Chapter 55 - Love Room

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Nakasalampak sa sahig si Luna habang hawak ang pisngi na sinampal ng Mayor at umiiyak. 

"Dad.. What do you mean Cally Han's wife?" tanong ni Luna.

"Cally Han, President of MGM! Idiot!"

Lalong tumiim ang bagang ni Luna. Mayabang pa naman siya kay Sean at sa mga kaibigan na isang cheap si Prin at sinabi na kabit ito. 

Sinong matutuwa na malaman na asawa ito ng isang Presidente ng MGM?

"He even asked me to punish you!" galit na galit si Mayor. Hindi niya kasi akalain na sa isang bente tres anyos lang siya susunod. 

"Hon… W-what are we going to do?" tanong ng Unang Ginang. Nakaramdam ito ng takot para kay Luna.

Natahimik sila ng ilang saglit.

"May naiisip ako." sabi ng Mayor. 

"Isang paraan lang... Luna, kailangan mong akitin si Master Cally!"

=====

Isang hindi kalakihan na resort ang tinuro kay Cally at Prin. 

Paglabas nila ng sasakyan halos hindi na makilala ang kotse ni Cally dahil putikan ang gilid ng pintuan nito. 

Halata ni Prin na nagpipigil ng inis ang asawa niya. 

"Kasalanan mo iyan. Tara na sa loob at nagugutom na talaga ako." Reklamo ni Prin.

Pumasok na siya at iniwan si Cally na sinusuri ng mabuti ang kotse nito. Mukhang tama ang kasabihan nila na 'Mas mahal ng mga kalalakihan ang kotse ng mga ito kaysa sa babae.'

Si Prin na ang kusang nagtanong sa babaeng nasa bungad na sa hula niya ay ang tauhan ng resort na iyon. Tingin ni Prin disisais lang ang babae o kaya disisyete ang edad.

"Hello, magb-book sana kami ng asawa ko." Sabi ni Prin. 

Hinanap nito ang sinasabi niyang asawa. Sakto naman na pumasok si Cally. Natigilan ito at titig na titig kay Cally na akala mo ay nakakita ng artista.

"Ahm Miss?"

Binalik nito ang paningin sa kanya. "Sori po Mam!" Kumamot ito sa ulo.

Ngumiti lang si Prin.

"E, ilang araw po kayo dito, Mam?" Tanong nito.

"Magpapatila lang kami saglit." Nakangiting sagot ni Prin. Halatang nalungkot ang babae.

"Anong klase pong hotel room Mam?"

Nag-isip si Prin kung mayroong suite doon sa lugar, tinanggal niya din sa isip dahil duda siya doon.

"Yung may maayos na kama, yung malambot at masarap."

Nag-isip kaagad ang babae ng hindi maganda sa kanila. "Mayroon pa po?"

"Yung malawak, yung makakaikot kami kahit saan."

Si Ate "...."

Kumamot ito sa ulo. Sa tingin ni Ate ay hindi talaga sila mag-asawa ni Cally at naghahanap lang ng init ng katawan dahil umuulan.

Meron silang kwarto para sa mga katulad nitong dalawa. Saktong-sakto sa deskripsyon ni Prin. Sakto na kalilinis lang nito nang umaga ng araw na iyon.

Kinuha nito ang mga susi. Pumili ito ng isa. "Ito po Mam, 3,500 lang po ang bayad kada araw."

"D-do you accept credit card?" Kinuha ni Prin ang wallet niya.

"Naku Mam wala po e."

Nakita niya na kaunti na lang ang cash na laman ng pitaka niya. 500 lang. Madalas kasi na puro credit card ang gamit niya. Nakita iyon ni Cally.  

Kinuha ni Cally ang sariling pitaka. Kinuha ang lahat ng lilibuhin at mabilis na sinuksok sa pitaka ni Prin habang nakabuka pa iyon ng todo.

Nagulat si Prin sa ginawa ni Cally. Binilang niya iyon 25 piraso lahat. Ibig sabihin binigyan siya nito ng 25 thousand. Bigla siyang nahiya pero ayaw niyang pag-usapan ang pera sa tapat ni ate.

Hindi rin naman nakaligtas kay ate ang inakto ni Cally kaya lalo itong nakaramdam ng inggit kay Prin. 

'Hindi lang mukhang prinsipe si Koya. kung umakto, parang si Prince Harry sa yaman. Haays' isip-isip nito.

Kinuha ni Prin ang apat na libo. "Ito ate, keep the change. kapag, maganda ang service mo dadagdagan ko pa iyan." Sabi ni Prin.

Natuwa ang babae.

Sa unang pagkakataon, nagsalita si Cally. "May restaurant ba kayo dito? Sigurado na nagugutom na ang Honey ko" 

Isang malamig na boses ang narinig ni Ate parang boses ni James Reid. Para itong maiihi na ewan.

"May cook po kami Ser. Pwede niyo po sana kainin sa mga kubo sa labas, kaya lang umuulan. Pwede rin po namin ipahatid sa kwarto Ser." Sabi nito.

"Sa kusina kami kakain. Pwede ba doon?" Tanong ni Prin. Alam niya kasi na ayaw ni Cally ng kumakain sa kwarto. Ayaw nito ng makalat.

"Mainit po doon e." 

"Dalhin mo na lang sa kwarto kahit anong pagkain na masarap sa inyo." Si Cally

"Sige po!" Natuwa ito dahil makikita muli nito si Cally kapag hinatid ang pagkain. Nakita nito na inakbayan ni Cally si Prin at tinungo ang kwarto.

'Haay excited agad sila' napapailing si ate.

Hinanap ni Prin at Cally ang kwarto. 

Pagbukas ng pintuan, nanlaki ang mata ni Prin dahil sa gulat kung anong klase ng kwarto ang binigay sa kanila ng babae.

Pulang-pula ang kwarto na maihahalintulad sa red room ng 50 shades of gray. May disenyo pa na mga rosas ng wallpaper sa isang parte. Nasa gitnang bahagi ang kama na mukhang malambot nga at masarap tulugan. May lacey curtain sa paligid ng kama na kulay red orange.

May bathtub na nasa loob ng kwarto na tanging liguan dahil isang maliit na ihian lang talaga ang meron sa loob. 

Isang coffee table sa pinakagilid na may dalawang silya. Maluwag ang buong kwarto. 

Nakaramdam ng hiya si Prin habang tinititigan ang kulay fuschia pink na bathtub. She has an idea that this is what they called 'love room' para sa nagha-honeymoon.