Habang papalayo si Prin at Cally ay papalakas ng papalakas din ang ulan sa lugar na dinadaanan nila.
May limang oras nang nagba-byahe si Prin at Cally, tila walang plano ang kalangitan sa pagtigil sa masamang panahon. Mas lalong tumindi ang pagbuhos ng malakas na ulan. Ma-traffic na din ang daan kung saan sila patungo.
"San ba tayo pupunta?" nilingon ni Prin si Cally sa tabi.
"Sa isang resort na nasa tuktok na bahagi nitong bundok. Nasa gitnang bahagi na nga tayo kung tutuusin."
"Wala kang ideya na uulan?" hindi makapaniwala si Prin.
"meron" sagot ni Cally.
Tiningnan ni Prin ang asawa niya. "Why are we here then?"
"ulan lang naman ito." katwiran nito. Inikutan ni Prin ng mata si Cally, sa taas ng ego na meron ang lalaki alam niyang hindi ito aamin na nagkamali ito ng tantya sa panahon.
"mukhang hindi ito isang simpleng ulan." sa tingin ni Prin ay may bagyo at nasa lugar ang pinakasentro nito.
Dahil nasa gitnang bahagi sila ng bundok. Kulay brown ang tubig na dumadaloy pababa. Mabilis ang pagragasa ng tubig na halatang mas malakas ang ulan sa bandang itaas na bahagi ng bundok.
Walang ideya si Prin na biglang uulan lalo na ang dalhin siya ni Cally sa malayo kaya walang siyang dalang extra na pamalit o kahit na jacket na pwede niyang gamitin.
Isang simpleng bestida lang ang naisip niyang suotin kaya ramdam niya na ang lamig sa braso at binti. Napansin iyon ni Cally. Pinatay nito ng tuluyan ang aircon sa sasakyan.
Yakap ni Prin ang sarili.
"Idiot, we have blanket at the back." sabi nito sa kanya.
Nilingon niya ang backseat at may nakita siyang nakatuping kumot na maliit. Kinuha iyon ni Prin at pinantakip sa sarili. Napansin niya na isang polo lang ang suot ni Cally.
"Hindi ka ba nilalamig?"
"I'm good. Unless... gusto mo lang makayakap sa akin. Walang problema, dagdagan mo na rin ng kiss" tudyo nito.
Tiningnan niya ito ng masama. Sumosobra na itong lalaki na 'to sa pang-aasar sa kanya.
Maya-maya pa ay may kumatok na enforcer sa sasakyan kaya binaba ni Cally ang bintana niya sa gilid.
"Sir, atras na lang po kayo pabalik. Nasira po kasi ng tuluyan yung tulay na nire-renovate sa bungad" sabi nito kay Cally.
Hindi maiwasan na mapamura si Cally. Wala silang magawa kung hindi ang bumalik. Pero bago pa sila makababa ng bundok pinigil silang muli ng rescue team sa lugar.
"Sir, pasensya na. Mataas po ang baha sa paanan nitong bundok at duda po ako kung makakadaan ang sasakyan niyo."
Gustong mag-init ng ulo ni Cally. Nagkamali kasi siya ng tantya sa araw na iyon at hindi pa sila nagtatanghalian ni Prin. "May matutuluyan ba kami na malapit kung sakali?"
Napakamot ng ulo ang lalaki na pumigil sa kanila. "Saglit lang Sir, magtatanong lang ako."
Umalis ito saglit.
Nagsimula naman na magtingin si Cally sa cellphone para i check kung may inn na malapit o kahit na ano na pwedeng tuluyan. Nahirapan siya na magtingin dahil napuputol pati ang signal niya.
Kinatok sila muli ng lalaki.
"Sir, dalawang kilometro mula daw dito… Akyat lang daw kayo saglit tapos kanan sa maliit na eskenita." sabi nito sa kanila.
"Okay. salamat" Tapos ay tinungo nila ang tinuro ng enforcer.
Tahimik sa Prin na nasa gilid.
"Are you bored? I'm sorry, hindi ko kasi alam na matindi ang ulan. Iba ang binigay sakin ng App kaninang umaga nang magtingin ako." pagpapasensya nito sa kanya.
Napabuntong-hininga na lang si Prin. Wala rin naman siyang magagawa. Ang mahalaga kasama niya si Cally.
=====
Sa bahay ng Mayor…
Dumating si Luna ilang oras lang nang makaalis ang sasakyan ni Cally. Isang sampal ang sumalubong sa kanya mula kay Mayor.
"Honey!" lumapit kaagad ang Mommy niya sa kanya.
Dumaloy ang luha sa pisngi ni Luna at namula ang isang parte ng pisngi. "Why did you hit me?"
Yumakap siya sa Mommy niya.
"Magpasalamat ka nga at isang sampal lang ang inabot mo sa akin! Why did I hit you? Marvin is now dead because of you! Hindi ko maintindihan kung bakit may tanga akong anak na katulad mo!"
Umiyak si Luna hababg nasa bisig ng Mommy niya.
"Why? Because you dared to touch Matsui's child!" Akmang lalapit ito muli nang pigilan ng Ginang.
Wala naiintindihan ang asawa ng Mayor sa ginawa ng anak at hindi rin niya alam kung sino ang Matsui na sinasabi ng Mayor dahil isang simpleng babae lang ang Mommy ni Luna.
"Don't you dare touch my child!" galit na sabi nito. Si Luna sa isang banda ay natigilan nang madinig ang apelyido ni Prin.
Dinuro siya ng Mayor. "Dahil sa ginawa mo, pati ako ay nalagay sa alanganin! Wala akong nagawa kun'di patayin si Marvin na isa sa mga pinagkakatiwalaan ko!"
"Ano bang nangyayari?!" singhal ng ginang, patuloy lang sa pag-iyak si Luna sa tabi.
"Inutusan lang naman ng magaling mong anak na dukutin ang anak ng isang Rob Matsui! A grand-daughter of Yakuza leader! What else? She is Master Cally Han's wife!"
"Dahil sa iyo, ilang milyon ang mawawala sa pamilya natin!" Halatang nanggagalaiti sa galit ang Mayor at gustong tapusin na ang anak.
Napatigil ang mag-ina. Si Luna sa mga nalaman tungkol sa pagkatao ni Prin, ang ginang naman ay hindi makapaniwala na makakagawa ng ganoon ang anak.