Nagising si Prin na sobrang dilim ng paligid. Pero hindi siya natatakot dahil nasa tabi niya si Cally. Malakas pa rin ang ulan at hangin sa labas na humahampas sa bintana.
Inalala niya ang mga naganap sa kanila ni Cally ilang oras ang nakalipas.
She was happy. Inalalayan siya nito ng mabuti para hindi siya masyadong masaktan sa kanyang unang 'pagsubok'.
Kinapa niya ang pisngi ni Cally sa tabi. Iniisa isa niya ang bawat parte ng mukha nito dahil sobra ang dilim.
"Huwag mong lamukusin ang mukha ko" bigla itong nagsalita.
Hindi alam ni Prin na nauna pa itong magising sa kanya at tila dinadama ang mainit niyang katawan.
"Sorry… Anong oras na?" Tanong niya.
"Sa tingin ko may alas nuwebe na ng gabi" sagot nito.
Alas nuwebe? Ilang oras siya na nakatulog kung ganoon?
"Hindi ka nagugutom?" Tanong ni Prin kay Cally. Kahit pa mas gusto niya na magpahinga dahil sobrang sakit ng katawan niya.
"Okay lang ako. Pinakain mo na ako di ba?"
Pinalo niya sa braso si Cally. "Puro ka biro… ang manyak mo" sabi niya na namumula ang pisngi.
"Bakit? Hindi mo ba ako pinakain kanina? Sinubuan mo pa nga ako diba?" Nangingiti ng lihim si Cally.
Tinalikuran niya na ito dahil nahihiya talaga siya kahit pa sobrang dilim. Hinila siya muli ni Cally.
"Malamig sobra sa labas kaya kailangan nating magyakapan"
Prin "...."
=====
Kinabukasan. Maliwanag na sa labas nang magising silang dalawa. Wala pa ring kuryente sa kwarto nila.
Sinilip ni Prin ang cellphone niya. Sa wakas ay may signal na, kaya marami siyang mensahe na nakita sa 'Unread inbox'.
Hinahanap sila ni Cally ni Assistant Xander, ang Mommy niya pati ang iba pa. Mukhang nag-alala sa kanila ang lahat sa Maynila dahil halos 24 hours silang nawala ng asawa niya.
Nakalimutan ni Prin na may bitbit nga pala siyang mahalagang tao sa pamilya. Mawala lang ito ng tatlong oras nang hindi alam sa kanila, sigurado na nag-aalala na kahit si Madam Lira na nasa UK.
"Husbie, hinahanap na nila tayo sa Maynila." Pagbibigay-alam niya sa asawa.
Nakatingin lang sa kanya si Cally. Sa loob ng bente kwatro oras, naganapan nila ang pagiging mag-asawa ng walang ibang iniisip. Nasa mundo lang sila ng isa't isa. Walang iniisip na problema sa Maynila. Hindi man lang pumasok sa isip ni Cally ang mga problema sa opisina. Nakalimutan din nila ang role nila sa pamilya.
Nasa loob sila ng hindi kilala at kalakihang resort pero masyado siyang nasiyahan sa pagtigil nila ni Prin doon. As much as he wanted to have their very first in a very nice place, mukhang tinulungan na sila ng pagkakataon.
Walang kuryente ang lugar, hindi ganoon ka-lambot ang kama, masikip ang C.R., ang shower ay naliligaw na napunta sa iisang bathtub at hindi pa maganda ang panahon sa labas.
Gan'on pa man, he enjoyed his time with Prin. Yesterday was one of the best days of his life.
Nilapitan niya si Prin at sinakop ang labi nito.
Nabigla si Prin sa biglaang pagkilos ni Cally. Natutuwa naman siya kahit papaano dahil kampante na sila sa isa't isa.
"I'll bring you to a nice place next time"
"To... what place?"
"To Paris? I don't know…" napakamot sa ulo si Cally.
Walang alam si Cally pagdating sa mga romantic na lugar. Tutulungan ba siya ng mga romantic places sa stocks ng MGM? What about being a Dark Lord member? The answer is 'no'.
Iyon ang dahilan kaya hindi siya interesado noon.
He doesn't care about those things before. Ngayon niya lang narealize na hindi lahat ng bagay sa mundo ay alam niya. Para siyang babalik sa Grade 1 'pag usaping pag-ibig.
"May naiisip ka ba na puntahan? Though we can do it kahit saan, sa kama, sa kotse, sa kusina, sa opisina kahit sa school pwede rin"
Nanlaki ang mata ni Prin at ini-imagine ang mga binanggit na lugar ni Cally.
"What the heck are you thinking?!" Galit at namumula ang mukha niya sa hiya.
"Bakit, may masama ba sa sinabi ko? Ano ang iniisip mo na masama? What I am saying is all about kissing."
Prin "...."