidnappers, ang 'Wolf Wise Idiots Gang'. Too bad they are now dead"
"Kahapon, sinubukan muli na dakpin ni Marvin ang asawa ko. So tell me Mayor, mayroon ba akong hindi naintindihan?"
Kumuyom ang kamao ng Mayor. "Ano ang ibig sabihin nito Marvin?"
"M-mayor..." bumalot ang takot kay Marvin.
Kinuha ng Mayor ang baril ng kasama at itinutok kay Marvin.
"Magsalita ka!" Singhal nito.
"Mayor! Si Miss Luna siya po! Siya po ang nag-utos sa akin!" sagot ni Marvin. Wala siyang ibang kinatatakutan kundi si Mayor Villanueva.
Naging seryoso ang mukha ni Prin nang madinig ang pangalan ni Luna.
Lalong kumuyom ang kamao ng Mayor. Wala si Luna sa bahay sa kasalukuyan kaya hindi niya alam ang gagawin. Nagpaalam ito nang nagdaang gabi na pupunta sa kung saan. Ngumiti ng pilit si Mayor kay Cally.
"Master Cally, baka naman po pwede na pag-usapan ang tungkol dito. Ako na po ang humihingi ng paumanhin. Pakunswelo na lang po sa akin. Isang Prinsesa ang turing namin sa anak ko at---"
"Too bad Mayor, because I am not joking." Kinuha ni Cally ang kamay ni Prin na may galos.
"See this..? Maayos pa sana ang magandang kamay ng asawa ko. She was hurt."
Prin "..." yes dear, nasaktan ang kamay ko sa pag-gulpi kay Marvin.
"Marvin tried to shoot her and my wife's friend has been hospitalized. So tell me… on what part should I acknowledge your sorry?"
Walang nasagot si Mayor kung hindi ang barilin sa ulo si Marvin. Bumagsak na lang ang katawan nito at dumaloy ang dugo mula sa noo.
Matapos iyon ay tinutok ni Mayor ang baril kay Cally.
Hinarang kaagad ni Zuki ang katawan nito at tinutok din ang baril nito kay Mayor. Tinutok ng mga kasama ni Mayor ang mga baril ng mga ito sa kanila.
Si Prin ay tahimik lang, sinabihan siya ni Cally na manood kaya wala siyang ginagawa kung hindi ang manood.
Sigurado naman siya na walang gagawin sa kanila ang Mayor at kung mayroon man… ayaw niyang isipin na mayroon dahil siguradong hindi sila ang dehado.
"Master Cally, mukhang nakalimutan mo yata na nasa loob ka ng teritoryo ko." banta ni Mayor Villanueva.
"Oh, really? Mayor, do you know Rob Matsui?" tanong ni Cally.
Napalingon ang lahat ng kasama ni Mayor kay Cally nang madinig ang pangalan ni Rob.
"Unfortunately, he is my father-in-law. Sa palagay niyo, ano ang mangyayari kapag nakarating sa kanya ang balita na ang prinsesa niya ay binalak na gawan ng masama ng prinsesa ng Mayor?"
'Damn!' isip-isip ng mayor.
Tumingin ito kay Prin at ibinaba ang baril na nakatutok kay Cally. Sumunod ang lahat na ibinaba rin ang mga armas.
"Ano ang gagawin ko para makalimutan mo ang nangyari na ito?" halos hindi masabi ni Mayor.
Sumenyas si Cally kay Zuki. Pumasok si Zuki sa puting van at may kinuha itong isang leather whip, isang bagay ng pagpaparusa at ibinigay iyon kay Mayor.
Tumaas ang kilay ni Prin nang makita ang bagay na iyon.
Napapikit ang Mayor at nagpipigil ng galit. "Pa'no Mayor, uuna na kami dahil iyan lang ang sinadya ko dito. Aasahan ko ang magandang balita mula sa iyo." sabi ni Cally at inakay na siya na bumalik ng sasakyan.
Nakatingin lang sa mga papaalis na sasakyan ang Mayor at agad na pinatawag si Luna.
=====
Pinaimbestigahan ni Cally ang pagkatao ni Marvin at lumitaw ang pangalan ni Mayor Villanueva.
Nang una ay may ideya na si Cally na ang anak nito ang may pasimuno ng lahat dahil nasa parehas na eskwelahan si Prin at ang anak nito.
At hindi maglalakas ang loob ng Mayor na galawin ni isa sa mga Hans. Aabangan lang ni Cally ang mga may utang sa kanila ni Prin.
Si Sean at Luna dawit si Mayor na tatay nito.
Ilang minuto na sila nagb-byahe nang napansin ni Prin na patungo silang probinsya ni Cally. Hindi na nakasunod ang van ni Zuki.
"where are we going?" tanong niya kay Cally.
"Magbabakasyon."
"Wala kang trabaho ngayon?" hindi makapaniwala si Prin. Madalas kasi na nasa opisina si Cally.
"Meron. Being a husband is my Job during weekends"
Nilayo ni Prin ang mukha niya at tumingin sa labas ng bintana dahil alam niyang namumula ang pisngi niya sa sinabi nito.
Napansin niya na hininto ni Cally ang sasakyan sa gilid.
"Bakit tayo huminto?"
"To get my reward" inangat ni Cally ang kaliwang kamay to caress her cheeks.
"See? You are too excited to give my reward"
Bago pa maka-alma si Prin, he leaned closer to meet her lips.